Kia's POV
Nagising na lamang ako nang makaramdam ako ng sobrang lamig sa buong paligid.
Napayakap ako sa aking sarili at naramdaman ko ang mataas na temperatura ng aking katawan. Mainit ako pero ba't ako giniginaw.Napabangon ako sa kinahihigaan ko at naramdaman kong biglang kumirot ang ulo ko kaya napahawak ako nito sa dalawa kong kamay.
"Arayy! Ang sakit ng ulo ko."
Dahan dahan kong pinihit ang sariling bumaba sa kama sa kabila ng pamimigat nang aking katawan. Ano bang nangyayari sa akin?!
Nilalagnat ba talaga ako?! Hindi naman ako naulanan kahapon ah..Mas napwersa nga ang sarili kong bumaba sa kama ng sumagi sa utak ko na may usapan pala kami ni Mitsui ngayon.
Anong oras na?!Kahit ramdam ko ang sobrang pagkirot ng ulo ko'y hinagip ko ang kinaroroonan ng orasan. Halos lumuwa pa ang mata ko nang mapagtantong anong oras na.
Alas onse na nang umaga!
Late na, sobra!Pinilit kong bumaba sa hagdan at agad naman akong sinalubong ni Yasuda para maalalayan. Nagtaka naman ako sa ginawi niya dahil hindi ko naman pinahalata sa kanya kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
Hanggang pinaupo niya ako sa mga upuan dito sa sala.Napahawak pa ako ng tuluyan sa ulo ko nang kumirot na naman ito bigla.
"Yas,
si M-mitsui." pagod kong sabi sa kanya."Tinawagan ko na siya ate Kia, kanina pang mga alas otso. Kanina pa kasi ako nagkakatok sa pinto mo pero dimo ako sinasagot. Eh yun pala, tulog kapa at ang taas pa ng lagnat mo. Napano kaba? Na lovesick?!" mahabang lintiya niya na may halo pang pang aasar.
Ako? Na Lovesick?!
Ha?"Si mama." at pagkuway pinilig ko yung ulo ko saka sumandal sa malambot na upuang kinaroroonan ko. Ipinagkibit balikat ko na lamang ang paghahagilap ng dahilan kung ba't ba ako bigla nalamang nilagnat. Mas lalo na lamang kasing sumasakit ang ulo ko.
"Kanina pa po ate Kia. Hindi ko nga siya naabutan dahil sa sobrang aga niyang bumyahe. Ibinilin niya lang yung dalawang credit card sa ibabaw nang lamesa."
Tumango naman ako sa sinabi niya.
"May number ka ni Mitsui, Yas?" tanong ko sa kanya at pinilit ang sariling tumayo at tinungo ang kinaroroonan ng telepono. Sinundan niya naman ako.
"Oo, ate." maagap niya ring sagot at pagkuway nagsimulang pinindot saka niya iniabot sa akin ang telepono.
"Dito ka muna ate Kia, kukuha muna ako ng mainit na tubig sa planggana at towel para ipamunas sayo." sabi niya na tinanguan ko lang habang pinakikinggan ang pag riring sa kabilang linya. Maya maya rin ay may sumagot dito.
"Yas, nagising naba ang ate mo?! Kamusta na siya?! Mataas pa parin ba ang lagnat niya?!" sunod sunod na tanong ni Mitsui sa kabilang linya kaya napangiti na lamang ako saka marahang tumikhim.
"Mitsui, ako tu. Pasensya na kung hindi ako nakapunta, pinag hintay ba kita. S-sorry talaga..arayy!" at napahawak na naman ako sa ulo ko dahil bigla na naman itong kumirot.
"Kia, okey ka lang ba?!" rinig kong pag aalalang tanong ni Mitsui sa kabilang linya.
"Ah, oo. Pasensya na talaga Mitsui, nilagnat lang kase ako ngayon. Babawi nalang ako sa susunod. Pangako." sabi ko sa kanya at hinintay siyang magsalita.
"Sige,sige. Walang problema yun.
Magpahinga ka na dyan, wag ka nalamang pumunta sa practice baka mas lumala pa yang lagnat mo. Wag mong kalimutang uminom ng gamot, kumain ka. Wag kang magpagutom." mahabang lintiya niya.
Ang OA rin nito..Napatawa namn ako ng marahan.
BINABASA MO ANG
Your Fictional World
FanfictionIsang masaklap na pangyayari ang syang maging dahilan nang pagpunta mo sa kakaibang mundo. Isang mundong matagal munang pinapangarap mapuntahan dahil dito nakatira ang lalaking gustong gusto mong makasama. Ngunit darating ang panahong kinakailangan...