Kia's POV
"Oh ha. Oh ayun! 3 points! Sabi nang di nyo ko kaya eh!" pagmamayabang ko habang abala sa kakalikut ng phone ko. Naglalaro kasi ako ng NBA.
"Oui, ano ba naman yan?! nalamangan agad!"
pauwi na ako sa bahay namin ngayon. Galing pa kasi ako sa paaralan at bandang alas kwatro na ng hapon kami pinalabas.Oo, mahilig ako sa basketball. Nagmana ata ako ni kuya. Mula rin ng mapanood ko ung slam dunk ay mas ginanahan akong maglaro lalo na ng napahanga ako sa galing ng Ace player ng Shohoku. Si Kaede Rukawa. Crush ko talaga sya at kung maari lang sana tumakas sa reyalidad ay matagal ko na yung ginawa. Gusto ko kasing makaharap sya ng totoo kahit imposible naman yun.
"Kiaaa! d-dyan ka langgg!!"
Lilingunin ko sana yung tumawag saken ngunit ng humarap ako'y isang nakakasilaw na ilaw ang bumungad sa mga mata ko.
"I-ilaw ng sasakyan?!"
Dun ko lang napagtantong nasa kalagitnaan na pala ako ng kalsada. Huli nah!!
"Aaahhhhh!!"
-BLAAGGG!!"Aaahhhh!!" isang masamang panaginip.
Ibinuka ko ng dahan dahan yung mga mata ko. Kinusot kusot ko pa ito at nilibot sa kinaroroonan.
"San ako? Ano tu? Anong nangyari? Buhay paba ako?" sunod sunod kong tanong sa aking sarili."G-gising kana pala?"
isang pamilyar na boses ang nagmula sa aking likuran.Nilingon ko ito.
Isang lalaking may pulang buhok?! Nakahiga?! at may bendaheng bumabalot sa kanyang katawan.
"S-Sakuragi?!" tanging salitang nabitawan ko.
Nakita ko siyang dahan dahang tatayo sa kanyang kinahihigaan. Itinukod niya pa yung isa niyang kamay para maging suporta sa kanyang pagbangon at agad rin akong hinarap.
"Hehehe. Kilala mo pala ako. Di naman yun maipagkakaila dahil isa akong henyo!" aba ang yabang ng posporong ito.Diko alam kung ano,pano at bakit ako napunta rito.
Nakatakas ba ako sa reyalidad?!
Tinignan ko siya ng mariin. Si Sakuragi talaga,totoo tu?!
"Nga pala,okey ka na ba?" seryosong tanong niya.
"Ah, huh? Ano bang nangyari saken? Bat naman ako di magiging okey?" diko nga alam kung bakit kailangan pang ang posporong tuh ang makatabi ko? ano ba tu? clinic o ospital?
"Ako kasi yung may kasalanan." sabay kamot pa ng ulo.
"Huh?"
"Naipit ka siguro nung bumagsak ako sa mesa. Ang liit mo kasi heheheh.." aba puspusan talaga ng yabang ang pulang manok natu.
Ano bang mesa pinagsasabi nito? ang labo ah!
"Huh?"
"Kaya pati ikaw dinala na nila Ayako dito!" anong connection dun? Oo si Ayako,kilala ko sya. Isang babaeng freshman ng Shohoku,nag aasist sa mga players. Wayyt lang?! itong posporo daw yung may kasalanan dahil bumagsak sya sa mesa at naipit ako kaya dinala ako dito. Ang labo parin.
"Huh?" wala naman talaga akong maalala eh
"Ano bang hina huh huh mo dyan? Dimo ba narinig lahat ng sinabi ko? Sayang naman ang laway ng henyong ito." pagrereklamo niya.
"Ano ka ba kasi! Ang labo ng mga pinagsasabi mo! Ikinonect ko naman lahat ng sinabi mo pero ang labo parin. Diritsuhin mo nalang kasi,pa trilling ka naman eh!" ang dami ko na atang nasabi. Nakakainis talaga tung posporong tuh, kahit nga nung pinapanood ko pa syay'y sobrang daldal talaga. Nakakinis tas ang yabang pa, pero nakakatawa sya."Gonggong." isang cold na boses na bigla nalang sumabat sa usapan namin. Napatingin ako sa gawing pintuan.
Si R-Rukawa pala, dumaan sila at ang buong team ng Shohoku. Napasabat pa sa usapan. Kahit kailan talaga, yan na yung laging linya niya kay Sakuragi.
"Rrgghh Rukawaaaa.." narinig nya pala. Ang talas ng pandinig ng posporong tu.
"Oh Sakuragi,ayos naba kayo?" Si Ayako
"Oo naman Ayako. Sing tigas ata ng bakal ang katawan ng henyong ito. Hehehehe!!" nakakairita talaga kayabangan nito
Lumapit si Ayako sa kinaroroonan ko.
"Nga pala, ano nga ba pangalan mo? Okey ka na ba?"
"Ang pangalan ko?!" natigilan ako sandali. Inisip ko kung ano nga ba yung pangalan ko. Diko maalala. Sumasakit yung ulo ko.
"Kia." diko namalayang sa mismong bibig ko nanggaling ang pangalang yun. Pero wala na akong ibang mapagpipilian. Di rin ako sigurado kung yun ba talaga ang pangalan ko."Kia Kirisaki ang pangalan ko. Okey lang naman ako Ayako. Wala kayong dapat ipag alala. Salamat nga pala." at ngumiti ako sa kanya.
"Nice name Kia. Mabuti naman kung ganon. Cge Sakuragi maghanda kana at babyahe na tayo mamaya. Sa wakas at natapos na rin ang Interhigh. Ouh una muna ako sa inyo, pupuntahan ko muna sila sa locker room. Andun silang lahat nagpapahinga."
"Cge Ayako." tinignan ako ni Sakuragi
"Eh itong si Kia, papauwiin na natin. Hehehehe." weird ng posporong tuh, ano ba nakakatawa dun.
"Ahmm Ayako,maaari bang sumabay nalang ako sa inyo?"
"Sa Shohoku ba rin ang punta mo?"
"Ah..Oo." maagap kung sagot sa kanya.
Kailangang makasama ako sa kanila, delikado na't maligaw ako dito ng tuluyan.
"Ah cge. Walang problema."Third Person
"Nice game Shohoku! Ang galing ng pinakita nyo."
"Babawi tayo sa susunod."
"Di baling matalo sa last game,tinalo naman natin ang pinakamalakas na team ng distrito."
"Congrats Shohoku!"
Natapos na ang laro para sa Interhigh Tournament. Tinalo ng Shohoku ang team ng Sannoh ngunit natalo naman sila sa sumunod na laban dahil sa pagpapahirap ng Sannoh sa kanila.
Na back injury rin si Sakuragi dahil sa matinding pagbagsak nito sa mesa para lang makuha ang bola. At sa di inaakala ng lahat ay may nadamay pala sa pangyayaring iyon. Kaya dalawa silang napunta sa clinic."Oh Ayako kamusta na yung babae kanina?" tanong ni Captain Akagi
"Gising na siya. Okey lang naman daw, naabutan ko pa ngang nag uusap yung dalawa kanina."-Ayako
"Hahaha,malaki talaga ang utang niya sa babaeng yun."-Kogure
"Sasama nga pala si Kia mamaya sa byahe natin kaya pinayagan ko na. Sa Shohoku rin daw ang punta niya."-Ayako
"Aah Kia pala pangalan niya?"-Mitsui
"Hahaha siguro."-Ayako
"Bat naman siguro lang?"-Mitsui
"Hahaha matagal niya kasing nasagot kung anong pangalan niya. Kala ko tuloy nag ka amnesia dahil kay Sakuragi."-Ayako
"Hahaha malaking problema yun kung nagkataon."-Mitsui
"Hahaha kasalanan talaga yun ni Sakuragi."-Kogure
"Pero sa totoo lang ang galing ng pinakita ni Sakuragi sa laro. Madali niyang nakuha ang twenty thousand jumpshot na pinagawa sa kanya ni Couch Anzai, nagamit niya."-Ayako
"Ang bilis ng improvement ng batang yun."-Captain Akagi
"Parang kamakailan lamang sumali siya sa team, ngayon isa na syang ganap na player."-Kogure
"First time kasing nagkasundo yung dalawa."-MitsuiAng tinutukoy ni Mitsui ay si Rukawa at Sakuragi. Napakahusay ng teamwork nilang dalawa. Dahil sa magaling na pasa ng karibal niyang si Rukawa at ang hanep na jumpshot ni Sakuragi kaya natalo nila ang Sannoh sa nabibilang na segundo.
"Hahaha tama ka Mitsui." -Kogure
"Siguradong magyayabang na naman yun pag nakaharap niya si Rukawa." -AyakoKia's POV
Kasama ko si Sakuraging naglakad papunta sa train station. Kaming dalawa na lang siguro yung hinihintay.
"Kia, henyo talaga ako! Kung wala ang henyong ito,siguradong talo na kami. Hehehe" sobrang daldal talaga ng posporong tu. Pero kahit papaano ay may ipagmamayabang rin naman sya.
"Congrats nga pala sa inyo. Ang galing ng teamwork nyo ni Rukawa."
"Hehehe maliit na bagay yun. Syempre ako yata ang secret weapon. Wala namang binatbat ang sorong yun kung di dahil sa henyong ito. Hehehe." kahit kelan talaga minamaliit nya parin si Rukawa."Ayakoo..hintayin nyo ang henyo!!"
malapit na pala kami sa kinaroroonan nila.Tanaw ko mula dito sina Ayako at Captain Akagi sa may pintuan."Oh Kia,sakay na." saad ni Ayako ng makapasok na kami ni Sakuragi.
"Salamat."
"Ikinagagalak ka naming makilala Kia. Kogure, vice captain ng Shohoku." pagpapakilala niya sabay abot ng kamay.
Kilala ko naman silang lahat sa totoo lang.
Nakipagkamay narin ako sa iba, sabay ng pakikipagkamay ko'y binaggit ko isa isa ang pangalan nila.
"Ayako,"
"Yasuda,"
"Sakuragi," ngingiti ngiti pa tung posporong tu
"Mitsui,"
"Captain Akagi. Ikinagagalak kong makaharap ang captain ng Shohoku."
"Walang anu man."-Captain Akagi
at kinamayan ko na rin yung iba pa nilang kasamahan.
Parang may kulang sa kanila.
Nilibot ko pa yung mga mata ko para hagilapin ang dalawa. Si Miyagi at Rukawa yung tinutukoy ko.
"Si Miyagi at R-Rukawa?" tanong ko kay Ayako ng maupo na silang lahat matapos akong makipagkamay. Halos mabulol pa ako sa pagbanggit ng pangalan ni Rukawa. Di ako sanay.
"Hayun,tulog na tulog yung dalawa." sabay turo ni Ayako sa pinakaunang upuan.
"Nga pala, maupo kana Kia." -Kogure
"Cge."
Occupado na lahat ng upuan maliban nalang sa isa.
Sa tabi ni Rukawa.
"Hahah,no choice ka na Kia. Dun ka nalang talaga." aya ni Ayako at marahan pa itong tumawa.
"Ingat ka sa sorong yan." biglang sabat naman ni posporo. Wag kang mag alala Sakuragi, kilalang kilala ko si Rukawa. Nasabi ko nalang sa sarili at diko na nilingon yung posporo.
Dahan dahan akong tumabi sa natutulog natu. Iningatan ko talaga yung sarili kong di ko sya magalaw ng kahit kunti, baka kasi tumigas ako dito pag bigla itong nagising.
Diko maiwasang mapatitig sa kanya. Ramdam ko ang kakaibang kabog ng puso ko ng mapalapit ako sa taong kaytagal ko ng ginusto. Pero kinakailangan kung pigilan yung sarili ko.
Mariin ko syang tinignan, nakasubsub yung ulo niya sa mga kamay niya habang nasa mesa. Rinig na rinig ko pa ang hilik na ginagawa niya.
"Tulog mantika talaga tung si Rukawa." bulong ko sa sarili bago rin ako sumandal sa likod ng kinauupuan ko at tuluyan ng nakatulog.Third Person
Sunod sunod na bumaba ang mga player ng Shohoku sa train habang si Ayako nama'y ginigising pa si Kia na kanina pa mahimbing na nakatulog. At ang mas masaklap pa'y nakasandal ito kay..
Rukawa..
BINABASA MO ANG
Your Fictional World
FanfictionIsang masaklap na pangyayari ang syang maging dahilan nang pagpunta mo sa kakaibang mundo. Isang mundong matagal munang pinapangarap mapuntahan dahil dito nakatira ang lalaking gustong gusto mong makasama. Ngunit darating ang panahong kinakailangan...