Chapter 32

49K 1.1K 36
                                    

A/N: Walang re-read re-read. Walang edit-edit at ko po'y tinatamad. Kasalanan ni Jollibee. Haha. Sorry sa sabaw na update.

CHAPTER 32

OWN ME

"Relax Rin. This is just a check up. You don't have to get nervous like that." Yohann said as he held her hand and gently squeezed it.

"Anong magagawa ko? Sa kinakabahan ako eh." Aniya at sinibangutan si Yohann.

This past five months ay si Yohann ang kasa-kasama niya bukod sa tatay niya. Paminsan minsan ay dinadalaw din siya ng mommy ni Dwight, ni Clyde o kaya ay ang daddy nito. Pero ni minsan ay hindi nagbanggit ang mga ito ng tungkol sa asawa niya. Basta pinupuntahan lang siya ng mga ito para kamustahin.

"Mrs. Yohann Evaristo?" Tawag sa kanya ng attendant.

"You used my name without my permission." Anitong nakakunot ang noo at inalalayan siyang tumayo. Ito na din ang nagdala ng clutch bag niyang kulay pink.

Bigla tuloy niyang naalala ng minsang dalhin din ni Dwight ang bag niya noong nag aaral pa siya na para bang wala lang rito kung may bitbit man itong bag na pambabae.

Nginitian niya ng alanganin si Yohann. "Sorry. Ayoko kasi na gamitin ang pangalan ko." Sabi niya. Natatakot kasi siya na baka mahanap siya ni Dwight lalo na at halos limang oras lang naman ang layo ng Baguio sa Manila. "Saka naipaalam ko naman na ito kay Claire." Tukso pa niya.

"Don't mention her name. Let's go." Napangiti nalang niya kasungitan nito. Pero kahit papaano ay nabawasan ang nerbyos niya.

Pagpasok nila ay nginitian sila ng doctor at agad na pinaupo. Actually, ito ang pangalawang check up niya sa OB GYNE niya. Yes, she's pregnant at mag-aanim na buwan na ang tiyan niya. Ang sabi kasi sa kanya ay maaari na raw marinig ang heartbeat ng baby niya.

"There you go." Anang doctor.

Pero nagtaka siya sa naririnig niya dahil parang magulo. Parang may mali. At marahil ay napansin iyon ng OB niya kaya nginitian siya nito.

"Kambal ang anak mo Misis and congratulations sa inyong dalawa." Kinamayan pa nito si Yohann sa pag-aakalang ito ang ama ng ipinagbubuntis niya.

"Yohann..." tawag niya sa binata na agad ginagap ang kamay niya kaya lalo siyang napaluha. Naalala niya si Dwight.

Si Dwight dapat ang kasama niyang tumanggap ng magandang balitang iyon. Ito dapat ang may hawak ng kamay niya ngayon at kasama niya sa bawat check ups niya pero wala ito. Ni hindi niya alam kung alam ba nito na buntis siya. Siguro nga ay kailangan na niyang kalimutan ang asawa lalo na at baka masaya na ito sa piling ni Clarisse. Baka nga nagpaplano na ang mga ito ng magpakasal sa oras na mabigyang bisa ang annullment nila. Ang ipinagtataka lang niya ay sa loob ng halos kalahating taon ay wala siyang balita sa kung ano na ang nagyayari sa annullment nila. Ang sabi kasi sa kanya ng abogado niya ay ito na raw ang bahala sa mga dapat ayusin kaya hinayaan na niya.

"Congratulations." At niyakap na siya ng tuluyan ni Yohann.

"Thank you." Iyon lang ang namutawi sa mga labi niya kahit na parang ang dami dami niyang gustong sabihin.

"Wala ka bang planong ipaalam sa kanya?" TAnong ni Yohann habang lulan sila ng sasakyan nito at pauwi na.

Umiling lang siya. Parang may nakabara sa lalamunan niya na hindi siya makapagsalita. At lihim rin siyang nagpasalamat dahil hindi na nagtanong pa si Yohann.

Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan ay umaasa pa rin siya sa kaibuturan ng puso niya na pupuntahan siya ni Dwight. Pero sa bawat pag asam niya ay parang lalo lang niyang sinasaktan ang sarili dahil ni anino nito ay hindi niya nakita at tanging ang mommy at daddy nito at si Clyde ang dumadalaw sa kanya para kamustahin siya. At marahil ay dala ng sakit kaya ipinasya na rin niyang lumayo sa mga ito lalo na kay Clyde dahil nakikita niya sa mga mata nito ang kakambal. Ang lalaking una niyang minahal at nagparamdam sa kanya kung gaano kasarap maging isang babae. Ang tanging lalaki na nagpatibok at magpapatibok sa puso niya. Ang lalaking sa titig palang ng asul nitong mga mata ay nalulunod na siya. At ang tanging lalaking hinayaan niyang maging parte ng pinakamalaking bahagi ng buhay at pagkatao niya. Ang ama ng mga anak niya, si Dwight, na kailan man ay hindi magiging sa kanya.

"Are you sure about this?" Ani Yohann. Minsan kasi ay nabanggit niya rito na ayaw na niyang magkaroon ng komunikasyon sa mga Telpace at inalok siya nitong tumira sa rest house ng mga ito sa Cavite.

"Ayaw mo yata eh! Pumayag ka na para may taga linis ng rest house nyo." Pabiro pa niyang sabi.

Bumuntong hininga ito. "Hindi ang bahay ang issue, Rin. Alam mo naman na basta kaya ko ay gagawin ko para sa'yo, hindi ba?"

"Ayan ka na naman eh! Kita mo nga at malapit na akong mangitlog tapos bumabanat ka pa ng ganyan." Pambabalewala niya sa pagpaparamdam nito.

"Fine. Pero kukuha ako ng kahit dalawang katulong para may kasama kayo ng tatay mo sa rest house."

"Hindi na." Tanggi niya agad pero tinignan lang siya ng masama ni Yohann. "Sobra sobra na ang mga tulong na nagawa mo sa akin kaya huwag ka ng masyadong mag abala."

"Rin..."

"Yohann please?"

"Isang kasambahay. Take it or leave it. And I'm not doing this to win you. Nag aalala lang ako. Malayo din ang Cavite sa Manila kaya hindi ko kayo mababantayan kaya mabuti ng may kasama kayo sa bahay. Isa pa, paano ka pa magtatrabaho sa bahay kung ganyang di mo na nga madala iyang tiyan mo?"

"Taray mo naman. Oo na! Sige na. Pumapayag na ako. Pero hindi kami magtatagal doon, Yohann. Babalik din kami sa luma naming bahay pagkapanganak ko."

Tinitigan lang siya ni Yohann habang nakapamulsa. Para bang sinasabi nito na kung bibigyan lang niya ito ng pag asa ay mas mapapabuti siya.

"If you would only let me take care of you..." bumuntong hininga ito samantalang umiling naman siya.

"Magiging unfair sa'yo iyon, Yohann. You were such a great person. May pagkasuplado ka, oo pero okay ka naman kasama." Sinibangutan lang siya ni Yohann at tinignan ng masama. Lalo lang tuloy lumiit ang singkit nitong mga mata kaya napangiti siya. "Ang cute ng mata mo!" At di niya napigilan na kurutin ito sa pisngi na lalo lang nagpakunot ng noo nito.

"Stop that, lady. Baka isipin ko na nagpapapansin ka na rin sa akin." Sabay ngisi nito kaya tinampal niya sa braso na ikinatawa nito.

"Kapal ng mukha nito. Kay Claire ka nalang kasi. Kayang kayang sakyan ng babaeng iyon ang kasupladuhan mo." Tukso niya.

"But she's not you." Parang batang sabi nito.

Heto na naman po silang dalawa. "Tama ka dahil sya, patay na patay sa'yo." Pambabalewala nalang niya sa pasaring nito saka niya tinawanan pero napahinto din siya dahil sa paggalaw ng mga anak niya sa sinapupunan niya.

Agad naman siyang nilapitan at tinabihan ni Yohann. "What's wrong?"

Huminga siya ng malalim at nginitian ito. "Ang likot na nila, Yohann. Akin na ang kamay mo." Saka niya ipinatong iyon sa tiyan niya, sa bahagi kung saan naglilikot ang anak niya.

"They're... they're moving like - oh shit! Manganganak ka na ba?" Umiling siya dahil kung accurate ang bilang nila ng doctor ay eight months and one week palang ang tiyan niya.

"Well, I think you are."

Napakunot noo siya kasabay ng paghugot ng hininga dahil sa paggalaw ng mga anak niya. Then she felt herself wet.

"I'll get the car. Stay there."

"Oh, Yohann saan ang punta mo?" Anang tatay niya na mukang galing sa pagdadamo sa likod bahay.

"Manganganak na po yata si Rin kaya dadalhin na po natin siya sa ospital."

Sa sinabing iyon ni Yohann ay nataranta naman ang tatay niya habang siya naman ay unti unting binabalot ng kaba. Ang sabi sabi kasi ay walang nabubuhay sa mga ipinapanganak na walong buwan kaya paano na ang kambal niya? Baka masiraan na siya ng bait kapag nawala pa sa kanya ang kambal niya. Hindi niya kakayanin.

"Let's go. And just hang on. Relax ka lang okay?" Tumango lang siya kay Yohann. "Everything's going to be alright." He said holding her hand and unconciously kissing it as if he is her husband.

Napaluha siya. Si Dwight dapat iyon. Pero wala ito kaya maisilang lang niya ng maluwalhati ang mga anak niya ay kakalimutan na talaga niya si Dwight. Itutuon nalang niya ang buong atensyon at pagmamahal sa kambal niya. Pero binabagabag pa rin talaga siya ng sabi sabing walang nabubuhay sa eight months. Kaya pagdating sa ospital ay parang latang lata na siya the slowly, everything turns blur then black.

Marrying Dwight (DH 3 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon