OWN ME
Chapter 24
Nang araw na iyon ay hindi na nga siya pinuntahan no Dwight para yayaing mag lunch na tulad ng nakagawian nila sa nakalipas na tatlong buwan mula ng ikasal sila. She was expecting that peri hindi pa rin niya naiwasan na hindi umasa na baka sakaling puntahan pa rin siya nito. But she got disappointed. He was really a man of his words.
Nang mag uwian naman ay umasa ulit siya na hinihintay siya nito sa parking area pero ni anino nito ay wala kaya ng tawagan siya ni Yohann para i-brief sa susunod niyang gagawin ay hindi na siya nagdalawang isip na makipagkita rito. Dati kasi ay through email lang ang communication nila. They also had dinner at ito na ang naghatid sa kanya dahil mukha daw siyang wala sa sarili. Past eight na ng makarating siya sa kanila at kahit may pagtataka sa mukha ni Yohann ay hindi nalang niya pinansin. Nagpasalamat lang siya at agad ng dumiretso papasok sa bahay nila ni Dwight.
Huminga muna siya ng malalim bago pinihit ng doorknob. Kinakabahan siya. Hindi niya alam kung paano sisimulang mag sorry. Naalala tuloy niya ang sinabi ni Chesca na maghubad nalang daw siya. Wala talaga siyang makukuhang matinong advice sa isang iyon.
Ilang beses pa siyang bumuntong hininga bago hinawakan ang doorknob para buksan iyon.
"Are you going in or not?"
"Ay kabayo!" Sabay hawak niya sa dibdib. Nalaglag kasi yata ang puso niya sa gulat kay Dwight na hindi niya namalayang nasa likuran na pala niya. "Ginulat mo ko."
Pero hindi siya nito pinansin at dumiretso na sa loob ng bahay. Nilagpasan lang din siya nito na parang wala siya roon.
"Okay. So galit talaga ang mama at mukang nakainom pa." Bulong niya sa sarili dahil naamoy niya ang alak mula rito.
May isa silang katulong sa bahay pero kapag sabado at linggo ay pinapauwi nila ito dahil wala naman na silang pasok noon. At tulad ngayon, dalawa lang sila ng masungit na si Dwight sa bahay. At tulad ng nakagawian ay sa guest room niya nakitang tumuloy si Dwight na tulad ng nakagawian nilang set up kapag walang nakakakita. Dumiretso na rin siya sa kusina at nagluto ng madaling lutuin para sa hapunan ni Dwight. Mag aalas nueve na siya ng matapos at agad siyang naghain at kinatok si Dwight sa guest room.
"What?" Masungit nitong bungad ng buksan ang pinto. Naka-boxer shorts lang din ito at puting sando.
"Ka-kain na." Sabay iwas niya ng tingin. Bakit kasi ngayon pa siya nag stammer?
"Kumain na ako. Anything else?"
"Ha? Ah, wala. Sige, matulog ka na." Sabay talikod niya. Nasayang lang ang effort niya. Kung alam lang niya, hindi na sana siya nagluto at natulog nalang siya.
"Grabe tala ang lalaking iyon! Daig pa ang babae kung magtampo. Akala mo sinong gwapo." Bulong niya habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok. "Bahala na si batman. Kung ayaw niyang makipag usap, edi huwag nya!"
++++
"FUCK!"
Hindi talaga niya mapigil ang inis niya. Bakit ba kasi hindi nalang niya hinintay ang asawa at isinabay umuwi? Iba tuloy ang naghatid dito. At sa dami ng pwedeng maghatid ay iyong Yohann pa na iyon ang makikita niya sa tapat ng pamamahay niya na naghatid sa asawa niya.
"Fuck you Clyde! What's your problem again?" Bungad niya pagkasagot na pagkasagot niya sa cellphone niyang kanina pa nagri-ring. Pero sa halip ay ang bunso niyang kapatid ang narinig niya sa kabilang linya. He immediately turned it off to calm himself.
Hindi pa rin nawawala ang inis niya sa asawa. Pakiramdam niya ay ikinahihiya nitong maging asawa siya, na ikinasal ito sa kanya dahil sobra ang pag-iingat nitong malaman sa eskwelahan ang tungkol sa pagpapakasal nila.
BINABASA MO ANG
Marrying Dwight (DH 3 || Completed)
RomanceWhen she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his dummy girlfriend. But their involvement became deeper when he asked her to marry him where she agrees because she felt safe with him beside...