NATALIA'S POV
Inilibot ko ang paningin ko sa parking lot sa harap ng building ng studio. Maraming kotse na ang nakapark doon. Andito na ata silang lahat. Saan kaya diyan ang kotse ni Alexander? Dumating na kaya siya? Pano ba naman kasi papalit palit ng kotse si Alexander. Araw araw iba iba ang ginagamit niyang kotse. I glanced at my phone's clock its already 5:35 PM.
'I'm already late!'
Hinatid lang ako ni Manong Robert at umalis na siya agad. Babalik iyon dito mamaya upang sunduin ako. Hindi na muna kasi ako nagdala ng sariling kotse dahil ayaw pa akong payagan ni Mommy. Magaling naman na ang paa ko.
Nagmadali na akong pumasok ng studio.Habang naglalakad ako sa pasilyo papuntang studio namin ni Alexander ay siya namang pagkalabas ni Nadia sa studio nila ni Czedric.
"Oh hi Natalia! You're okay na? Nasabi samin ni Alexander na natapilok ka daw habang nagpapractice kaya masama ang lagay ng paa mo." She said.
"Ah Yes! I'm okay now." I told her.
"Sure ka ah?" Naninimbang na tanong niya.
"Yeah." Paninigurado ko.
"Ok be careful okay? I'll go ahead" She said.
"Yeah." I answered, smiling.
Nang malagpasan niya na ako ay nag umpisa na rin akong maglakad muli hanggang sa narating ko ang pinto ng studio namin ni Alexander. Huminga muna ako ng malalim bago ko pinihit ang door knob.
"Finally, you're here." Bungad sa akin ni Alexander na prenteng prenteng nakaupo sa couch kasama si Ms. Rose at Mr. Dave. Sa tingin ko nagkwkwentuhan sila bago ako dumating.
"Oh Natalia come here." Yaya ni Ms. Rose sa akin. Lumapit naman ako at naupo sa couch na kaharap ng inuupuan ni Alexander sa kabilang side ng mesa.
"You're okay now?" Mr. Dave asked.
"Uhm Yeah." I answered.
"Good. Let's start." Mr. Dave said bago sila tumayo ni Ms. Rose at nauna ng pumunta sa harapan para buksan ang TV. Tatayo na sana ako at susunod na kila Ms. Rose ng magsalita si Alexander.
"You're 10 minutes late." Napatingin ako sakanya. Sinabi niya iyon pero wala sa akin ang paningin kundi nasa cellphone niya.
"Traffic eh." Sagot ko nalang.
"Nagdrive ka?" He asked.
"Ah hindi. Hinatid ako ng driver namin si Manong Robert." I answered.
Tumayo na siya at nilagay sa bulsa ng pantalon niya ang kanyang cellphone bago tumingin sa akin. Nagtama ang paningin namin.
"Let's go. They're waiting for us." Yaya niya na ang tinutukoy ay sila Ms. Rose. Nauna na siyang naglakad papunta sa dance floor ng studio. Sumunod naman ako.
" Okay position!" Mr. Dave shouted.
Lumapit kami ni Alexander sa isa't isa. Kinuha ng kaliwang kamay niya ang kanang kamay ko at hinawakan ito saka ipinuwesto ang kanang kamay niya sa bewang ko. Inihawak ko naman ang kaliwang kamay ko sa balikat niya. Nakabaling sa side niya ang paningin ko dahil sobrang lapit namin mahigpit pa ang pagkakahapit niya sa aking bewang.
"Were having a meeting after this. Lahat tayong performers." He suddenly said kaya bigla akong napatingin sa kanya.
Nagsalubong ang aming mga mata, kaunti nalang ang distansiya ng mga mukha namin. Napalunok ako ng ilang beses, at nararamdaman ko na bumilis ang tibok ng puso ko. Buti na lang at biglang tumugtog ang musika na sinasayaw namin kaya natauhan kami pareho.
BINABASA MO ANG
Stupidly Inlove Again
RomanceMay mga tao talagang kahit ilang ulit silang lokohin ng taong mahal nila, patuloy pa ring maghihintay at magmamahal. May mga pagkakataon na kahit sinasampal na ng katotohanan, patuloy pa rin silang naniniwala sa mga kasinungalingan, dahil nga ba mah...