NATALIA'S POV
Kinuha ko ang water bottle ko sa tabi ng bag ko para uminom ng tubig. Katatapos lang namin ni Alexander mag practice at sila Nadia na ngayon ang pumalit sa amin para mag practice.
Today is our whole day practice kaya naman andito na kami sa grand ballroom ng hotel kung saan gaganapin ang reunion ball namin mamaya.
Isa ang hotel na ito sa mga hotels na mayroong malawak na ballroom for events at saktong sakto ang lawak nito para sa aming lahat . Ang hotel sana namin ang gusto nila pero masyadong malaki ang ballroom ng mga hotels namin kaya naghanap kami ng mas maliit iyong sakto lang para sa aming lahat.
Napako ang paningin ko kay Alexander na nasa kabilang side ng ballroom katapat ko lang.
Busy siyang nagtitipa sa cellphone niya at salubong ang kanyang mga kilay. Nang mag angat siya ng tingin ay umiwas ako agad dahil baka mahuli niya ako na nakatingin sa kanya.
Matagal tagal bago muling tinawag ang pangalan naming dalawa para mag practice. Ayos naman iyon sa akin dahil nakapag pahinga kami ng matagal. Kaninang umaga kasi ay saglit saglit lang ang aming pahinga. Ito na siguro ang huling practice dahil alas singko na.
Pumwesto na kami ni Alexander sa gitna ng ballroom at nag umpisa ng tumugtog ang musika. Hanggang ngayon, ay hindi parin namin ginagawa ang pinakamahalagang bilin nila Ms. Rose at Mr. Dave.
Ang magtitigan habang sumasayaw.
Hindi ko kaya. Iyon ang kahinaan ko. Hindi ako makatitig ng matagal sa mata ng isang tao kaya umiiwas ako. At ganon din si Alexander marahil ay napapansin niyang hindi ako komportable kapag nagtititigan.
Madali lang sa amin ang gumalaw ngayon at madali niya lang din akong naiaangat pero oras na suot ko na ang gown ko, baka mahirapan na kami.
Nang matapos ang musika ay nag bow kami sa isa't isa gaya ni Cinderella at ng Prinsipe.
"Perfect" Ms. Rose said, smiling.
Pumapalakpak naman si Mr. Dave habang papalapit sila sa amin.
"But it will be more perfect kung magtititigan kayong dalawa para mas may emotion." Mr. Dave commented.
Hilaw akong napangiti.
"Cge po susubukan po namin kapag nag peperform na kami sa harap ng maraming tao." I said.
"Alright. See you tomorrow night, then. We're going to watch all of you, so goodluck." Ms. Rose.
Umalis na sila Ms. Rose at sumunod na rin ang iba pang instructors. Kami nalang na pito ang naiwan dito. Si Selena na andito para panoorin kami, Nadia, Czedric, Nathan, Jasmine at Alexander.
Hinayaan ko muna silang mauna lumabas kaya binagalan ko ang kilos ko para mahuli. Habang naglalakad palabas, ay hinahanap ko ang ang number ni Manong sa contacts ko para magpa sundo dahil wala akong dalang kotse.
Dire diretso lang ang lakad ko habang nasa cellphone ang paningin ng may humintong pares ng paa sa aking harapan dahilan ng pag angat ko ng tingin.
Sumalubong sa akin ang seryosong mukha ni Alexander.
"Alexander...... ikaw pala yan. Why? Do you need anything?" I asked.
"May dala kang kotse?" He asked.
"Wala. Magpapasundo lang ako kay Manong." I answered.
"No need. Sumabay ka nalang sa akin." He said at nauna ng umalis papuntang parking lot.
Napamaang ako.
'Wow'
Ugali niya ang ganyan. Palagi nalang siyang nang iiwan bigla. Hindi ka na makatanggi. Ni hindi pa nga ako pumapayag.
BINABASA MO ANG
Stupidly Inlove Again
RomanceMay mga tao talagang kahit ilang ulit silang lokohin ng taong mahal nila, patuloy pa ring maghihintay at magmamahal. May mga pagkakataon na kahit sinasampal na ng katotohanan, patuloy pa rin silang naniniwala sa mga kasinungalingan, dahil nga ba mah...