28-Complicated Feelings

86 10 0
                                    

KIA

Kahit tulog ako'y rinig na rinig ko parin ang walang humpay na pagbagsak ng ulan mula sa labas. Pero ang nakapagtataka ay hindi man lamang ako nakaramdam ng lamig sa paligid ko. Nakasuot ako ng makapal na sweeter pero hindi naman siguro iyon lamang ang dahilan para hindi ako makaramdam ng ginaw. Parang may isang mainit na bagay ang nakayakap sa akin ngayon.

Anong oras na ba kaya?

Bahagya akong nagmulat ng mata. Malabo sa aking paningin ang aking nakikita dahil sa kagigising ko lamang kaya napakurap ako ng ilang beses. Nagulat ako ng maging malinaw sa akin ang lahat. Bumungad sa mga mata ko ang mukha ni Yasuda na mahimbing na natutulog. Sobrang lapit ng mukha ko sa kanya at ang mas nakapagtaranta sa akin ay itong posisyon naming dalawa. Balot na balot ako ng kumot habang niyayakap niya.

Ngayon ko lang napagtantong nandito pala kami nakatulog sa sofa.

Bakit sa sofa ako nakatulog?

Nahulog ba ako sa upuan?

Ah di bale nalang, kailangan kong makawala sa posisyon nito.

Argh. Naman! Ba't ako kinakabahan?!

Dahan dahan kong tinanggal yung kumot na nakabalot sa aking katawan saka ako maingat na kumawala sa pagkakayakap niya.
Hindi ko alam kung bakit parang sasabog na itong puso ko kung iisipin kong magigising ko siya ngayon.

Para akong tangang nakahawak sa dibdib ko habang tumatayo. Diri diritso akong nagtungo sa kusina at uminom ng tubig.

Nakakainis! Bakit ako nagkakaganito?!

Matapos kong matungga yung baso ay napasandal ako sa may lababo. Itinukod ko ang dalawa kong siko saka ako malalim na bumuntunghininga. Para akong ewan na pinapakalma pa ang sarili sa ngayon.

Hindi ko alam kong ano ba itong nararamdaman ko. Nung una'y sanay na sanay na naman talaga ako sa ganitong mga bagay lalo pa't nasa iisang bahay lang kami ni Yasuda. Itinuring na naming kapatid ang isa't isa kaya wala nang dahilan pa para makaramdam ako ng ganito dahil araw araw na nga kaming magkasama.

Hindi. Nagulat lang talaga ako.

Oo. Siguro nga kaya ako nakaramdam ng ganito ay sa kadahilanang nagulat lang ako. Oo, yun nga.

Nilibot ko ang paningin ko para hagilapin ang kinalalagyan ng orasan. Napagtanto kong alas dyes na pala ngayon ng gabi. Ni hindi man lamang namin naisipan ni Yasuda na maghapunan.

Ipinagkibit balikat ko na lamang kung ano man yung kanina at naglakad na ako pabalik sa sala. Ilang beses din akong bumuntunghininga at saka ko napagpasyahang gigisingin ko muna si Yasuda.

Inilapit ko ng bahagya ang kamay ko sa kanyang mukha at marahan siyang tinapik.

"Yas, gising muna.
Hoy." pabulong na pang gigising ko sa kanya habang marahan siyang tinatapik sa mukha.

"Yas-

Gigisingin ko pa sana siya ulit pero natigil ako sa aking ginagawa ng walang malay niyang hinawakan yung kamay kong nakalapat sa kanyang mukha. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang palad habang hawak hawak niya yung kamay kong nakahawak sa mukha niya.

Ilang segundo rin akong hindi naka imik sa ginawa niya. Napatitig na lamang ako sa maamo niyang mukhang natutulog samantalang binabagabag na ako ng lakas ng kalabog ng dibdib ko.

Yas, wala ka bang planong bitiwan ang kamay ko?

Nabalik ako sa huwisyo ng maramdaman kong dahan dahan siyang nagmulat ng kanyang mata. Tila nabigla rin ito ng makita ako at nang mapagtanto ang kanyang ginawa. At para bang sing bilis pa ng kidlat ang pagbitiw ng kanyang kamay sa kamay ko saka naupo mula sa pagkakahiga sa sofa.

Napalunok ako ng laway bago napagpasyahang magsalita. Pinilit kong umakto ng normal sa harapan niya para hindi niya mahalatang natataranta na itong sistema ko.

"Yas, maghapunan ka muna. Di ko namalayang mag hahating gabi na pala at hindi pa tayo naghapunan. Sa kwarto ka na rin magpatuloy sa tulog mo. Lalamigin ka rito sa sala." mahabang lintiya ko saka ako matipid ng ngumiti.

Antok niya rin akong nginitian.

"Hindi pa naman ako nagugutom ate. Papasok na lang ako sa kwarto ko. Mauna na ako sayo. Good night ate Kia." tugon niya at saka kinuha ang unan at tumayo.

"Sige. Good night rin. Sleepwell." sabi ko nalamang at tinanaw na siyang pagod at antok na umakyat sa hagdan. Nang makumpirmang nakapasok na siya sa kanyang kwarto ay malalim akong napabuntunghininga.

Napaupo ako at sumandal sa upuan. Ikinuyom ko ang aking mga palad para mawala ang kabang nararamdaman. Pero bigo ako. Parang nawawalan na ng lakas ang mga kamay ko at nanlalamig ang mga palad ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at parang tangang nagpalakad lakad balik rito sa aking kinatatayuan.

Patuloy akong binabagabag ng nararamdaman ko. Ang hirap i move on.
Napahilamos na lamang ako ng mukha sa mga palad ko at saka napagpasyahang umakyat na rin sa itaas.

Pasalampak akong humiga sa kama at tumitig sa kisame.

Ano bang meron sa mga yon?

Bakit kailangan kabahan ako ng ganito?

Bakit kailangan pang bigyan ko ng malisya ang mga yun?

Hindi.

Pamilya ko si Yasuda.

Tinuring na naming kapatid ang isa't isa kaya wala ng dahilan makaramdam ako ng ganito.

Oo, mahal ko si Yasuda.
Pero bilang kapatid lang at wala ng hihigit pa dun.

Dahil may isang tao ng matagal na nakaukit sa puso ko,
at iyon ay si Rukawa.

Nang maalala ko si Rukawa ay bumalik sa ala ala ko yung varsity jacket na pinahiram niya sa akin kanina. Bukas ko nga pala iyon isasauli sa kanya kaya kinakailangan ko iyong malabhan. Hindi ko maaaring isauli yun sa kanya nang hindi ko nalalabhan lalo pa't basang basa iyon ng ulan kanina.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama at kinuha ko yung varsity jacket ni Rukawa na isinampay ko kanina malapit sa labas ng cabinet. Kinuha ko ito at napagpasyahang labhan. Wala nang maging problema kung paano ko ito patutuyuin dahil may dryer naman rito. Ganito ako kaswerte kina mama Aida at Yasuda.

Kahit malalim na ang gabi ay nilabhan ko parin iyon para maisauli ko bukas. Ginagawa ko lang naman ito para panandaliang makalimutan ko kung ano man ang nangyari kanina at maiwasan ko ng isipin ang mga iyon. Kung hindi ko iyon makakalimutan ay paniguradong babagabagin ako ng nararamdaman ko sa tuwing kaharap ko na si Yasuda.

Hindi ko maaaring bigyan ng importansiya at pagtuonan ng pansin ang bagay na iyon dahil kung ganun, sarili ko lang ang gagawa ng dahilan para bigyan ng komplikasyon ang lahat ng nararamdaman ko.

Your Fictional WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon