NATALIA'S POV
Naiirita na ako dahil nakahiga lang ako dito sa kama. Tanghali na kaya sigurado akong aakyat na uli dito ang isa sa aming kasambahay para hatidan ako ng pagkain katulad kaninang umaga. Pinakaayaw ko sa lahat ay yong wala akong magawa kaya naiirita na ako dahil nakahiga lang ako dito.
Dinalaw na din ako ni Manang kanina para kamustahin. Ang sabi niya pa ay kung maari kahit huwag daw ako maligo. Pero kahit na sinabi niya iyon, sa ayaw at sa gusto niya maliligo ako mamaya pagkatapos ko kumain ng tanghalian.
Wala na akong ginawa dito kundi nakahiga, kakain,nagse cellphone, laptop at manood ng TV. Feeling ko ambagal bagal ng oras inip na inip na ako.
Hindi nga ako nagkamali at may kumatok na sa aking pinto. Nang bumukas iyon ay pumasok ang isang kasambahay dala ang tray ng aking pagkain. Pagkalapag na pagkalapag niya ay nagsimula na akong kumain para matapos kaagad.
10 minutes ang nakalipas pagkatapos ko kumain ay sinubukan ko ng tumayo. Nauna kong itinapak ang kaliwa kong paa saka dahan dahan kong inilapat sa sahig ang kanang paa ko na natapilok.
Hindi na siya gaanong masakit. Tinanggal ko ang benda na nilagay ni Alexander kagabi.
Dumeretso na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos niyon ay nagbihis ako ng puting maikling shorts at blue spaghetti strap top. Pinatuyo ko din ang aking buhok gamit ang blower at tinali ko ang buhok ko in a high ponytail. Nag polbo at liptint lang ako sa mukha at labi.
Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama at binuksan ang TV. Manonood nalang ako maghapon dahil hindi rin lang naman nila ako papayagang maglakad lakad sa baba dahil binilin ako ni Axel sa kanila.
Nang sumapit ang alas tres ng hapon ay naghatid ng meryenda dito si Manang. Nangamusta din siya kung kamusta na ang paa ko. Pinagalitan niya pa ako dahil naligo daw ako. Sinabi ko naman na ma ayos ayos na ang paa ko.
Ang mga matatanda talaga kung ano anong bawal dahil sa mga pamahiin.
Nanood lang ako ulit ng matapos magmeryenda. Nang mapansin kung mag aalas singko na ay pinatay ko na ang TV saka kumuha ng isang wine glass at wine sa mini ref. ko dito sa kwarto at dumeretso ng pumunta balcony ng aking kwarto.
Maganda tumambay dito lalo na pag hapon. Binuksan ko ang wine at nagsalin sa aking baso para uminom. Sayang at wala si Axel ngayon nasa opisina pa at mamaya pa ang uwi wala tuloy ako kasama uminom.
Nang maubos ko ang nauna ay nagsalin pa ako ulit. Habang umiinom ako ay may kumatok sa pinto. Inilapag ko ang baso.
"Come in!" Nilakasan ko ang sigaw ko dahil nasa balcony ako baka hindi ako marinig. Siguro ay si Manang nanaman iyan o kaya isa sa mga kasambahay.
Narinig kong bumukas at sumara ang pinto tanda na nakapasok na siya. Hindi ko makita kung sino ang pumasok dahil nakatalikod ako sa glass door ng balcony at nakaharap ako sa harapan. Nagpatuloy ako sa pag inom ng wine.
"Okay ka na?." Bumilis ang tibok ng puso ko at napalingon ako bigla sa likod ng marinig ko iyon.
Bumungad sa akin ang lalaking nakasuot ang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon at prenteng prenteng nakasandal sa gilid ng glass door na si Alexander.
Ibinaba ko ang wine glass ko sa table at tumayo kahit na medyo masakit pa ang paa ko saka humarap sa kanya .
"A-alexander....You're here. What are you doing here? I thought si Manang or one of our maids lang yung kumatok, ikaw pala. Have a seat. Oh wait gusto mo din ba ng wine? Sandali ikukuha kita ng wine glass." I told him.
Nakakagulat naman tong lalaking ito.
"Hindi na ako nalang ang kukuha. Saan ba?" He asked.
BINABASA MO ANG
Stupidly Inlove Again
RomanceMay mga tao talaga na kahit ilang beses lokohin ng taong mahal nila, mahal parin nila. Minsan kahit sinasampal na ng katotohan naniniwala parin sa kasinungalingan kasi mahal niya. May mga tao ding kahit hindi sila mahal ng taong mahal nila, mahal pa...