NATALIA'S POV
Days passed quickly, tomorrow is already New Year and we are now back in Manila. Matapos kasi ang pasko ay bumyahe na din kami dito pabalik.
Mom, Manang, and I are busy today in the kitchen preparing the food for the Media Noche later. Gumagawa kami ni Mommy ng fruit salad ngayon. Marami kasing pinadalang mga prutas sa amin si Uncle Hermis galing sa farm nung pauwi na kami.
Ang iba namang kasambahay ay abala sa paglilinis ng guest room dahil darating ang mga kapatid ni Daddy dito mamaya at kasama naming magsi -celebrate ng new year. Kasama din nila syempre ang kanilang mga pamilya kaya siguradong may inuman nanaman kaming magpipinsan mamaya.
Nang magdidilim na ay umakyat na ako sa aking kwarto upang mag impake para sa outing naming top students bukas. Muntik ko pang nakalimutan yun buti nalang at nagchat si Selena sa groupchat naming kanina na excited na daw siya para bukas.
Isang malaking maleta at travel bag ang dala ko dahil 3 weeks iyon. Nagdala din ako ng ilang pares na swimsuit at sunblock dahil malamang maliligo kami doon.
Nagdadalawang isip pa ako kung mga pajamas ba ang dadalhin kong pantulog pero sa huli, iyong mga nightdress(nighties) ko nalang ang dinala ko. Malabo din naman sigurong lalaki ang makakasama ko sa kwarto dahil marami naman kaming mga babae. Isinasama ko na din ang mga pares nitong silk robe para incase na may katabi akong matulog, may maisusuot akong robe. Ayaw ko namang matulog na may katabi tapos night dress lang ang suot dahil wala ako sa bahay.
Pagkatapos non ay naligo na ako. I wore a sky blue off shoulder top tucked inside a knee length floral skirt partnered with white Christian Louboutin Loubi Bee 85 leather sandals. I blow dried my hair and tied it in a ponytail. I also applied a light make – up on my face.
When I went downstairs, our visitors are already there. Nakipag beso ako kila Tita at Tito pati na rin sa aming mga pinsan. Bale 4 sila Daddy na magkakapatid. 2 lalaki at 2 babae at lahat sila ay andito ngayon kasama ang kani kanilang pamilya.
After our dinner, ang mga matatanda ay naiwan sa sala ng mansion at kaming mga magpipinsan ay pumunta sa may pool area dahil nagpa set up si Charles dito kanina ng projector at white screen for our movie marathon.
Nagpahanda din ako dito ng maraming tsitsirya, juice, multi decker sandwich, lemons, sliced fruit, barbeque at ng maraming alak na siyang kinatuwa ng aming mga pinsan.
Inumpisahan ni Axel ang pag inom ng alak at sinundan na ng iba pati ako ay napa inom na din habang nanonood.
Nang malapit ng mag hating gabi ay nagsilabasan na din ang matatanda para maghanda sa fireworks display. Kami naman ay tumulong na din dahil hindi pa naman kami gaanong lasing.
"10!"
"9!"
"8!"
"7!"
"6!"
"5!"
"4!"
"3!"
"2!"
"1!"
"Happy New Year!!!" malakas naming sigaw at sabay sabay na sinindihan ang mga fireworks at losis.
Some of us are jumping and screaming.
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na kami sa mansion para kumain. After kumain ay nagsibalik kaming magpipinsan sa pool area at muling itinuloy ang party.
Nagpatugtog pa sila ng music. Some of our cousins are dancing wild. Ako naman ay sinunod sunod ang paglagok ng alak. Nakihalo na din ako sa mga pinsan kong sumasayaw. Ramdam kong lasing na ako pero hindi parin ako nagpa awat. Uminom parin ako ng uminom walang pakialam sa mangyayari kinabukasan.
BINABASA MO ANG
Stupidly Inlove Again
RomanceMay mga tao talaga na kahit ilang beses lokohin ng taong mahal nila, mahal parin nila. Minsan kahit sinasampal na ng katotohan naniniwala parin sa kasinungalingan kasi mahal niya. May mga tao ding kahit hindi sila mahal ng taong mahal nila, mahal pa...