NATALIA'S POV
Kinabukasan, pumunta lang ako sa kompanya para kunin ang mga dadalhin kong papeles na hindi ko pa nakuha kahapon dahil ipinahanap ko pa kay Kate. Bago ako umalis ay may naalala akong ipagawa kay Kate.
"Kate, pakihanapan ako ng isang magaling na investigator. Gusto ko siyang makausap mamayang 4:00 PM, sa mansion mo siya papuntahin. Pakisend nalang sakanya ang address." pag- uutos ko.
"Cge po Ma'am" she said.
When I came back home, I immediately go upstairs. I went to our library which is also my office, to pick up some papers and then go to my room.
Naglabas ako ng tatlong suitcase sa walk in closet ko, isang maliit para sa lahat ng mga papeles na dadalhin ko, dalawang malaki para sa mga damit,sandals at sapatos ko.
Bumaba lang ako para mananghalian saglit at pagkatapos ay itinuloy ko ulit ang pag iimpake. Natapos ako ng 2:30 PM at nagpahinga. Saktong alas tres na ng maligo ako.
I wore my black MK pleated georgete halter dress partnered with my black Stuart Weitzman NudistJune leather sandals. I blowdried my hair at pinabayaan ko lang itong nakalugay saka naglagay ng powder sa mukha at liptint sa labi.
Lumabas na ako ng kwarto para pumunta sa opisina ko dito sa mansion dahil doon ko nalang aantayin ang investigator.
Habang nag aantay ay tinawagan ko ang telepono sa baba ng mansion dahil tinatamad akong bumaba. Si Manang ang sumagot.
"Hello, sino po sila?" Manang asked.
"Manang It's me, Natalia. Tinatamad po kasi akong bumaba kaya itinawag ko nalang. Mamayang 4pm po may pupunta pong investigator dito. Pagkarating niya po pakihatid nalang po siya dito sa opisina ko. Tsaka pahatid din po ako ng meryenda namin mamaya." I told her.
"Ah cge ibibilin ko siya sa iba pang kasambahay at maghahanda ako ng meryenda niyo mamaya." she said.
"Salamat Manang." I said before I ended the call.
Saktong alas kwatro ay may kumatok sa aking opisina. Bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang babaeng kasing tangkad ko lang. Kasunod niya ang kasambahay na may dala dalang tray ng pagkain at mabilis na inilapag sa aking mesa at umalis. Ngumiti sa akin ang babae at siya na ang nagsara ng pinto.
I smiled to her."Have a seat" alok ko.
Lumapit siya sa desk ko at nakipagkamay sa akin bago umupo sa isa sa dalawang upuan na nasa harapan ng desk ko.
"Good Afternoon Ma'am. I am Annastacia Rodriguez but just call me Anna. Tumawag sa amin ang Secretary niyo at ako ang inatasan ng boss namin na gagawa sa ipapagawa mo Ma'am." she told me.
"Nice meeting you, Anna. I am the CEO of Le Martinez Hotels, Natalia Isabel Martinez. Uhm yes may papaimbestigahan akong isang tao." I told her.
"Here." inabot ko sakanya ang isang wallet size na litrato ni Christian.
"He's my fiancè. I want you to investigate him, he's Christian Ace Valdez. Sabi ng bestfriend ko, tatlong beses na niya siyang nakitang may kasamang babae at ang huli, nakita niya silang magka holding hands sa isang resort sa Tagaytay. Same girl na kasama sa tatlong beses na niyang nakita. Aalis ako ng bansa on Monday and I will be gone for maybe 1 month. Gusto kong malaman kung totoo bang may iba siyang babae. Christian knows about this kaya nasisiguro kung lalabas at lalabas sila dahil wala ako dito. Paki imbestigahan mo na rin ang buhay nung babae. Ibibigay mo sa akin lahat ng malalaman mo pagbalik ko ng Pilipinas. I will call you when I came back."I told her.
BINABASA MO ANG
Stupidly Inlove Again
RomanceMay mga tao talagang kahit ilang ulit silang lokohin ng taong mahal nila, patuloy pa ring maghihintay at magmamahal. May mga pagkakataon na kahit sinasampal na ng katotohanan, patuloy pa rin silang naniniwala sa mga kasinungalingan, dahil nga ba mah...