NATALIA'S POV
Dahil hindi naman na masyadong masakit ang paa ko, nagdesisyon na akong bumaba ngayon para mag dinner.
"Oh bat ka na bumaba?" Axel asked when he saw me downstairs.
"Kaya ko naman na magaling na ako. Promise." pagpapacute ko dahil baka bigla akong pabalikin sa taas.
"Oh sige bahala ka na." He said at tumalikod na para dumeretso ng kusina.
Napangiti naman ako saka siya sinundan.
Kumunot ang noo ko ng madatnan ang maraming pagkain na nakahain sa lamesa. Busy din ang mga maids paroon at parito. Hindi ko rin makita si Manang.
"Axel! what's going on? What is this? Bakit andaming pagkain?" I asked clueless.
Napatigil siya sa pagsusuri ng buong kusina dahil sa tanong ko. Humarap siya sa akin ng naka kunot ang noo.
"Darating sila Daddy ngayon. Nakalimutan mo?" He said.
Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi. Dali dali kong kinapa at kinuha ang cellphone sa bulsa upang icheck ang date ngayon.
Napapikit ako ng makitang ngayon nga ang dating nila.
"Did you tell them already what happened to you and kuya Christian?" He asked. Concerned.
Umiling ako. Hindi ko pa nasasabi. Natatakot akong sabihin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. At isa pa, sa sobraang busy ko, nakalimutan ko ng sabihin sakanila. Gumapang ang kaba sa aking katawan dahil alam kong hindi ko na maitatago iyon ngayon.
"Don't be scared. Im sure they will understand." Axel smiled.
Inakay niya ako pabalik ng sala upang doon na mag antay. Sabi niya ay malapit na silang dumating.
Maya maya pa ay narinig na namin ang isang busina sa labas . Tanda na may nagpapabukas na ng gate sa guwardiya.
Tumayo na kami ni Axel at lumabas. Sakto sa pagtigil ng kotse sa tapat ng hagdan ng pinto ng mansion ang paglabas namin.
Mula sa backseat, naunang bumaba si Charles na sinundan ni Mommy at Daddy. Sinalubong namin sila ng yakap at mga halik bago kami tuluyang pumasok ng mansion.
While eating our dinner, hindi matigil kadadaldal si Charles. Namiss daw niya ang Pilipinas at bukas na bukas ay mamamasyal daw siya. Niyaya pa niya sila Daddy.
Matapos kumain ay umakyat muna kami sa kanya kanyang kuwarto para mag shower at magpalit ng damit pantulog. Pagkatapos nito ay bababa kaming muli para tumambay sa may pool area at mag uusap usap dahil iyon ang gusto ni Daddy.
Before going out of my room, I calmed myself first because I feel nervous. Alam ko kasing posibleng magtanong na sila tungkol kay Christian. Mangangamusta sila tungkol sa pagpaplano ng kasal.
Pagdating ko sa pool area ay nandoon na silang lahat. Mayroon pang mga wine sa mesa at baso.
I smiled at umupo na. Nagsalin naman agad si Dad ng wine sa mga baso at binigay iyon sa amin.
"Kamusta ng kompanya, Natalia?" Dad asked.
"Maayos naman Dad. Wala pong problema." I answered.
"That's good. Ilang araw nalang at si Axel na ang mamamahala. Siguro naman ay handa ka na Axel?" bumaling si Dad kay Axel.
"Ofcourse Dad." he said.
"Mamimiss ko ang kompanya." I said getting emotional a bit.
" Pwede ka pa namang bumisita doon ah di ko naman pinagbabawal." saad ni Axel na may nakalolokong ngiti.
I rolled my eyes at uminom ng wine.
"Kamusta na si Christian? Hindi pa ba kayo nagpaplano? It's already December. Next year na ang kasal." Mom said. She's smiling. " Invite him tomorrow. Let's have a dinner with him."
Napalunok ako. Ito na yon. Nagkatinginan kami ni Axel.
Ibinaling ko ang aking paningin kila Mommy at Daddy.
"The wedding is off. Wala na pong magaganap na kasal. Im sorry M-mom, Dad. " unti unting tumulo ang luha ko. Bumabalik lahat ng ala ala kung pano ako niloko ni Christian. Akala ko okay na ako at wala ng sakit pero meron parin pala. Ang sakit sakit parin.
Bakas ang gulat sa mukha ni Mommy at Daddy pati na rin si Charles.
"But why?" naguguluhang tanong ni Mommy.
"He cheated on me, Mom. I saw it with my own eyes. " Ikwenento ko sa kanila ang buong pangyayari simula sa paghihinala ni Andrea, sa pagpapa imbestiga ko at hanggang sa pagsugod ni Christian dito sa mansion.
"Oh my god" bulong ni Mommy ng matapos. Tumayo siya at lumapit sa akin para yakapin ako. Humagulgol na ako sa iyak dahil hindi ko na kaya. Pati si Daddy ay niyakap na rin ako. Kita ko sa mga mata ni Daddy ang galit dahil sa nangyari.
Nang mahimasmasan ako ay saka nagsalita si Daddy.
"Maybe he's not the right man for you kaya nangyari iyon." Dad said.
"Yeah. Maraming lalaki sa mundo Ate. Impossibleng walang para sayo." Charles joked. Natawa naman kami.
Hindi parin fully matured itong si Charles. Kahit si Axel ay may konti paring pagka isip bata. Hindi pa masyadong nag seseryoso sa buhay. Parang ako din noon ng kakagraduate ko ng College. Saka lang ako nag matured noong ako na ang CEO ng kompanya.
"Sana hindi niyo maranasan balang araw itong naranasan ko. Ayaw ko kayong nasasaktan." emosyonal kong sabi kila Axel at Charles. Niyakap nila ako ng mahigpit.
Matapos niyon ay bumalik kami sa pag inom ng wine at nag patuloy sa kwentuhan ngunit iba na ang topic.
"Hindi pa ba kayo inaantok? Kayong dalawa ay may pasok pa bukas diba?" si Dad.
"Si Axel kang po muna ang papasok bukas Dad, hindi pa po ako pwede kailangan ko pang ipahinga itong paa ko. Sa martes pa po ako pwedeng pumasok sabi ng doktor." I said.
"Oh bakit hija? ano bang nangyari sayo?" nag aalalang tanong ni Mommy.
"Naaksidente ka ba, anak?" si Dad.
" Natapilok lang po pero naging masama po kasi ang pagkakatapilok kaya po namaga. Nagpapractice po kasi kami ng sayaw that time at nagkamali ako ng apak." I explained.
" Sayaw?" si Charles
"Yeah. May magaganap kasi kaming reunion ball this December 18 at isa ako sa napiling sasayaw. It's a waltz so medyo mahirap sumayaw lalo na at may kapartner." I said.
" Mag- ingat ka sa susunod." si Dad at tumango ako.
Matapos ang usapang iyon ay nag aya na silang matulog kaya naman nag si akyat na kami. Dahil na rin siguro sa ininom naming wine kaya madali na lang akong nakatulog.
BINABASA MO ANG
Stupidly Inlove Again
RomanceMay mga tao talaga na kahit ilang beses lokohin ng taong mahal nila, mahal parin nila. Minsan kahit sinasampal na ng katotohan naniniwala parin sa kasinungalingan kasi mahal niya. May mga tao ding kahit hindi sila mahal ng taong mahal nila, mahal pa...