Chapter 23

19 2 0
                                    

NATALIA'S POV

Lumipas nanaman ulit ang isang araw. Wala kaming ibang ginawa kanina kung hindi ang maligo sa dagat at maglaro.

Andito kami ngayon sa restaurant para mag dinner. Hinihintay lang namin na makumpleto kami bago mag - order ng pagkain kasi iyong iba sa amin ay nasa suite pa.

Nang makababa na ang lahat ay nag – order na kami ng pagkain at habang inaantay na ma-iserve ay nag- usap- usap muna kami.

"Arat inom!" Czedric said.

"Tara!" masiglang saad ni Nathan.

"G!" si Selena.

After naming kumain ay may magaganap ngang inuman. Doon daw kami sa gazebo na nasa harap ng dagat pu- pwesto.

Sinerve na ng mga waiter ang aming pagkain at nagsimula na kami.

"We only have 3 days left" Selena said.

"Yeah bilis ng araw." komento ni Nadia.

Nagsimula ng maglagay si Czedric ng alak sa baso. Siya daw ang tanggero ngayon. Nauna niyang iniabot ang baso kay Nathan na siyang katabi niya lang.

"Tangina naman pre and taas ng tagay! Ano to, juice?" reklamo ni Nathan ng makitang halos mapuno ang baso na inabot sa kanya ni Czedric.

"Dali na, inumin mo na!" natatawang saad ni Czedric.

Mabilis namang tinungga ni Nathan at binalik ang baso kay Czedric. Nagsalin ulit ng panibago si Czedric para sa susunod na iinom.

Maya maya pa ay may mga tama na kami. Maski ako ay ramdam ko na ang hilo at dumadaldal na din ako. Ang iba sa amin ay ang lalakas na ng boses at ang lalakas na ng tawanan.

Tanging si Czedric, Alexander at Selena na lang ang mukhang matitino sa amin.

'Mataas ang alcohol tolerance ng mga hayop!'

Habang nagkwekwentuhan at nagtatawanan kami ng mga girls ay nagvibrate ang phone ko kaya naman napatingin ako doon.

"Ayy wait lang girls tumatawag ang aking friendship!" natatawang saad ako.

"Oh huwag muna kayong maingay! shhh...shhhh...shhhh" kunyaring suway ni Enna pero natatawa naman hanggang sa tumawa na din sila Nadia kaya naman nagsitawanan na ang lahat.

Ako naman ay nanlalabo ang paningin na sinagot ang video call.

"Hi Andrea!" bungad ko habang natatawa. Ang gulo na din pala ng buhok ko pansin ko sa camera.

"What the fuck, Natalia Isabel. You're drunk! And look at you, you are already wasted!" saad niya ng makita ang itsura ko sa screen.

I rolled my eyes.

"Urghhh! chill, I'm not drunk." rason ko.

"Oo nga hindi ka lasing. Hindi nga halata eh." Andrea rolled her eyes to me.

"Bakit ka ba tumawag?" tanong ko.

"I just want to check you kung kamusta ka na."

"Sweet naman ng bestfriend ko na yan! Okay lang ako noh! In fact, andito ako sa Batangas with my batchmates. Wait." Hinarap ko ang cellphone ko sa mga kasama ko.

"Look guys! Say hi to Andrea!" I shouted.

"Hi Andrea!" drunk Nadia shouted ang iba naman ay kumaway nalang at ngumiti.

Binalik ko sa akin ang camera.

"O my god mga lasing na nga kayo. Oh sige na ibababa ko na to. Tama na kaya yan, matulog ka na." She said concerned.

Stupidly Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon