Chapter 32

23 0 0
                                    

NATALIA'S POV

Dalawang araw na din ang nakalilipas matapos ang engagement party namin.

Heto ako ngayon at nag - aayos nanaman ng sarili dahil may family dinner daw kami mamaya sa mansion ng mga Sanford.

I wore a black knee lenght one shoulder mini dress and a red Gianvito Rossi bow satin pumps. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at naglagay ako ng kaunting make - up.

Sa kotse ako ulit ni Axel sumabay. Pagdating sa mansion ng mga Sanford ay hindi ko maiwasang mamangha sa disenyo ng kanilang bahay.

Sa living room kami pinatuloy ng kasambahay. Andoon na din sila tito Ranz at tita Liezl nag - aantay sa amin. 

Wala si Alexander. Wala din si Belinda.

Baka kami  lang talaga.

Nag - kwentuhan sila at umupo sa sala. Ako naman ay naglalakad lakad at tumitingin ng larawan na naka sabit sa wall nila at nakapatong sa mesa. 

"Hija. Gusto mo bang puntahan ang fiance mo sa kwarto niya?" Tito Ranz asked kaya napalingon ako sakanila.

'So he's here naman pala.'

I smiled. "Ah hindi na po." I answered.

"Magkasunod lang kasi kayo ng dating kanina. Dito na sya dumeretso galing sa kompanya kaya ang sabi niya ay magpapahinga muna daw siya habang wala pa kayo." Tita Liezl said.

"Sige na Hija. Puntahan mo na siya. Ikaw na din ang magsabi na kakain na tayo. Baka kapag nakita ka niya ay mawala ang pagod niya." saad ni Tito Ranz na ikinatawa ng lahat.

Pilit akong tumawa. "Sige po. Saan po ba?" Tanong ko dahil wala namang akong choice.

"Pag - akyat mo,  maglakad ka pakanan hanggang sa dulong pintuan. Iyon ang kwarto niya." nakangiting saad ni Tita.

Naglakad ako papunta sa engrande nilang hagdan at umakyat.

Sinunod ko ang direksyon ni Tita.

Hinawakan ko ang doorknob at pinihit iyon.

'Hindi naka - lock'

Dahan - dahan kong binuksan ang pinto at sumilip. Madilim ang buong kwarto. Tanging ang ilaw lang sa balcony niya ang may liwanag. Sapat lang iyon para maka aninag ka. 

Pumasok ako at sinubukang kapain sa gilid ang switch ng ilaw. Nang makapa ko ito ay binuksan ko iyon at lumiwanag na ang paligid. 

Tumama ang paningin ko sa malawak na kama at nakita ko doon ang natutulog na si Alexander.

'He's topless. Damn!'

Inalis ko ang paningin ko saknya para isara ang pintuan ng dahan - dahan. Pagkasara ay tinignan ko siya ulit kung nagising ba pero hindi.

Lumapit ako sa kama niya at pinagmasdan siya.

'He looks very tired.'

Inalis ko ang tingin ko sakanya at inilibot ang paningin ko sa kwarto niya. Naglalaro sa itim, puti, at gray ang theme ng kwarto niya.

Napatili ako ng biglang may humila sa akin at bumagsak ako sa ibabaw ni Alexander. The next thing happened, he switched our positions so fast that he pinned my hands on top of my head using his left hand and covered my mouth with his right so that I couldn't scream.

Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sobrang gulat. 

"Don't you know how to knock?" He asked.

He's on top of me at nakadagan siya sa akin.  Tinanggal niya ang kamay sa bunganga ko at mabilis na  nagtaas baba ang dibdib ko dahil hinahabol ko ang aking hininga na parang tumigil kanina sa gulat.

Stupidly Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon