32-The Accident

69 6 1
                                    

KIA

"May gusto kaba kay Rukawa?
Kase ako...

Gusto kita."

Tila nag eecho pa sa mga tainga ko ang sinabi saken ni Mitsui. Paulit ulit na re-nirenew ng utak ko ang mga salitang iyon bago pa ito mag sink in ng tuluyan.

Speechless..

Nagulat ako sa biglaang pag amin niya.
Hindi ako nakapagsalita.

Sa pagkakaalam ko'y natural lamang sa kanya ang maging mapagbiro, mabait, maalalahin at ang pagiging sweet niya sa ibang tao. Na I didn't come up with the conclusion na gusto niya ako.

Pansin ko nga ngayon na palagi nalang akong natatameme. Para bang ginugulat nalang ako palagi ng pagkakataon.

Everything is full of suprises.

Kay Rukawa, at sa

k-kanya.

"Kia.." nabalik ako sa huwesiyo. Ngayon ko lang napagtanto na kanina niya pa pala ako yakap yakap ng mahigpit.

"M-may gusto ka ba kay R-rukawa?.." pag uulit niya pa at saka siya tumahimik na tila ba hinihintay ang magiging sagot ko.

Oo.
Gustong gusto ko si Rukawa.
Kaya Mitsui, pasensya na-

Napasambunot ako ng buhok sa isip ko. Naisin ko mang sabihin iyon sa kanya ay hindi ko magawa. Gusto ko siyang diritsahin at aminin sa kanya ang totoo. Na mali, maling magustuhan niya ang tulad ko dahil imposible.

Pero natatakot akong masaktan siya lalo pa't itinuring ko si Mitsui na isa sa mga tunay at matalik kong kaibigan.

Sa pangalawang beses ay nagbalik ako sa sarili.

Gulat akong napatingin sa gawi ni Rukawa na tila ba matalim na nakatingin sa kinaroroonan namin ni Mitsui. Napako ang tingin ko sa paper bag na dala niya.
Yung canned coffee pala na pinabili ko sa kanya.
Muntik ko nang makalimutam ang patungkol doon.

"M-mitsui. Tigilan mo muna ito-
Teka, Rukawa."

at saka ko siya itinulak. Hindi ko alam kong saan ako kumuha ng lakas ng loob para gawin sa kanya yun. Hindi man lamang ako nakahingi sa kanya ng tawad.

Dali dali ko kaseng sinundan si Rukawa dahil nilampasan niya lamang kami ni Mitsui na para bang walang nakikita. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Mitsui pero hindi ko na siya pinansin. Siguro nang dahil sa ginawa ko ay maiintindihan niya ang sagot.

"Rukawa!" tawag ko sa kanya pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Hindi niya ako pinansin.

Halos palakad takbo na nga itong ginagawa ko para lang maabutan siya.
Ewan ko ba pero parang mas lalo na lamang niyang binilisan ang kanyang paglalakad.

Sh*t.
Nakita niya yung kanina.

No.
Mali yung nakita niya!

Hindi.
I mean, mali ang pagkakaintindi niya sa nakita niya.

"Teka- Rukawa!" halos pasigaw na ang ginawa kong pagtawag sa pangalan niya. Pero hindi niya pa rin ako nililingon.

Pero bakit?

Bakit ko pa kailangang ipaliwanag sa kanya yung lahat. Ipaliwanag ang pagyakap saken ni Mitsui.
Eh alam ko namang wala siyang pakialam sa buhay ko.

"RUKAWA!!" pabulyaw ko nang sigaw sa pangalan niya pero wala pa rin. Nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad at nakita kong tumawid siya ng kalsada.

Ano na namang problema ng isang tu?

"Kia!"

Si Mitsui. Ba't niya pa ako sinundan.
Augh!

Your Fictional WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon