Chapter 27

21 2 0
                                    

ALEXANDER'S POV

I was wearing a maroon long sleeve with 3 buttons on and black pants paired with my black leather shoes. I also wore my Rolex.

May yacht party kami today because today is our last day in here.

Everyone is enjoying the party. Nang magkayayaan sumayaw ay inaya ko din si Natalia dahil kami nalang ang maiiwan pag nagkataon.

Hindi ko magawang alisin sakanya ang aking paningin. I was grabbing the opportunity to look at her and memorize every detail habang hindi siya nakatingin sa akin.

Maya - maya pa ay tumingin siya sa akin. Pakiramdam ko ay bumagal ang paligid at kami lang dalawa ang andito.

Hindi ko alam kung nagkakamali lang ako pero all I can see right now in her eyes was pain and sadness.

Tumigil siya bigla sa pagsayaw at kumalas sa akin. Tumalikod na siya and I watch her walk away from me.

Nakita ko ang sunod sunod na pag - inom niya ng alak.

Bumalik nalang ako sa mga kasama namin at uminom nalang ulit ng alak. Maya - maya pa ay nakita ko na si Natalia na papalapit sa amin may hawak paring alak at patuloy na nag - iinom.

We joined the girls on the dancefloor.

Mga lasing na lasing na ang iba sa amin lalo na si Natalia. Marami na din ako nainom pero hindi pa ako lasing dahil mataas ang alcohol tolerance ko.

"Goddamn it!" mahina kong mura ng makita si Natalia na gumiling habang nakataas ang mga kamay at may hawak na alak.

Okay lang na gumigiling siya kanina noong sila palang na girls ang andito pero ngayon na andito na din kaming mga boys, gumapang ang inis sa katawan ko.

Wala na silang pakialam basta sumasayaw sila. Even the boys are enjoying the party. Mga mababait naman ang mga boys kaya walang problema.

Nakita kong lasing ng sumasayaw si Nathan sa likod nila Natalia. The girls are dancing with him also. Ang mga kamay nila ay humahawak na din sa mga katawan ng iba.

Alam kong walang malisya ang mga iyon at katuwaan lang pero gumagapang ang inis sa katawan ko.

Mula sa likod ni Elle ay mabilis akong lumipat at nakipagpalitan ng pwesto kay Nathan.

Sakto namang si Natalia na ang nasa harapan ko at gumiling kaya naman hindi ko na natiis na hawakan na ang bewang niya para patigilin pero nadadala ako ng katawan niya.

Dala na din siguro ng alak ay napapikit ako at hinapit siya. She's still dancing like hell.

'So fuckin hot.'

"Fuck! baby stop." I whispered softly that made her stop. Napatingala siya sa akin at gulat ng makita ako.

She pushed me and walked out of the dancefloor saka ako natauhan at napahilamos nalang ng mukha.

'Damn it!'

Umalis na din ako ng dancefloor at hinanap siya.

"That's enough. You're drunk! Look at yourself Natalia? you're wasted." inis kong sabi.

Nahanap ko siya dito malapit sa may railings at umiinom nanaman kaya inagaw ko na sakanya ang baso. Galit na galit pa siya sa ginawa ko.

"So what? Atsaka ano ba Alexander tigilan mo na to. Stop acting like you care kasi ang totoo, wala ka namang talagang paki - alam sa akin. Stop giving me mixed signals!"

Tumayo siya and she pointed her finger at me.

Pipikit pikit na siya at parang anytime mawawalan na siya ng balanse.

Stupidly Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon