CHAPTER 31
OWN ME
Nagising siya sa magkasabay na pagtunog ng telepono at cellphone niya. Agad niyang kinapa ang saksakan ng telepono at hinugot saka niya isinunod patayin ang cellphone.
Madilim ang buong kwarto niya pero hindi na siya nag abalang buksan ang ilaw at kinapa nalang niya si Rin. Pero laking pagtataka niya ng wala siyang makapang katabi kaya agad siyang bumangon at lumabas ng kwarto niya without bothering to wear something to cover his naked body.
"Rin? Sweetheart?" Pero nakabibinging katahimikan lang ang sagot sa pagtawag niya sa asawa.
"Rin!" Pero wala pa ring sumasagot sa kanya.
Then, it hit him. Ang isa sa mga sinabi nito before their shattering love making.
"At gusto ko ng tapusin ito. I want to get out of this set up, Dwight."
"At gusto ko ng tapusin ito. I want to get out of this set up, Dwight."
"At gusto ko ng tapusin ito. I want to get out of this set up, Dwight."
Parang sirang plaka na nagpaulit ulit sa isipan niya ang sinabi nitong iyon. At napag isip isip niya na marahil ay pumayag lang itong may mangyari ulit sa kanila dahil iiwan na nga siya nito.
Ano bang akala nito sa kanya? Na sex lang ang habol niya? Kulang pa ba lahat ng ginawa niya since two years ago at nakuha pa rin siya nitong iwan? Damn but he wanted her for the rest of his life!
Agad siyang nagbihis at pinuntahan si Rin sa apartment nito pero nakapag check out na raw ito umaga pa lang. Pero sa coffee shop niya ito nakita at wala naman itong dalang gamit?
"Damn it Rin. Kapag nalaman kong may kasama kang iba, hindi ako mangingiming makipagbasag ulo mabawi lang kita." Bulong niya at agad na pinuntahan si Yohann pero wala raw ang binata roon at noong isang araw pa hindi umuuwi.
"Yow! 'Zup Telpace?" Anang susuray suray na si Jules. May kasama itong babae na kahawig nito at isang sa hula niya ay kasambahay na may hawak sa isang batang lalaki.
Sinugod niya si Jules at kinuwelyuhan. "Nasaan si Irinea? Makakapatay ako kapag nalaman kong magkasama kayo." Halos magdikit na ang mukha nila ni Jules. He needed to release his anger at isang pagkakamali lang ni Jules ay siguradong ito ang mapagbubuntunan niya ng galit.
"Why? Did she left you already?" Ngisi nito sa kanya at isang suntok ang pinatama niya sa mukha nito. Bulagta ito sa kalsada.
"Shit ka Telpace! Iiwan ka talaga ng babae dahil sa pangit ng ugali mo!"
"Kuya!" Awat rito ng kasamang babae. Parang nakita na niya ito dati?
"Don't stop me, Rei! You know how your friend treasure this trash so much that she forgive me right away for what I did before para lang tumigil na ang gagong ito sa mga pinaggagagawa niya." May kalakasan nitong sabi sa tinawag nitong Rei.
"What do you mean?" Aniya at halos madurog na ang ngipin niya sa pagtatagis ng bagang niya.
Tinaasan siya ng kilang ni Jules habang nakangisi at inaalalayan ng kapatid sa pagtayo. "Mauna na kayong umuwi ng anak mo, Rei. I'll be fine."
"Pero kuya -"
"Go home Reichelle. Gabing gabi na kaya iuwi mo na ang bata."
"Fine!" Sabay baling sa kanya nung Reichelle. "You're so stupid for letting Rin go. Manhid ka din and very insensitive. I can see how much you like her since two years ago. Pero mali ang paraan mo. So look at what happened. Both of you were broken. Hindi maganda ang paraan mo kaya hindi din naging maganda ang bunga. Rin loves you Dwight." Anito bago sundan ang kasambahay na may hawak na bata.
BINABASA MO ANG
Marrying Dwight (DH 3 || Completed)
RomanceWhen she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his dummy girlfriend. But their involvement became deeper when he asked her to marry him where she agrees because she felt safe with him beside...