NATALIA'S POV
Nagising ako kinabukasan bandang alas dos na ng hapon. Masyado kasi akong napuyat sa reunion kagabi.
Dahil ramdam kong gutom na ako, naghilamos nalang muna ako. Mamaya nalang ako maliligo. Kakain muna ako.
I went downstairs and walked straight to the kitchen to eat my breakfast and lunch.
Nang matapos ako ay bumalik na ako sa kwarto para maligo.
I wore a maong shorts, spaghetti strap top and a pair of slippers.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table saka bumaba.
"Where are they?" I asked the maid.
"Nasa garden po." She answered.
Naglakad na ako papunta sa garden at naabutan ko nga doon sila Mom, Dad and Charles na naka upo.
"Oh buti gising ka na." si Dad ng maupo ako sa harapan nila sa tabi ni Charles.
"How's your reunion ball? Hindi ko nakita ang look mo kagabi ha, sayang wala tayong picture." Si Mommy.
Hindi nga nila ako nakita kagabi kasi lumabas silang tatlo kasama mga friends ni Mom. Kumain sila sa labas.
Si Axel din ay hindi ako nakita dahil late ng umuwi iyon kagabi dahil sobrang busy niya sa kompanya. Mga maids lang kasama ko dito sa bahay kahapon.
"It's okay Mom. I enjoyed the party." I said.
Naglapag ng meryenda ang maid sa table namin kaya naman hindi na umimik si Mom.
"Tumawag ka na ba kay Tito mo Hermis?" Dad asked.
"Yes Dad. Nakausap ko din that time si Lola. I told her that we will spend Christmas there. She looks excited Dad." I said, smiling.
"Mag grocery tayo ng dadalhin natin doon, Talia. Bukas ng umaga ano? Tapos mag shopping na rin tayo ng mga bags and damit." si Mom.
"Sure Mom let's go out tomorrow. Ikaw Dad? Do you want to join us?.... Charles?" I said pinagpapalit palit ang paningin sa kanilang dalawa.
"How about, kayo nalang ang magkasama at kami naman ni Charles bukas. Punta kayo sa gusto niyong puntahan, ganon din kami. Right Charles?" si Dad.
Tumango naman si Charles sakanya.
"That's a good idea, Hon. A mother daughter and father son bonding."
"How about Kuya Axel?" Charles asked.
"He's busy. He can't go." I said.
"Kaya nga sayang naman." Dad said.
Night came and we are now eating our dinner. Axel is already here, eating with us. Ni hindi pa nga siya naka bihis. He's still wearing his office attire.
"How's the company, son?" Mom, asked.
"Okay lang naman Mom. " Axel answered.
"Napapadalas ang pag uwi mo ng late ah." Dad, said.
"Yeah. I have a lot of things to do in my office. At gusto ko matapos na agad lalo na kung kaya pa naman ng time hindi ko na pinapa abot ng bukas." Axel said.
Marami talaga siyang tatrabahuhin dahil hindi lang dito sa Pilipinas ang Le Martinez Hotel kundi meron din sa New York, China at London.
Nadagdagan pa ito ng 3 dahil nakapagpatayo ako noong ako pa ang CEO kaya meron na din sa Thailand, Japan and Korea.
BINABASA MO ANG
Stupidly Inlove Again
RomanceMay mga tao talagang kahit ilang ulit silang lokohin ng taong mahal nila, patuloy pa ring maghihintay at magmamahal. May mga pagkakataon na kahit sinasampal na ng katotohanan, patuloy pa rin silang naniniwala sa mga kasinungalingan, dahil nga ba mah...