Chapter 35

36 1 2
                                    

NATALIA'S POV

It's already December 24. Nandito kami ngayon ni Alexander sa isang mall na ilang kilometro lang ang layo mula sa hacienda.

Napag - usapan kasi namin kaninang breakfast na mamili ng mga regalo. Inako na din namin ang pag - gogrocery na dapat ay siyang gagawin ng isang kasambahay ngayong araw. 

Pupunta din naman kami dito sa mall kaya inako ko na para minsanan nalang ang pagpunta.

Nang matapos kami mag- grocery sa supermarket ay ipinahatid muna ni Alexander ang mga pinamili namin sa kotse.

Napag - usapan namin na maghiwalay muna sa pamimili ng mga regalo para malaya kaming makapiling dalawa ng gusto namin.

I bought designer perfumes for Uncle and Auntie Trina, a personalized pen for Harry, a necklace for Lola, and dahil wala na akong maisip, I bought an expensive necktie as a gift for Alexander.

Karamihan sa mga binili ko pang iba na para sa mga relatives naming imbitado din mamaya ay bag, wallet, relo at mug.

Para naman sa mga kasambahay, tauhan sa estate at nurse ni Lola,  bumili ako ng iba't - ibang damit at mga pabango bilang regalo sakanila dahil imbitado din sila mamaya.

Lahat ng iyon ay ipinabalot ko na sa gift wrapping station para wala na akong problema.

Bago ako sumakay ng elevator pababa ng basement parking ay inilapag ko muna sandali ang mga bitbit ko para itext si Alexander.

To Alexander: 

'Are you done? pabalik na ako sa parking pero kung hindi ka pa tapos, it's okay ill just wait for you there.'

After I sent my message, binalik ko na iyon sa bag at binitbit ang mga dala ko para pumasok sa elevator.

I was expecting na wala pa si Alexander sa kotse niya pero nagulat ako ng pagkarating ko sa basement ay andoon na siya sa pinto ng drivers seat at nakasandal mukhang nag - aantay sa akin.

Nang makita niya akong naglalakad palapit sakanya ay sinalubong niya na ako para kunin ag mga dala ko.

Nilagay niya ang mga iyon sa backseat. Dumeretso naman ako sa passenger seat at nag seatbelt na.

Akala ko ay uuwi na kami but Alexander stopped in a restaurant malapit sa mall at kumain kami doon ng lunch.

When we arrived at the mansion, tinulungan na kami ng mga maids sa pagbibitbit ng mga dala namin. 

I stayed in my room hanggang hapon. Nanood ako ng movies at nag - ayos ng ilang gamit.

Nang hapon na at malilim na sa labas ay bumaba na ako para tumulong mag - ayos sa harap ng mansion malapit sa fishpond. Doon kasi gusto ni Lola na mag - set up para sa noche buena.

Nadatnan ko si Alexander na tumutulong din sa pagbubuhat ng mga upuan.

Dumeretso ako sa long table para tumulong sa paglalagay ng mga cover nito.

Nang matapos doon ay tumulong naman ako sa pagdedekorasyon ng backdrop.

Ako ang taga abot ng nga lobo at iba't - iba pang palamuti na ilalagay doon.

Nang dumilim na ay nagsidatingan na din sila Uncle Hermis. Sa kasunod namang kotse ay si Harry na mukhang pagod.

'Lagi naman.'

Sabay - sabay kaming nagdinner sa loob ng mansion at nang matapos ay muling naging abala sa mga gawain.

Si Auntie Trina ay tumulong sa kusina kasama ang mga maids sa pagluluto ng mga handa. Ako naman at si Harry ay lumabas para mag - ihaw ng mga isda at karne.

Stupidly Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon