Chapter 25

23 2 0
                                    

NATALIA'S POV

Nagising ako ng masakit ang ulo. Nang ilibot ko ang paningin ko ay nasa kwarto na ako ng suite.

Hindi ko alam kung sino nagdala sakin dito pero itatanong ko nalang para maipagpasalamat ko.

Kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang oras.

8:42 PM

'Fuck! gabi na pala'

Hindi ko kasi nahalata dahil nakasarado lahat ng kurtina dito sa kwarto.

Nagsuot ako ng tsinelas at nagtungo sa banyo para magshower. Amoy na amoy ang alak sa katawan ko.

Habang nasa shower ay inalala kong mabuti ang mga nangyari kanina. Ang huling natatandaan ko lang ay nasa dancefloor ako kasama ang mga girls at sumasayaw.

I wore my lingerie and cover it with my silk night robe.

I went out of the room to eat dinner.

Paglabas ko ay sakto namang kalalabas lang din ni Nadia sa kwarto nila.

"You're awake. Tapos na kami kumain. Iyong iba naman tulog pa kasi sobrang lasing. Kain ka na. May pagkain diyan sa mesa initin mo nalang saglit." she said.

Sinunod ko ang sinabi niya. Siya naman ay kumuha ng tubig at pumasok na ulit sa kanilang kwarto. Nang dumako ang paningin ko sa balcony ay doon ko lang napansin na umuulan pala.

Nang maupo na ako at kumakain ay lumabas ulit si Nadia. Umupo siya sa living area at nag - cellphone.

Matapos ko kumain at makainom ng gamot pantanggal sa sakit ng ulo ay niligpit ko lang iyon saglit at sinamahan si Nadia sa sala.

"Sinong naghatid sa akin sa kwarto namin?" I asked.

Tinignan niya naman ako at ngumiti.

"Si Alexander. Binuhat ka niya." she answered.

"Anong oras natapos iyong party? Wala ako masyadong matandaan ei. The last thing I remember is that we were on the dance floor." napahawak ako sa batok ko

"You're wasted kaya hindi mo na maalala but let me tell you what happened." she said.

"Sumasayaw tayo noon with the boys. I don't know what really happened between the two of you pero nong makita mong si Alexander ang nasa likod mo, parang nainis ka kaya umalis ka at kumuha ng alak tas naupo sa upuan sa gilid ng deck malapit sa railings. Hanggang doon nalang nakita ko kasi busy na ako kakasayaw at tipsy na din ako that time." she explained.

"That's it? Wala naman na siguro akong ibang ginawa diba?" I asked, nervous.

She laughed. "Actually meron pa." she said.

Napalunok ako sa sinabi niya.

'God damn it!'

"Makalipas ang ilang minuto nung huli kitang nakita, nakita ko nalang si Alexander na buhat buhat ka kaya lumapit ako sakanya ang asked what happened. He said you passed out."

"And then?" I asked.

"He asked me na samahan ko siya sa cabin ng yacht para mailapag ka sa bed at makatulog ka ng maayos. So sumunod ako sakanya at tinulungan siya. Good thing hindi ako uminom ng marami kaya kinaya ko pa. After that iniwan ka muna namin at bumalik sa deck. Kinausap niya ako about what happened. Inaawat ka daw niya sa pag - inom pero nagalit ka and may mga sinabi ka daw pero hindi niya maintindihan kasi lalakas hihina daw boses mo. May sinabi ka pa daw na I want to remove pero di niya na maintindihan iyong kasunod. Pero may sinabi ka bago ka daw nag - passed out na siguradong rinig na rinig niya. Sabi niya, you said "Please don't play with my feelings" and that made him confused." she said.

"What the fuck?! Are you serious? I did that?" napahilamos ako ng mukha.

"Sabi ni Alexander." she said.

"Oh my god. What I have done." I whispered.

"Where's Alexander?" I asked.

She bit her lower lip. "She's with Cassandra. Pagkatapos ka niya ihatid dito, umalis din siya agad. Ang sabi nya sa amin pupunta siya sa resort kung nasaan si Cassandra dahil tumawag siya sakanya." she said.

'Sana pala hindi ko nalang tinanong. Nasaktan lang ako sa narinig ko.'

Matapos ang usapan namin ay pumasok na ako sa kwarto at nahiga.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang driver namin.

"Hello Manong. Can you pick me up tomorrow morning?" I asked.

"Oo naman po Ma'am. Paki - text nalang po sa akin yong address at time kung kailan ko kayo susunduin."
he answered.

"Ok. Thanks Manong." I said before the call end.

Tinext ko kay Manong ang hinihingi niya. Magpapasundo nalang ako bukas kay Manong. Wala ng dahilan pa para sumabay ako kay Alexander sa pag -uwi bukas.

Umayos na ako ng higa at natulog.

I woke up around midnight because of a loud thunderstorm. Natatakot ako sa naririnig kong malalakas na kulog lalo pa at mag - isa ko lang dito sa kwarto. Kahit nakasarado na ang mga kurtina ay medyo tumatagos padin ang liwanag ng kidlat.

Nagtalukbong ako ng kumot at niyakap ng mahigpit ang unan. Napapakislot ako sa tuwing dumadagundong ang malakas na kulog.

'I hate this phobia'.

I'm afraid. Mag - isa ko lang wala akong kasama.

'Nasaan ka na ba Alexander? I need you.'

Kumulog ulit kaya naman mas lalo akong sumiksik sa unan.

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako dahil sa sobrang takot.

'Where are you Alexander? Please come back. I need you.'

Nakalipas na ata ang isang oras pero wala paring Alexander na dumadating. Patuloy padin ang malakas na pag - ulan na may kasamang kulog at kidlat.

Wala akong magawa kundi ang balutin sa kumot at isiksik ang sarili ko sa mga unan dahil sa takot.

Maya - maya pa ay naisip ko ang bathroom. Hindi masyadong maririnig doon ang kulog at kidlat dahil medyo kulob doon. May maririnig ka man ngunit mahina lang.

Nilakasan ko ang loob ko. Pagkatapos na pagkatapos dumagundong ng kulog ay mabilis akong bumaba ng kama at hinila ang comforter patakbo sa bathroom.

Nanghihina ang mga tuhod ko habang tumatakbo lalo na nang kumidlat ulit kaya napatakip ako ng tenga para hindi ko masyadong marinig ang kasunod na kulog.

Nakahinga ako ng maayos ng makapasok ako sa banyo at maisarado ang pinto.

Napa - upo ako sa tapat ng pinto at sumandal doon dahil nanghihina parin ang mga binti ko. Patuloy parin ako sa pag - iyak dahil sa takot when I realized something.

'Hindi talaga siya babalik dito because he's already home. His home is a person. And that is Cassandra.  At ako, isa lamang akong kubo na kanyang sinilungan habang hinihintay na tumila ang ulan para makauwi siya sa tunay niyang tahanan. Nung wala si Cassandra, nasa akin palagi ang atensyon niya pero nung nakabalik na, balewala na ako sakanya.'

Nang kumalma na ako ay dahan dahan akong tumayo at inayos ang pagkakabalot sa akin ng comforter.

Naglakad ako papalapit sa bathtub at pumasok doon.

Inayos ko ang comforter at nahiga doon. Ginawa kong unan ang kamay ko at saka natulog.

Dito nalang siguro ako magpapalipas ng gabi. Pakiramdam ko mas safe ako dito hindi ko masyadong naririnig ang malakas na kidlat at kulog.

Stupidly Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon