Chapter 29

22 0 0
                                    

ALEXANDER'S POV

Hinawakan ko ang kamay ng babaeng nakatalikod sa akin upang pigilan siyang umalis.

"I love you" kusang nasabi ko at maging siya ay napatigil. Unti – unti siyang humarap sa akin at nagulat ako ng makita ko ang mukha niya.

"Natalia." mabilis akong nagmulat ng mata matapos kong masabi iyon.

Hinanap agad ng mga mata ko si Natalia pero wala na siya sa tabi ko. Narinig ko naman ang buhos ng tubig na nanggagaling sa banyo kaya naisip kong siya iyon.

Napahilamos ako ng mukha ng maalala ang panaginip ko.

'What the hell is that?'

Bumangon ako at dumeretso nalang sa labas para maghilamos sa kitchen sink.

Pagbalik ko ay naabutan ko si Natalia na nag – aayos ng gamit niya. Ni hindi niya ako nilingon kaya kumuha nalang ako ng gamit ko para maligo at makapagbihis.

Wala na din siya sa kwarto ng matapos ako at pati gamit niya ay wala na din dito. Maayos na ang kama at mga unan.

Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at dinampot ang susi at cellphone ko sa mesa para lumabas.

Kumain kami bago magkakasunod na nagcheck out sa hotel.

"Wait for me!" mabilis akong napalingon ng marinig iyon dahil familiar ang boses.

Nangunot ang noo ko ng si Cassandra nga iyon bitbit ang mga gamit niya nakangiti papalapit sa amin.

'What is she doing here!?'

"What are you doing here?" agad kong tanong.

"Sasabay na ako sa inyo pauwi. Makikisakay nalang ako sa kotse mo." Masayang anunsyo niya.

'What the hell? Sa pagkakaalala ko sabi niya sakin kagabi, magi – stay pa siya dito sa Batangas.'

"What? Didn't I tell you that I'm with Natalia?" I said.

Cassandra laughed. "Alexander, ang luwag ng kotse mo. Ako sa tabi mo and then si Natalia sa likod natin. Okay lang naman sa iyo yon diba Natalia?" nakangiti niyang inilipat ang tingin kay Natalia.

Maging ako ay napalingon kay Natalia at naghihintay sa sagot niya.

She smiled and looked at Cassandra.

"It's okay. You can sit wherever you want...." She said.

Nanlumo ako ng marinig ang sagot niya. I don't know why but I feel disappointed at naiinis ako.

Tumingin siya sa akin at nagtama ang paningin naming dalawa.

"besides andiyan na din naman yong sundo ko kasi tinawagan ko si Manong kagabi. Hindi na ako sasabay sa inyo so mag – iingat nalang kayo and by the way, thanks for the ride last time." She said, smiling.

Kinuha na ng driver niya ang mga gamit niya at nakipagbeso na siya sa mga kasama namin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil parang ayaw tanggapin ng sistema ko na hindi siya sasabay sa akin. Sinundan ko nalang siya ng tingin at pati kay Cassandra ay nakipag – beso siya.

Akala ko ay lalagpasan niya nalang ako pero tumingkayad siya para humalik din sa pisngi ko bilang paalam.

Sumakay na siya sa kotse at umalis. Sinundan ko ng tingin iyon habang papalayo.

Nagsi – sakay na ang mga kasama namin at kami nalang ang naiwan sa labas.

"Let's go na." nakangiting saad ni Cassandra.

Stupidly Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon