NATALIA'S POV
Nasa kalagitnaan ako ng pamimili ng accessories ko na isusuot mamaya ng may kumatok sa aking pintuan.
Lumapit ako sa pinto at pinihit ang doorknob upang mapagbuksan ang taong iyon.
"Manang, ikaw po pala." bungad ko bago bumaba ang aking paningin sa bitbit niyang parehabang karton.
"Ihahatid ko lamang ito hija. May nagdeliver nito kanina. Ito daw ang pinagawa mong gown." Saad niya bago tuluyang pumasok at nilapag sa aking kama ang kahon.
"Oh cge, bababa na ako at marami pa akong aasikasuhin sa ibaba." Paalam niya.
"Cge po Manang. Salamat po." Lumakad na siya paalabas at saka ko sinaradong muli ang pinto.
Umupo ako sa kama sa tabi ng box. Sa ibabaw ng kahon ay nakalagay ang logo ng Atelier.
Binuksan ko ang kahon at nilabas doon ang gown na susuotin ko mamayang gabi. Inilapag ko iyon sa aking kama at tinitigan.
Today is already December 11 at konting oras nalang ay mag uumpisa na ang party. Mamayang after lunch ay darating na ang mga make up artist at hairstylist namin at uumpisahan na kaming ayusan dahil mag uumpisa ng alas sais ng gabi ang party.
"Kinakabahan ako." Biglang saad ni Axel sa kalagitnaan ng pagkain namin ng pananghalian.
Natigilan kami pare pareho at natawa sa kanya.
"That's normal, son." Dad said.
Pagkatapos kumain ay bumalik na ako sa kwarto para maligo. Nagsuot na lamang ako ng bathrobe pagkatapos dahil aayusan na rin lang naman ako maya maya. Tinuyo ko na rin ang buhok ko gamit ang blower.
Habang nag aantay ay tumawag muna ako kay Andrea. Tatlong ring bago niya ito sinagot.
[Hi! Are you ready?] She asked,smiling.
[Yeah. Hinihintay ko nalang iyong make up artist at hair stylist ko.] I said.
[Can I see your gown?] She asked.
Tinapat ko ang phone ko sa aking kama para makita niya ang nakalapag ko doong gown.
[It's beautiful. Mag picture ka mamaya ah tas send mo sa akin.] She laughed.
I rolled my eyes at saka natawa.
Biglang may kumatok kaya napatayo ako at lumapit ng pintuan.
[Baka yong mga make up artist ko na ito. Bye na. Miss you.] I said.
[Bye! Enjoy the party.] saad niya bago pinatay ang tawag.
Pinihit ko ang doorknob para magbukas. Hindi nga ako nagkamali. Andito na ang make up artist at hair stylist ko.
"Come In." I said, smiling.
Agad silang nag set up ng mga gagamitin pagkapasok at nang matapos ay pina upo na nila ako.
Naunang inayos ang buhok ko. Ginawa niya itong waterfall braid at kinulot. Sumunod ang pagme make up at medyo naging matagal.
Pagkatapos akong ayusan ay isinuot ko na ang gown. Matapos nila akong matulungan magsuot ay iniwan ko sila saglit upang pumasok sa walk in closet ko para kunin ang isang mahalagang bagay sa gabing ito.
Lumapit ako sa center ng walk in closet ko kung saan naka pwesto ang aking rectangle shaped jewelry glass cabinet. Mula dito sa kinatatayuan ko ay kitang kita ang kahong kulay ginto na nakalagay sa pinaka gitna ng glass cabinet ko.
I unlocked the cabinet and get that box. Ipinatong ko ang kahon sa ibabaw ng glass cabinet at saka iyon binuksan gamit ang maliit na susi.
Naroon sa box na iyon ang simbolo ng aming pamilya. Ang tiara at brooch. Lahat ng ito ay gawa sa diyamante. Sa gitna ng tiara ay naka hulma ang logo ng kompanya. Ito ay agila na nakabuka ang mga pakpak at mayroong nakapatong na korona sa ulo. Sa bandang dibdib naman ng agila ay nakapwesto ang isang round diamond at ang letrang M na bitbit ng mga paa ng agila. Ang brooch ay ganoon din. Parang nilagyan lang ng pin ang nakahulmang logo upang maging brooch.
BINABASA MO ANG
Stupidly Inlove Again
RomanceMay mga tao talagang kahit ilang ulit silang lokohin ng taong mahal nila, patuloy pa ring maghihintay at magmamahal. May mga pagkakataon na kahit sinasampal na ng katotohanan, patuloy pa rin silang naniniwala sa mga kasinungalingan, dahil nga ba mah...