NATALIA'S POV
Kanina ko pa tinitignan ang aking sarili sa salamin simula nang matapos akong ayusan. Ready na ako para sa aming reunion ball mamaya.
I was wearing a rose gold off shoulder ballgown. Kumikinang ang suot ko dahil sa mga Swarovski crystals na nilagay doon.
Naka crown braid ang buhok ko at hindi rin masyadong makapal ang aking make up. Tama lang.
Diamond earrings lang ang suot ko at wala ng iba.
At gaya ng sinabi ko kahapon kay Alexander, suot ko ngayon ang crystal sandals na regalo niya sa akin.
Bumagay iyon sa suot ko. Kapag nasisinagan ng ilaw ay kumikinang din. Ngunit hindi iyon nakikita dahil natatakpan iyon ng gown maliban nalang kapag iaangat ko ang laylayan.
Binitbit ko na ang aking clutch bag at lumabas na sa aking kwarto. Ihahatid ako ni Manong ngayon dahil hindi naman ako pwedeng magmaneho ng ganito ang suot.
Paglabas ko ng mansion ay nakaabang na si Manong sa tabi ng sasakyan at agad akong pinagbuksan ng pinto. Dali dali siyang sumakay sa driver seat at nagmaneho na paalis.
Nang makapag park siya sa parking lot ng hotel ay marami na ang sasakyang nandoon. Twenty minutes nalang kasi ay mag uumpisa na ang party kaya marami na ang nagsidatingan.
Inalalayan ako ni Manong na bumaba at maingat na akong naglakad papasok ng hotel. Si Manong naman ay umalis muna para makauwi dahil ayaw ko naman siyang pag antayin dito dahil matagal pa ang party matatapos.
Pagpasok ko palang ng hotel ay nakasalubong ko na ang ilan naming kaklaseng nakatambay lamang muna dito sa lobby. Ang iba siguro ay may inaantay or iyong iba ay ayaw lang muna pumasok sa loob ng ballroom.
Dito lang naman sa first floor ang ballroom nitong hotel na ito kaya madali lang ang maglabas pasok dahil hindi ka na aakyat bababa ng floor.
Nginitian ko sila habang naglalakad ako papunta sa double doors ng ballroom. Nang malapit na ako ay pinagbuksan ako ng mga taong andoon sa pintuan upang makapasok.
Sumalubong sa akin ang kalmadong musika at ang mga kaklase kong nagke kwentuhan, naglalakad, nagtatawanan at nagkaka mustahan. May mga ilan ding photographer at videographer akong nakikita. Naglakad na ako upang makapasok.
Nang lumingon ako sa aking kaliwa ay napatigil ako sa paglalakad dahil papalapit sa gawi ko sila Nadia, Czedric at Nathan. Huminto sila para bumeso sa akin.
Nadia is wearing a dark green umbrella cut tube ballgown. Nakalugay ang kanyang buhok at lahat ng iyon ay nasa likod. Bagay na bagay iyon sakanya.
Czedric is also wearing a dark green suit. Maybe they planned to have the same color so they will match.
Nathan is wearing a white suit at mukhang hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan dahil kung saan saan tumitingin ang kanyang mga mata.
"Are you looking for someone?" I asked, Nathan.
"Kanina pa yan. Hindi pa kasi dumarating si Jasmine." si Nadia.
"Dude, 10 minutes nalang mag uumpisa na ang party wala pa siya." Nathan said.
"She's already here, Bro." Czedric said at itinuro pa si Jasmine gamit ang kanyang nguso.
Napalingon kami sa itinuro ni Czedric. Ayon nga si Jasmine na kakapasok palang.
She's wearing a black off shoulder ballgown and her hair was tied in a bun.
Agad na naglakad si Nadia palapit sa kanya at sumunod naman agad si Czedric at Nathan. Naiwan tuloy ako at nilingon nalang sila.
BINABASA MO ANG
Stupidly Inlove Again
RomanceMay mga tao talaga na kahit ilang beses lokohin ng taong mahal nila, mahal parin nila. Minsan kahit sinasampal na ng katotohan naniniwala parin sa kasinungalingan kasi mahal niya. May mga tao ding kahit hindi sila mahal ng taong mahal nila, mahal pa...