Chapter 20

31 2 0
                                    

NATALIA'S POV

Nang sumapit ang alas singko ng hapon ay napag pasiyahan naming lahat na bumaba at maglakad lakad sa tabing dagat para mapanood na din ang sunset.

Habang naglalakad sa buhanginan ay panay din kami kuha ng litrato.

Nagpapa picture kami sa papalubog ng araw. Ang ganda kasi ng kulay nito.

Nang magdilim na ay pumasok na kami at dumeretso sa restaurant para kumain.

Iba't ibang putahe ang inorder namin. Habang kumakain ay nagkekwentuhan at nagtatawanan.

Napagdesisyunan naming mag movie marathon ulit mamaya at lahat kami ay manonood.

"Ayan! yang babaeng yan! mamamatay yan mamaya tapos ito siya yung mangpapata---" Natigil si Nathan ng may bumato sa kanya ng popcorn at sumapol iyon sa kanyang mukha.

"Tumahimik ka nga dyan! Halos ikwento mo na ang buong storya edi sana pala hindi nalang tayo nanood!" saad ni Jasmine na masama na ang tingin kay Nathan. Siya din ang nagbato ng popcorn.

"Grabe ka naman. Ito na titigil na. Highblood!" kunyaring nasasaktan na saad ni Nathan.

Natawa nalang kaming lahat sa kanilang dalawa.

Nakailang movie na rin kami at napag usapang pang huli na itong pinapanood namin ngayon. Malapit na din kasing mag 1:00 AM kailangan na din naming matulog.

"Hoy espidyi! Huwag niyo panoorin kayo talaga bad kayo ah." Pumunta kunyari si Nathan sa harap ng TV at tinakpan ito.

"Dude alis ka dyan kala mo naman hindi ka nanonood." Tumatawang saad ni Czedric.

"Hindi talaga ako bait na bata." Pabirong sagot ni Nathan.

Umalis na si Nathan sa harap ng TV ay hindi pa rin tapos ang mainit na eksena. Ang iba sa amin ay umiiwas nalang ng tingin sa TV.

Tatawa tawang bumalik sa upuan niya si Nathan.

"Mamaya may mang gapang sa inyo dyan ah." Tatawa tawang saad ni Kent.

'Siraulong to!'

"Kingina." Tumatawang komento ni Czedric ng maintindihan ang ibig sabihin ni Kent.

"Wala namang multo dito ah." Saad ni Elle na mukhang inaantok na kaya hindi na naintindihan ang maduming biro ni Kent.

"Hindi lang naman multo ang nanggagapang ah may iba pa diba, Alexander?." Bumaling si Nathan kay Alexander pagkasabi noon.

"Gago." Saad ni Alexander at natatawang umiling.

Ang ibang girls naman ay natatawa at napapailing na din sa kalokohan ng mga boys.

Nang hindi parin matigil katatawa si Nathan ay hinampas na siya ni Selena ng unan at tumayo para patayin ang TV.

"Tama na nga! Matulog na tayo guys at maglalaro tayo bukas ng volleyball. At ikaw!" turo niya kay Nathan.

"Bakit ako?" nakakalokong tanong ni Nathan.

"Itulog mo na yan lintik ka." Tumatawang saad ni Selena.

Magkasunod lang kaming pumasok ni Alexander sa kwarto.

"You can shower first." Alexander said.

Lumingon ako pero nilampasan niya ako at dumeretso siya sa entertainment area ng kwarto namin at doon nagtipa ng kanyang cellphone.

Lumapit nalang ako sa mga gamit ko para kumuha ng pamalit ng maalala kong puro nighdress nga pala ang damit ko ngayon.

Stupidly Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon