OWN ME
Chapter 22
"Hindi ko talaga alam kung paano ako pumayag sa walang kwentang proposal na iyon eh. Nasisiraan na yata ako ng bait. Oo nga at malaki ang utang ko sa kanya pero sa ginagawa ko'ng ito, para ko na ring ibinenta ang sarili ko... parang natutulad na rin ako sa babaeng nagluwal sa akin." Napabuntong hininga nalang siya ng maalala ang ina. "At bakit ko ba kinakausap ang sarili ko sa salamin?"
Today is the celebration of her eighteenth birthday. Hindi nga niya maintindihan kung bakit kaylangan pang ipagdiwang ang birthday niya kahit last week pa talaga iyon tapos. It was actually Dwight's grandfather's idea para daw i-announce na rin ang engagement nila.
Engagement. Ikakasal sila ni Dwight dahil lang sa kadahilanang nahuli silang magkayakap na natutulog ng lolo nito pati na rin ang mga kapatid nito at magulang. Si Clyde lang ang kulang sa angkan nila ng umagang iyon and viola! Instant reunion na sana nila.
Wala siyang nagawa lalo na ng mamanhikan ng gabi ring iyon ang angkan ni Dwight sa kanila na pakana ng lolo nito. Alalang alala pa siya sa tatay niya na baka atakihin pero mukang tuwang tuwa pa ito habang siya ay parang mahihimatay na sa nerbyos. At least daw ay may mag aalaga na sa kanya kung biglang may mangyaring hindi maganda.
"Masaya ako sa pagiging sinsero ninyo at sa pormal na paghingi ninyo sa kamay ng aking anak. Alam ko naman na dito din ang bagsak ng dalawang iyan. Hindi ko lang inaasahan lalo na at menor de edad pa ang dalaga ko. Pero tulad nga ng sinabi ninyo, marapat lang na maikasal na sila. Hindi na ako bumabata at napaka-traydor ng sakit ko. Wala rin kaming pamilya rito kundi ang isa't isa kaya natutuwa akong malaman na may mag-aalaga na sa kaisa-isa kong yaman."
Naiyak siya sa sinabi ng tatay niyang iyon. Hindi sa parteng parang ibinibigay na siya nito kay Dwight kung hindi sa parteng parang tanggap na nito na anumang sandali ay mawawala ito. Kung tanggap na nito, siya ay hindi pa. Hindi pa ngayon at lalong hindi rin sa susunod na mga araw.
Wala siyang nagawa. Maski si Dwight na kung ano ano na ang idinahilan ay hindi rin pinakinggan. Matigas pa yata sa bato ang kukote ng grandpa ni Dwight eh? At kung weirdo si Dwight ay hamak na mas weirdo ang lolo nito. May nalalaman pa silang tradi-tradisyon na kesyo kailangang magpakasal ng isa sa lalaki sa angkan pagsapit ng ika-dalawampu't isang kaarawan. Ang daming arte. Pero kung tutuusin ay maaari namang huwag na iyong sundin. Hindi naman nila ikamamatay iyon.
"Ano ba 'tong napasukan ko?" Muli niyang kausap sa sarili. Gusto na nga niyang sabunutan ang sarili niya kaya lang ay baka magulo ang kinulot niyang buhok na malayang nakalugay.
"Let's go Rin. You've been here for almost two hours."
Hindi na niya kailangan pang lumingon dahil kilalang kilala na niya ang atat na nagsalita. Ewan ba niya kung paanong hindi niya naipagkakamali si Dwight kay Clyde.
"Di ka ba marunong kumatok? Paano pala kung nakahubad ako? E di nasilipan mo na ako." Inirapan niya ito and slipped on her stilleto.
"Makikita ko rin naman iyan eh."
Tinignan niya ng masama si Dwight and she saw thay playful smile on his lips kaya ang inaayos niyang stilleto ay ibinato niya rito na sinalo lang naman nito habang tumatawa.
"May usapan tayo, Dwight." Seryoso niyang sabi.
Lumapit ito at lumuhod sa harap niya. Gone was his playful smile. He was back to his serious facial expression again which she found lethal. Lalo lang kasing nae-emphasize kung gaano kagandang lalaki ito. And those deep blue eyes of his was so... ewan. She can't explain the effect of his blue eyes on her. But she always found herself staring at it.
BINABASA MO ANG
Marrying Dwight (DH 3 || Completed)
RomanceWhen she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his dummy girlfriend. But their involvement became deeper when he asked her to marry him where she agrees because she felt safe with him beside...