NATALIA'S POV
(Two weeks later)
Four days to go, and we'll be going back to reality. Sa nagdaang dalawang lingo na andito kami sa resort, na-enjoy namin ang pagkakasama naming lahat. Kami ni Alexander, hindi na masyadong nagkaka ilangan. Simula noong gabing natulog kami magkayakap parang normal nalang ang kilos namin sa mga sumunod na araw.
Andito kami ngayon sa may pool area ng resort. Ilang araw na din daw kasi kaming palaging nasa dagat kaya naman naisipan nilang sa swimming pool maligo ngayon. Hindi palang kami nakaka - upo ay nagsitakbuhan at nagsitalunan na ang iba sa amin sa pool.
"Ang lamig!" sigaw ni Selena.
Malamig talaga dahil malakas ang hangin ngayon. Kaya nagdadalawang isip ako kung maliligo ba ko o hindi.
I was wearing a red two- piece swimsuit today. Topless ang mga boys at ang mga girls ay gaya ko ding naka swimsuit lang.
Napaka ingay nila maligo. Pero okay lang dahil solo namin ang swimming pool ngayon. Pinareserve kasi talaga namin ang pool na ito. Mayroon kasing tatlong pool ang resort na ito.
"Jasmine! Pahila naman ako paangat oh ang lamig na kasi hindi ko na kaya pwersahin katawan ko para umangat!" sigaw ni Nathan na nasa gilid na ng pool.
Tumayo naman si Jasmine na nasa pagitan namin ni Nadia nakaupo. Nakita kong nangisi si Nathan ng tumayo si Jasmine. Mukhang alam ko na kung anong balak niya gawin.
Nang makalapit si Jasmine sa gilid ng pool ay inabot nito ang kanyang kamay kay Nathan. Hinawakan naman iyong ng mokong.
"Hihilain kita ah in three, two o—ahhhhhh!" sigaw ni Jasmine at kasunod noon ay ang pagsabog ng tubig na pinagbagsakan niya.
'Sabi na eh'
Tama nga ako. Dahilan lang iyon ni Nathan dahil ang totoo, hinila niya si Jasmine para malaglag sa pool at maligo na.
"Damn you! Ang lamig!" sigaw ni Jasmine at pinaghahampas si Nathan.
Ang lalakas ng tawa ni Nathan at pati kaming mga nakakapanood ay natatawa nalang din.
Si Nadia naman ay nagsuot ng sun glasses at pumwesto sa may sun lounger para mag sun bathing.
Maya maya pa ay nagsitalunan na din ang iba pa sa pool para maligo. Kami nalang nila Nadia, Elle at Alexander ang hindi naliligo.
Si Alexander busy sa isang tabi medyo malayo sa amin kasi may kausap sa phone, si Nadia na nagsa sun bathing at kami ni Elle na andito lang magkatabi nanonood sa kanila.
"Hey Tali, pwede mo ba akong samahan sa suite? Kuha tayo ng snacks. Nakalimutan ko magdala kanina eh." Elle asked.
"Sure." I answered.
Pagkatayo ay napalingon ako sa side kung nasaan si Alexander pero wala na siya ngayon doon.
'May pinuntahan siguro.'
Nagpaalam lang saglit sa mga kasama namin si Elle tsaka kami umalis.
Nilagay nmin sa isang malaking paper bag lahat ng pagkain na pwede madala sa pool area. Nang matapos kami ay nagpaalam ako kay Elle na sasaglit sa kwarto namin ni Alexander para kunin ang powerbank ko dahil pa- lowbatt na ang cellphone ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ay dali - dali kong kinuha ang powerbank sa bed side table. Nakaramdam din akong parang naiihi kaya naman dali-dali akong tumungo sa banyo at inilapag muna sa may kama ang dala ko.
Hahawak palang ako sa doorknob ng banyo ng biglang bumukas iyon at lumabas si Alexander na nagmamadali kaya naman nagkabungguan kami at napunta sa akin ang bigat niya dahilan kaya ako napaatras ng napaatras hanggang sa tumama ang likod ng aking mga tuhod sa gilid ng kama at bumagsak kami doon.
BINABASA MO ANG
Stupidly Inlove Again
RomanceMay mga tao talaga na kahit ilang beses lokohin ng taong mahal nila, mahal parin nila. Minsan kahit sinasampal na ng katotohan naniniwala parin sa kasinungalingan kasi mahal niya. May mga tao ding kahit hindi sila mahal ng taong mahal nila, mahal pa...