Chapter 9

24 3 0
                                    

NATALIA'S POV

"This is so hard." I heard Alexander whispered.

 December 3 na ngayon. Pina practice na namin ngayon ang huling mga steps ng sayaw at kung ano ang inumpisahan namin step kanina, ay siya paring inaaral namin ngayon. Hindi pa rin kami nakakaalis dahil hindi namin masundan sundan ang tamang galaw ng paa.

"Ulit!" Ms. Rose shouted dahil nagkamali nanaman kami.

Malapit ng maubos ang dalawang oras naming practice pero hindi parin namin nagagawa ang tamang galaw. Napakahirap naman kasi talaga. Ansakit na ng paa ko dahil natatapakan at sigurado akong ganon din si Alexander. Gusto ko sanang tanggalin ang sandals ko kanina at mag paa paa nalang pero hindi ako pinayagan ni Ms. Rose dahil kailangan daw mag practice akong naka sandals para hindi ako mahirapang gumalaw pagdating ng reunion dahil sanay na ako.

Ang step na inaaral namin ngayon ay ang parte kung saan sumasayaw na sila Cinderella habang nililibot ang buong bulwagan. Napakahirap niyon dahil paikot ikot kami. Nagagawa naman namin kaso lang ay nagkakamali kami kung saan tatapak ang paa kaya ang ending nagkakatapakan kami ni Alexander.

"Ok isa pa!" Mr. Dave shouted. "1,2,3,4,5,6,7,8. 8,7---"

"Ahhh!" I screamed.

Habang sumasayaw kami ay natapilok ako. Buti nalang ay hindi ako bumagsak sa sahig dahil mahigpit ang hawak sa akin ni Alexander sa kamay at bewang kaya naalalayan niya ako agad ng matapilok ako.

Agad na lumapit sa amin sila Mr. Dave at Ms. Rose na bakas ang pag aalala sa kanilang mukha.

"O my gosh Natalia, what happened? are you okay?" nagpapanic na tanong ni Ms. Rose.

"M-my right foot, it hurts!" I told them. 

"She acccidentally slipped." Alexander answered.

"Dalhin at iupo mo muna siya sa sala. Tara!" Mr. Dave told us.

Agad akong inalalayan ni Alexander sa paglalakad. Nang maiupo niya ako ay nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko at dahan dahang inangat ang kanang paa ko na natapilok at hinubad ang sandal ko bago ipinatong ito sa kanyang hita.

"Ouch!" I react nung sinubukan niyang galawin ito. Masakit kaya!

"I-m Sorry. I'll be careful" He said.

I nodded at him. He tried to massage again my foot but this time, he's more careful. He's hand is very soft, I felt it on my skin.

Nang marealize ko ang aking iniisip at  ang katotohanang nakaluhod siya sa aking harapan at minamasahe ang aking paa ay agad kong ipinikit ng mariin ang aking mga mata saka ibinaling ito sa gilid. Tiyak kong namumula ang mukha ko ngayon dahil sa hiya.

I cleared my throat. "Uhm okay lang hayaan mo na at sa bahay ko nalang iyan gagamutin. Salamat." I told him.

"Are you sure?" Tanong niya ng may pag aalala.

"Uh yeah." I answered.

"I'll drive you home." He told me.

"What?!" Gulat kong sabi. "I- I mean Why?" medyo kalmadong tanong ko.

"You can't drive in your situation. Baka maaksidente ka. Alam kong masakit iyang paa mo kaya hindi mo iyan maitatapak ng mabuti." He answered.

"Eh pano yong kotse ko?" I asked.

'Sige magdahilan ka Natalia para hindi ka na niya ihahatid. Jusko galingan mo self.'

"Ipapahatid ko nalang sa inyo.Huwag ka mag alala." si Alexander.

Stupidly Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon