Chapter 24

29 2 0
                                    

NATALIA'S POV

Hapon na ng makabalik si Alexander simula nung umalis sila ni Cassandra kanina. Bumalik siya dito sa suite na siya nalang mag – isa.

Hindi na kami bumaba para sa dinner. Nagpa- room service nalang kami ng makain para dito nalang kami sa suite.

"Saan nag- stay si Cassy pala ngayon?" Nadia asked.

"She's also staying in one of the resorts here in Batangas to meet some of her suppliers. Nung nalaman niyang malapit lang naman pala siya dito, excited siyang pumunta kaya hindi na siya nagsabi sakin." Alexander said.

"Oo nga pala noh. Isa sa mga trusted brand ng cosmetics ang business niya." Selena said.

'She owns C.C., also known as Cassandra Cosmetics.'

"Parang gulat na gulat ka kanina nung pinagbuksan mo siya ng pinto bro ah." Biro ni Czedric.

'Nasa living area pala sila kanina kung nakita nila iyon.'

Matagal bago nakasagot si Alexander. Mukhang pinag – isipan niya pa ang isasagot.

"Hindi ko alam na andito na pala siya sa Pilipinas." Alexander said.

'What? '

"Araw- araw naman ata kayo magka- chat ah, hindi man lang nabanggit. Awit." si Nathan.

"Nakaka- usap ko naman siya, nahinto lang noong after 2 days na andito na tayo kasi magiging busy na daw siya. Tinanong niya lang kung nasaang resort ako at sinong kasama ko kaya siguro nakapunta siya dito kasi alam niya naman kung nasaan ako." Alexander said.

"Kaya pala. Nagulat din ako nung biglang nag-chat sa akin si Cassandra kanina nagtatanong kung saan ba rooms natin tapos maya -maya pagbukas ng pinto andoon na siya kumakaway." Natatawang saad ni Elle.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at hindi na sila pinagtuunan ng pansin. Nang matapos kami ay bumalik din ako sa kwarto agad para makapagshower na at matulog.

Hindi naman sa inaantok na ako kaya ako nagmamadali kundi dahil ayaw kong magkaroon ng pagkakataon na magkausap kami ni Alexander.

Pagkatapos ko mag- shower ay dumeretso na ako sa higaan. Nang marinig ko ang pagpihit ng doorknob ay mabilis akong tumalikod sa pwesto ni Alexander at pumikit.

Pinakiramdaman ko ang paligid. Naririnig ko ang yabag ng paa niyang paroon at parito. Maya maya pa ay may narinig akong nagsarang pinto at pagbukas ng shower.

Binaba ko ang comforter at napamulat ako saka pinakawalan ang malalim na paghinga na kanina ko pa pinipigilan. Sinubukan ko ulit pumikit pero tumagal na ay hindi parin talaga ako makatulog.

Bumukas ang pinto ng banyo kaya mabilis akong pumikit. Ni hindi ko naibalik ang comforter ng maayos hanggang balikat ko kakamadali para lang hindi niya ako mahuli. Hanggang tiyan ko lang tuloy yong comforter.

Amoy na amoy sa buong kwarto ang bango ng shower gel na ginamit ni Alexander. Maya maya pa ay naramdaman ko na ang paglubog ng kabilang side ng kama.

Naramdaman kong dahan- dahan niyang itinaas at inayos ang comforter namin hanggang balikat ko saka siya tuluyang nahiga at pinatay ang ilaw.

Makalipas ang ilang minuto, tuluyan na din akong nakatulog.

Maaga akong nagising kinabukasan. Naligo na ako at nagbihis ng isang pink maxi dress. Tulog pa silang lahat ng lumabas ako ng suite para maglakad lakad sa tabing dagat.

Naglakad – lakad lang ako at lumanghap ng sariwang hangin para naman mabawas - bawasan ang bigat sa dibdib ko.

'Paano ako magmo- move on gayong mahal na mahal ko na siya?

Stupidly Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon