Chapter 30

20 1 0
                                    

CASSANDRA'S POV

Hindi ako nagsisisi na sinabi ko kay Alexander ang totoo. Isang linggo na ang nakakalipas nang mangyari iyon pero hanggang ngayon, wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak ng umiyak. Ilang araw na din akong hindi nakakapasok sa C.C.

Thanks to my boyfriend, Kavin. He's not mad at me after I explained to him the truth. For him, wala akong kasalanan.

'I'm so lucky to have him.'

"Im afraid to Dad. I'm sure malalaman niya din iyon." I said.

"Shhh. Im here. I will not leave you okay?" Kavin, said.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Nanlamig ang mga kamay ko ng makitang si Dad ang nag - text doon.

[ Come home tonight. ]

Tumindi ang takot ko ng mabasa ang text niya. Niyakap ako ng mahigpit ni Kavin para patahanin.

Nag - presinta siyang samahan ako pero tumanggi ako dahil baka masaktan siya ni Dad lalo pa at buong akala niya hiwalay na kami.

Pinarada ko ang kotse ko sa harap ng mansion.

Abot - langit ang kaba ko pagpasok ng bahay.

Dederetso sana ako sa hagdan at magkukulong nalang sa kwarto ng biglang may magsalita sa medyo madilim na parte ng living area.

"Where are you going?" malamig ang boses niya kaya mas lalo akong natakot.

Napalunok ako at dahan - dahan siyang nilingon. Kahit medyo madilim sa puwesto niya ay kitang - kita ko ang pagtayo niya at dahan - dahang naglakad hanggang sa maliwanag na parte ng sala.

"Dad." Kinakabahang saad ko.

He smiled. Dahan - dahan siyang naglakad palapit sa akin. Mukhang pinag - day - off niya nanaman ang mga kasamabahay dahil wala akong makitang ibang tao bukod sa aming dalawa. Napakatahimik ng mansion at tanging ang yabag lang ni Dad ang naririnig ko na mas lalong nagpapakaba sa akin.

"Hindi mo man lang ba babatiin ang pinakamamahal mong ama bago ka mag - kulong sa kwarto?" he smirked.

Tumigil siya sa harap ko.

"G- good evening, Da---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng isang malakas na sampal ang iginawad niya sa akin.

Tumulo ang luha ko at napayuko nalang ako.

Marahas niyang hinawakan ang mukha ko gamit ang isa niyang kamay para iangat iyon at tignan ko siya.

Masakit ang pagkakabaon ng daliri niya sa pisngi ko pero wala akong magawa. Nanlilisik ang mga mata niya.

"Hindi ba't sinabi ko na sayo noon na hiwalayan mo na iyang boyfriend mo pero hindi mo pa rin pala ginawa! Dahil sa katangahan mo kaya nahuli kayong dalawa! Kung sana, hiniwalayan mo na iyan, wala tayong problema! Hindi ka nababagay sa kanya, paano ka bubuhayin ng isang magbabanda lamang! Tinanggal ako bilang business partner ng Sanford Empire dahil sayo!" galit niyang sabi.

Marahas niya akong binitawan napahawak ako sa pisngi kong masakit.

"Ayusin mo itong ginawa mo. Kausapin mo si Alexander at gumawa ka ng paraan para mapatawad ka niya at mahalin ka ulit niya. At iyang boyfriend mo, hiwalayan mo na ! huwag mo ng hintayin na ako pa ang magtatanggal sakanya sa buhay mo. Naiintindihan mo ba ang sinabi ko?!" saad niya.

Hindi ako makasagot dahil labag sa loob ko ang pinapagawa niya.

"Sagot! Sumagot ka, Cassandra!" malakas na sigaw niya. Napapikit ako sa takot.

Stupidly Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon