ALEXANDER'S POV
Andito na kami ngayon sa bahay nila Natalia para sunduin siya dahil ngayon na kami pupunta ng Batangas.
Maya - maya pa ay lumabas si Selena ng mansion nila at lumapit isa -isa sa mga sasakyan.
Para siyang may tinatanong at pag-nakakuha na ng sagot ay umaalis din agad.
'Ano kaya yon?'
Kotse ko kasi ang dulo ng convoy namin kaya nakikita ko sila.
Nang papalapit na sa kotse ko si Selena ay binaba ko na agad ang salamin at dumungaw doon.
"Wala ka namang kasama pa diba? Maluwag pa space mo dyan?" she asked.
"Uh yeah." I answered.
"Pwede ba dyan si Natalia? Puno na kasi kaming mga nasa unahan ei. Hindi naman makapagdala ng kotse si Natalia kasi may hangover hindi niya daw kaya mag - drive." she explained.
"Sige." I answered at umalis na siya.
Nakita ko ng lumabas si Natalia bitbit ang mga bagahe niya sa main door ng mansion nila.
Tumingala pa siya sa langit na papaliwanag na.
May sinabi si Selena at kita ko ang sunod sunod na pag - tango niya.
Tinulungan siya ni Selena magbuhat ng gamit nya papunta sa kotse ko. Nang nasa harap na sila ay bumaba na ako at ako na ang nagdala ng mga iyon sa likod ng kotse.
Habang inaayos ko ang gamit niya sa likod ay nangunot ang noo ko ng mapansing sa back passenger seat siya umupo at hindi sa passenger seat sa harapan.
Hindi ko alam pero ginapangan ako ng inis dahil doon.
Sinarado ko ang likod ng kotse at pumasok sa driver seat. Pagtingin ko sa salamin ay nakita ko na nakapikit na si Natalia.
"Lumipat ka dito sa harap. Ayaw ko mag - mukhang driver mo dito." I said.
'Dadalawa na nga lang kami tapos sa backseat pa siya uupo. Seriously?'
Napamulat siya ng mata. "Ow. Okay." she answered.
Nang makalipat na siya at makapag - seatbelt ay nagmaneho na ako paalis.
Focus ako sa pagmamaneho pero kita ko sa peripheral vision ko na nagseselpon si Natalia hanggang sa tinago niya iyon at pumikit pero hindi siya mapakali kaya nagmulat din agad.
'Hindi siguro maka - tulog because of her hangover.'
Malapit na kami sa Batangas ng napapansin kong panay na ang paghikab ni Natalia.
"You can sleep. Gisingin nalang kita pag andoon na tayo." I offered.
"Hindi na. Doon nalang ako matutulog. Malapit naman na siguro tayo." she said.
'Tsk. Kulit.'
Nilingon ko lang siya saglit at binalik ko din sa daan agad ang paningin ko.
Maya - maya pa ay nakarating na nga kami sa resort na tutuluyan namin sa Batangas.
Nang maka- upo na kami sa loob ng restaurant ay napansin kong wala si Natalia.
'Saan nagpunta iyong babaeng yon?'
"Oh, where's Natalia?" Nadia asked.
"Ah nauna na sa suite. Masakit daw ulo niya eh gusto niya muna matulog kaya hindi na siya sumama sa atin. Mukhang babalikan niya nalang ata sa kotse mamayang pag- gising niya iyong mga gamit niya." Selena answered.
BINABASA MO ANG
Stupidly Inlove Again
RomanceMay mga tao talagang kahit ilang ulit silang lokohin ng taong mahal nila, patuloy pa ring maghihintay at magmamahal. May mga pagkakataon na kahit sinasampal na ng katotohanan, patuloy pa rin silang naniniwala sa mga kasinungalingan, dahil nga ba mah...