36-Forgive me my Rookie

100 6 0
                                    

KIA

Awtomatikong huminto ako sa pag iyak. Batid kong hindi pa gaanong na iproseso ng utak ko ang mga sinabi niya ngunit hindi ko maikakaila ang pag iinit nang magkabilaan kong pisnge sa pagkakataong tu.

Pakiwari ko ay huminto ang oras nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun. Para bang lahat na lamang nang bagay sa aking paligid ay kusang tumigil sa paggalaw pati na ang mga patak nang ulan na nasa ere nalang at hindi na naituloy pa sa pagbagsak sa lupa. Na halos ang pagtibok na lamang nang puso ko ang aking naririnig sa mga sandaling ito.

Ang masungit at cold na boses na yun..

Hindi ako maaaring magkamali..

Siya ang nagmamay ari nang boses na yun..

Labis ang pananabik kong lingunin ang kinaroroonan nang presensiya niya ngunit naunahan niya ako. Hindi ako makakilos at makapagsalita. Tuluyan akong nanigas sa kinaroonan ko. Ewan ko ba kung dahil sa matinding lamig o dahil sa kakaibang epekto nito sa buo kong sistema.

Mahigpit akong niyakap ni Rukawa.

Yung tipong yakap na alam mong hindi siya napipilitang gawin..

Yung yakap niyang punong puno nang sinseridad at pagmamahal..

Ay yung yakap niyang tila ayaw na ayaw ka na niyang pakawalan dahil natatakot siyang baka tuluyan kang mawala.

Napapikit ako nang mariin at kasabay nun ay ang pagdaloy na naman ng mga luha ko.

"Sorry.." sinsiredong bulong nito sa aking taenga. Sa pagkakataong ito'y nagbalik ako sa ulirat at saka na kumilos ang mga kamay ko para yakapin rin siya pabalik.

Pakiramdam ko ang lahat nang lungkot at sakit na dinaramdam ko kanina ay bigla na lamang tinangay nang ihip ng hangin sa isang katagang isinatinig niya. Humaplos iyon sa kabuuang parte ng puso ko na naging dahilan para tuluyan akong mapahikbi sa kaniyang balikat. Ang mga balikat na ito na hindi ko sinasadyang masandalan sa unang pagkakataon. Sa pagkakataong una kaming ipinagtagpo sa tren na sinakyan naming lahat pabalik sa Shohoku High. Mas lalo na lamang akong naiyak sa mga alaalang iyon.

Naramdaman ko ang marahang paghagod niya sa basa kong buhok upang patahanin ako. Ngunit hindi ko kayang kontrahin ang mga luhang tuluyang bumabagsak sa aking mga pisnge. Mga luhang hindi dahil sa sakit at lungkot, kundi dahilan ng hindi ko maipaliwanag na saya.

Sa pagkakayakap ko sa kanya'y mahigpit akong napahawak sa likuran nang kanyang damit. Napiga ko pa ang tubig na dulot nang nababasa naring damit ni Rukawa dahil sa ulan.

Totoo nga ito.

Nandito nga si Rukawa..

Unti unti siyang humiwalay mula sa pagkakayakap saken at hinawakan ang mukha ko para iharap sa kanya. Nahihiya akong tignan siya sa kalagayan kong ito kaya nanatili lang akong nakayuko habang tahimik lang sa pag iyak.

"Pumasok na tayo sa loob, shooting guard.
Basang basa kana." aniya ni Rukawa na bakas sa tinig ang pag alala. Tumango lamang ako sa kanya bilang sagot. Inakay niya ako patayo mula sa naging posisyon namin kanina at parehong basa na kaming pumasok sa loob nang kanyang bahay.

Sa tingin ko'y humiwalay yata ng ilang saglit ang malay ko sa aking isipan dahil hindi ko na lubos maidetalyado kung paano ako makapag palit nang tuyong damit. Basta ang alam ko'y inabot niya ito sa akin kanina kasama ang isang tuwalya bago paman ako pumasok sa banyo ng kwarto niya.

Ngayon nga'y kasalukuyan akong tulala habang nakaupo sa kanyang kama at nakabaluktot sa isang makapal na kumot dahil sa matinding ginaw. Blangko ang isipan ko na tila hindi ko pa kayang paniwalaan ang mga nangyari.

Your Fictional WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon