Chapter 37

10 0 0
                                    

NATALIA'S POV

Nanatili nalang din ako sa kwarto dahil wala naman akong magawa. Nang maihatid sa kwarto ang mga gamit ko ay kumuha na ako ng pamalit at naligo na.

Their guestroom is good. Malawak ang kama, may sariling veranda , at sariling banyo. Malawak ang banyo. May shower room na may heather na rin at bathtub. 

Kakatapos ko lang maligo at magbihis ng may kumatok sa aking pinto. Pinagbuksan ko iyon at bumungad sa akin si Mr. Lopez.

"Ihahatid ko lang po itong libro." he said at inabot sa akin ang isang libro. Nang tignan ko, iyon ang libro na binabasa ko sa eroplano.

'Oo nga pala nakalimutan ko iyon kunin kanina sa lounge area bago bumaba.'

I smiled. "Thank you so much Mr. Lopez." I said. 

Yumuko lamang siya at umalis na. Sinarado ko na ang pinto at dumiretso sa kama. Binuklat ko ang libro at hinanap ang pahina kung saan ako natigil at pinagpatuloy na ang pagbabasa.

Nawili ako sa pagbabasa at hindi na namalayan ang oras. Natigil lamang ako ng may kumatok muli sa aking pinto.

Ibinaba ko ang libro upang pagbuksan kung sino man iyon.

"Good evening, ma'am. The dinner is ready. Mr. Sanford is already waiting for you at the dining area." the maid said.

"Oh, okay." I answered. Lumabas na ako ng kwarto at sinundan ang kasambahay sa pagbaba. Dahil bago nga lang ako dito ay iginiya niya ako papuntang dining room.

Pagdating doon ay andoon na nga si Alexander na nag - aantay. Pinaghila pa ako ng kasambahay ng upuan.

"Thanks." I whispered.

Nag  - umpisa ng maglagay si Alexander ng pagkain sa plato niya kaya naman kumuha na din ako. Andaming nakahain pero dadalawa lang naman kaming kakain.

Tahimik lamang kami sa hapag. Tanging ang mga likha lamang na ingay mula sa aming mga ginagamit na kubyertos ang naririnig. 

When we finished eating, we went to the living area because he wanted us to talk.

"I won't be here tomorrow, and possible sa mga susunod pang araw. I have things to do. You can do whatever you want in this house." Alexander said.

Napalingon kami ng may kumahol na aso. Naglalakad si Mr. Lopez palapit sa amin habang hawak - hawak ang isang leash na hila - hila ng aso. 

Panay ang likot, hila at kahol ng aso papunta sa amin kaya naman tinanggal nalamang ni Mr. Lopez ang hook ng leash sa collar niya para malaya ng makatakbo ang aso.

Pagkatanggal ay excited at mabilis itong tumakbo sa pwesto namin.

"Hey, buddy!" Alexander said, opening his arms wide open to welcome and hug the dog. Alexander bursts into laughter when the dog finally leaps towards him.

'I don't know that he loves dogs.'

"He missed you, sir." saad ni Mr. Lopez ng nakangiti ng makalapit siya sa amin. Ngayon ko lang napansin na hindi siya nag - iisa. 

May kasama pa siyang dalawang lalaki na naka - uniporme. Isa sila sa mga sumundo sa amin sa airport kanina natatandaan ko ang mukha.

Nang kumalma na ang aso sa tuwa ay hinarap akong muli ni Alexander. 

"If you want to go somewhere, always bring my men with you." he said.

Kumunot ang noo ko at nakita niya iyon.

'What? What am I? a kid? '

"It's for your own safety." he added.

"Okay." I said.

Stupidly Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon