NATALIA'S POV
Nagising ako kinabukasan ng mag - isa nalang sa kama ko. Bumaba ako at isinuot ang tsinelas saka naglakad palabas ng kwarto.
Habang naglalakad sa pasilyo ay ramdam mo ang kalungkutan na bumabalot sa mansion. Napatigil ako sa kalagitnaan ng paglalakad ng pumasok sa akin ang isang ala - ala.
Humahagikgik na tumatakbo ang batang ako at sa poste na kaharap ko mismo ngayon ako nagtago habang si Lola ay naghahanap sa akin.
Pinanood ko sila at wala ako sa sariling naglakad.
Ang saya - saya ko na hindi niya ako makita, tinatakpan ko pa ang bibig ko para maiwasang makagawa ng ingay.
Ngunit sa hindi inaasahan ay nakita ni Lola ang dulo ng bestidang suot ko kaya naman dahan - dahan siyang lumapit sa poste ng hindi ko nahahalata.
Gugulatin na niya sana ako ng bigla akong bumalik sa realidad dahil sa isang mahigpit na hawak sa aking braso.
Nilingon ko kung sino iyon.
It was Alexander.
"What are you doing?" he asked, concerned.
My brows furrowed. Inalis ko sakanya ang paningin ko para sana magpatuloy sa paglalakad pero napasinghap ako ng nasa harap na pala ako ng hagdan pababa.
'How did I get here?'
Nilingon ko kung saang pwesto ako natatandaan na huminto ako kanina.
Ibig sabihin kung hindi ako nakita ni Alexander ay nalaglag na ako sa hagdan.
"Nakita kitang lumabas ng kwarto mo and suddenly stops in the middle of the pathway then naglakad ka ulit. Pero napansin ko na iyong tingin mo hindi sa dinadaanan mo at malapit ka na sa hagdan kaya tinakbo kita." he said.
'Shit.'
"Are you really okay?" he asked, concerned.
"Yes." I answered.
Tinanggal ko ang hawak niya sa braso ko at bumaba na ng hagdan.
I went to the dining area to eat. Nakasunod lang si Alexander.
Sabay kaming kumain. He's talking a lot at sinusubukan ko naman siyang sagutin pero hindi ko talaga maiwasang maipakita na wala akong gana.
I know he's just trying his best to divert my attention pero masyadong occupied ang utak ko ngayon.
After we eat, nag - aya siyang lumabas ng bahay para maglakad - lakad. Pumayag ako baka sakaling maaliw ako pero hindi palang kami nagtatagal ay nag - aya na akong bumalik sa loob dahil kahit saang banda ako lumingon sa estate ay naaalala ko siya.
Nagkulong nalang ako sa aking kwarto maghapon. Hinahatiran ako ng mga kasambahay ng pagkain pero wala akong ganang kumain kaya hinahayaan ko lang iyon sa mesa.
Kinagabihan, akala ko ay kasambahay ulit ang pumasok sa kwarto ko.
"Ibaba mo na yan, hindi ako kakain." I said.
"I cooked your favorite." I heard Alexanders voice.
Sumandal ako sa headboard ng kama at tinignan siya. Maga ang mata ko kaiiyak.
He smiled. May bitbit siyang tray at lumapit sa akin.
Nilapag niya sa mesa ang tray at hinila iyon palapit sa akin.
Umupo siya sa gilid ko.
"Kumain ka muna." malumanay niyang sabi.
"Hindi ako gutom." I said.
BINABASA MO ANG
Stupidly Inlove Again
RomanceMay mga tao talagang kahit ilang ulit silang lokohin ng taong mahal nila, patuloy pa ring maghihintay at magmamahal. May mga pagkakataon na kahit sinasampal na ng katotohanan, patuloy pa rin silang naniniwala sa mga kasinungalingan, dahil nga ba mah...