Chapter 2

38 3 0
                                    

NATALIA'S POV

Kasalukuyan akong nagpapahinga dahil katatapos ko lang pumirma ng sandamakmak na papeles ng biglang tumunog ang aking cellphone. Nang makita kong ang bestfriend ko ang tumatawag ay sinagot ko ito kaagad.

[Hey Andrea, What's up?] bungad ko.

[Hello Natalia, Uhm do you have time today? Can we go out for a lunch? I miss you.] she said.

I chuckled. [Sure! My schedule this afternoon is clear. Send me the location where we will meet up okay?] I told her.

[Okay. See yah.] she said before the call ended.

Tinignan ko ang sarili ko gamit ang screen ng phone ko at hindi na masyadong halata ang iba sa make up ko tha'ts why I put again some make up on my face and tied my hair in a high ponytail.

I was wearing today a MK poplin belted halter dress and a beige JC Lang 100 patent - leather sandals.

Bago ako magmaneho ay binasa ko muna ang text sa akin ni Andrea. Pumasok ako sa Italian restaurant na itinext sa akin ni Andrea and there I saw her. She chose a table near the glass window.

Tumayo siya ng makita akong papalapit. Niyakap niya ako at humalik sa aking pisngi bago kami umupo.

"Miss me, huh?" I joked and she just laughed.

The waiter went to us to get our orders and we just ordered a same food and drink. Pagkaalis ng waiter ay tumingin agad sa akin si Andrea.

"Musta?" she asked, smiling.

Pabiro akong umirap."Stressed. Andami kong meetings. Masyado akong busy. Buti nalang nataon na wala akong schedule ngayong hapon kaya nakalabas tayo, puro kanina lang umaga kaya pagod na pagod ako kanina. Actually I am taking my rest noong tumawag ka kanina." I told her.

"How about you and Christian? Okay lang ba kayo?" she asked.

"Yeah, we're good.Hindi lang kami masyadong nagkikita muna sa ngayon because we're both busy at our own companies. Wala kasi yong Daddy niya dito sa Pilipinas, nasa ibang bansa kasi nagkaproblem sa kompanya nila doon kaya since siya ang panganay, and as the COO, sakanya iniwan ng Dad niya. Tumatawag nalang kami sa isa't isa. Everytime he call, he's saying that he's missing me already. I miss him too but.... you know, we can't see each other right now." I told her.

"Kailan na ulit yong kasal?" she asked.

My brows furrowed."Next year, March 15. Diba, a week after niyang magpropose sakin sinabi ko sayo na tatapusin ko muna 10 years ko sa kompanya kasi pagkatapos non I can finally step down as CEO pwede ko na ipasa kay Axel yong position ko. she nodded. "Para pag nagplano na kami wala na akong ibang iisipin kasi wala na akong trabaho. December 10 will be my last day as a CEO of the company then the remaining days will be my rest, I will do what I want na hindi ko nagagawa nong mga panahong CEO pa ako. Mamasyal sa ibang bansa siguro hahahaha tapos by January mag start na kami sa wedding plan. Okay naman si Christian doon." I told her. Pinapaalala iyong mga sinabi ko sakanya noon.

Hindi na siya sumagot after ng sinabi ko. The waiter served our food and we started eating. While she was busy eating, I looked at her.

Nakakapagtaka. Bakit ganon mga tanong niya? Tapos di na siya sumagot sa sinabi ko kanina, mukha siyang may iniisip habang kumakain.

" Andrea." tawag ko. Napatingin siya sa akin. "You look....bothered. Did I say something wrong? May problema ba? Tsaka bakit ganon mga tanong mo sa akin?, it's all about me and Christian." I asked her.

Stupidly Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon