NATALIA'S POV
Nagising ako kinabukasan ng may masagi akong katawan sa tabi ko. Nang silipin ko kung sino iyon, ay si Alexander.
Umayos ako ng upo sa kama at sumandal sa headboard. Kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang oras.
'6:12 AM'
Binalik ko ang cellphone ko sa table at sinandal ang ulo ko sa headboard saka pumikit. Inalala ko ang nangyari kagabi at natatandaan kong sa bathtub ako natulog.
Tinignan ko si Alexander na mahimbing ang tulog.
'Ni hindi ko namalayan ang pagdating at pagbuhat niya sa akin dito. Anong oras kaya siya nakabalik.'
Hinaplos ko ang buhok niya at mapait akong napangiti ng maalala ko na hindi siya agad nakauwi kagabi dahil kasama niya si Cassandra.
Namasa ang mata ko habang hinahaplos ang buhok niya. Tinititigan kong maigi ang mukha niya. Sinasaulo ko ang bawat detalye ng pagmumukha ng taong mahal ko.
'Ang sakit mong mahalin.'
Mabilis akong nagpunas ng mata gamit ang aking isang kamay ng hawakan bigla ni Alexander ang kamay na pinanghahaplos ko sakanya para tumigil iyon.
'Is he awake?'
Inantay ko ang pagmulat ng mga mata niya ngunit hindi iyon ang nangyari.
"I love you." Saad niya sa mahinang boses.
Tinitigan ko siya at nag - antay sa susunod niyang sasabihin pero wala dahil tulog siya. Maybe he's dreaming about Cassandra that is why he said that.
Impossible namang sa akin niya sinabi ang mga iyon dahil kahit sa panaginip ay malabo atang mangyari iyon.
'Of course it was Cassandra. Palagi namang si Cassandra eh, kailan ba naging ako?'
Napangiti ako ng mapait.
'How I wish I was her.'
Bumaba na ako ng kama at kumuha ng damit para maligo. Paglabas ko ng banyo ay wala na si Alexander sa kama. Mukhang lumabas siya ng kwarto dahil hindi ko siya makita.
Inayos ko ang mga gamit ko at sinigurado kong wala akong maiiwan. Sakto sa pagsara ng zipper ng bag ko ng bumukas ang pinto ng kwarto. Kahit hindi ko tignan ay alam kong si Alexander iyon. Kumuha lang siya ng gamit niya at naligo na din.
Hinila ko ang maleta ko at dinala ang mga bag ko palabas ng kwarto. Andoon na din sa sala ng suite ang iba sa amin at ang mga gamit nila. Nakisama ako sakanila at nakinig nalang sa kwentuhan nila. Maya - maya pa ay kumpleto na kami dito sa sala.
"Let's eat first and then after that pahinga kaunti and gora na us." Elle said.
Sabay - sabay kaming nagsi - pwesto sa dining table para kumain ng breakfast. Patuloy pa din sila sa kwentuhan at ang iba ay dismayado dahil tapos na ang bakasyon.
Sinuot ko ang sunglasses ko bago hinila ang mga dala ko palabas ng suite papasok sa elevator. Kasabay ko sila Nadia, Czedric, at Selena habang ang iba naman ay sa kabilang elevator na sumakay.
Pagbaba sa lobby ay nag check out kami saka magkakasunod na lumabas. Wala pa si Manong dahil wala pa akong nakikita na kotse namin. Mag - aantay nalang siguro ako at mauuna na sila umalis.
"Wait for me!" napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses.
Si Cassandra iyon papalapit sa amin habang hila - hila at bitbit ang mga gamit niya.
"What are you doing here?" Alexander asked ng makalapit siya samin.
"Sasabay na ako sa inyo pauwi. Makikisakay nalang ako sa kotse mo." Masayang anunsyo niya.
BINABASA MO ANG
Stupidly Inlove Again
RomansaMay mga tao talaga na kahit ilang beses lokohin ng taong mahal nila, mahal parin nila. Minsan kahit sinasampal na ng katotohan naniniwala parin sa kasinungalingan kasi mahal niya. May mga tao ding kahit hindi sila mahal ng taong mahal nila, mahal pa...