Chapter 21

32 2 0
                                    

NATALIA' S POV

Nagising ako ng marinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. Nilingon ko iyon.

Nakita ko si Alexander na may dala ulit na bed tray table kaya naman sumandal ako sa headboard ng kama.

Lumingon ako sa bintana at madilim na. Gabi na pala.

"Eat your dinner." He said.

Hindi nalang ako umimik at kumain na. Gusto ko sana siyang tanungin kung kumain na din ba siya pero nakita kong busy siyang nagtitipa sa cellphone niya at nakangiti pa.

'Kausap siguro si Cassandra.'

Nakaramdam ako ng inis at nawalan na ng gana.

Binitawan ko ang kubyertos na hawak ko. Naglikha iyon ng ingay sa plato dahilan para mapatingin sa akin si Alexander.

He frowned.

"I lost my appetite." I said.

Tinignan niya ang plato ko. Nakahalatian ko naman ang pagkain ko.

"Are you sure?" he asked.

"Yeah." masungit kong sagot.

He sighed.

Inabot niya sa akin ang gamot ko at ininom iyon.

Kinuha niya ang tray table at lumabas na ng kwarto.

Inis akong bumalik ng higa at tumalikod kung saan banda siya pumwepwesto sa kama.

Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman kong bumalik si Alexander at kumuha ng damit bago pumasok sa banyo.

Pumikit ako upang makatulog ngunit makalipas ang ilang minuto ay nagmulat din dahil dinadalaw ako ng konsensya ko.

Nakokonsensya ako sa inasal ko kay Alexander kanina. Sa totoo lang ay hindi ko din alam kung bakit ako biglang nainis.

Bumukas sara ang pinto ng banyo kaya naman napapikit ako bigla upang isipin niyang tulog na ako.

Umalingasaw sa buong kwarto ang amoy ng shower jel na ginamit niya.

Maya maya pa ay naramdaman kong lumubog ang kabilang side ng kama at nahila ng kaunti ang comforter sa katawan ko.

Pinatay niya ang ilaw at binuksan ang lampshade. Akala ko ay aayos na din siya ng higa matapos noon pero bumilis ang tibok ng puso ko ng maramdaman kong lumapit siya sa akin para ayusin ang comforter na nahila niya kanina.

Ramdam ko ang katawan niya sa likod ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng lumayo na siya sa akin at nahiga na rin ng maayos upang matulog.

Nagising ako bigla matapos ang isang panaginip. My body was burning up and shivering.

I saw Alexander sitting beside the bed, slowly damping the towel on my face.

Naramdaman ko din na may nakapatong na towel sa noo ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinunasan iyon. Ganon din sa kabila.

"Change your clothes." He said, pulling the comforter down.

Inilapag niya sa tabi ko ang isang nightdress at silkrobe.

"Sorry kumuha ako ng damit mo ng hindi nagpapaalam. Kung hindi ka kasi nagising, ako na sana ang magpapalit ng damit mo." He said.

I forced myself to sit down, leaning against the headboard.

Tumalikod naman siya para mabigyan ako ng privacy.

Dahan dahan kong tinanggal ang top ko dahil masakit ang mga muscles ko. Sinuot ko iyong nightdress na nilapag niya sa kama.

Stupidly Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon