Chapter 34

23 0 0
                                    

NATALIA'S POV

Kinabukasan ay tanghali parin ako nagising. Naligo na ako at nagbihis ng pambahay bago bumaba.

I eat breakfast alone. Tapos na kasi sila mag - agahan.

Pagkatapos ay lumabas ako ng mansion. Napatingin ako sa horse ranch ng makita kung sino ang nakasakay ng kabayo.

It was Alexander.

Andoon din si Manong Ramon. I guess nagpapaturo siyang magmaniobra ng kabayo.

Nakita ko si Lola nakaupo kasama ang nurse niya sa mga tables sa harap ng ranch.

Naglakad ako papunta sakanila at tumango sa nurse. Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin at lumayo muna siya sa amin.

"Oh, you're awake. Look at your fiance, he's practicing. Matagal na daw kasi siyang hindi nakasakay ng kabayo kaya nagsasanay siya. Mukhang hindi naman na siya nahirapan dahil alam na alam niya pa." bida ni Lola.

I looked at Alexander na nagpapatakbo ng kabayo sa loob ng ranch. He's so serious.

Napatingin siya sa pwesto namin ni Lola saglit at inalis din iyon agad. Pinanood ko siya saglit bago kami pumasok ni Lola sa mansion dahil umiinit na sa labas.

Pinili naming manatili ni Lola sa terrace at nagkwentuhan na lamang. Nang magtanghalian na ay nagtungo na kami sa hapag at naupo.

Alexander entered the dining area. Iba na ang damit niya so I guess nakaligo na siya at nag - stay sa kwarto niya dahil hindi ko na namalayan kung ano oras siya pumasok sa mansion.

"Anong plano niyo ngayong araw?" Lola asked.

Nagtinginan kami ni Alexander dahil wala naman kaming napag - usapan. Pero may plano ako, hindi ko lang siya nasabihan kanina.

"Uhm, we're going to swim La. Sa batis po." I said. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Alexander sa sinabi ko dahil wala siyang alam.

"Oh, the one na lagi mong pinupuntahan noong andito ka pa. Tumatakas ka pa nga pag hindi kita pinapayagan pumunta mag - isa." saad ni Lola.

Napahawak nalang ako sa hibla ng buhok ko.

'Ughhh sinabi niya pa talaga yon!'

"La, ang awkward po kasi kapag naliligo ako at may nagbabantay sa aking Yaya. I won't enjoy." dahilan ko.

"I just want to make sure you're safe. Puro puno doon baka mamaya ay may manloko sayo." she said.

I smiled. Umiling - iling nalang ako.

After we ate, nagbihis na kami. I wore a halter butterfly string top, black leggings and my boots. I braided my hair into two.

Bago ako lumabas ay nagsuot muna ako ng cardigan at cowboy hat dahil mainit sa labas. Isinukbit ko sa aking likod ang maliit na backpack na cellphone at wallet lang ang laman saka lumabas na ng kwarto at bumaba sa sala.

Alexander is wearing a white longsleeve, a black pants and boots. He's also wearing a cowboy hat.

"Let's go" I said at lumabas na kami ng mansion para magtungo sa kwadra.

Inilabas na ni Manong si Gio at sumakay na ako. Naglabas din si Manong ng isa pang kabayo para kay Alexander dahil marunong naman na siya.

Nang makaayos na ay nauna na akong nagmaniobra ng kabayo papunta sa tarangkahan. Nakasunod lang naman sa akin si Alexander.

Pinatakbo ko na ang kabayo pagkalabas ng tarangkahan. Tirik na tirik ang araw ngunit hindi naman iyon masyadong masakit sa balat dahil tumatakbo ang kabayo at sinasalubong kami ng hangin.

Stupidly Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon