Kia's POV
Habang naglalakad kami pabalik ng campus, nagkwekwentuhan rin kami ni Mitsui patungkol sa buhay namin. Ikinuwento pa nya talaga saken yung dating sya at hanggang makabalik sya sa team, nakikinig rin naman ako kahit alam ko naman yun matagal na. Pero iba talaga pag sa kanya mismo nang gagaling
Nalaman ko rin na ma'y nakakabata syang kapatid na babae. Dalawa lang daw sila, at obviously sya yung panganay. Kanya kanyang bussiness naman daw ang inaasikaso nang mga magulang nila kaya minsan nawawalan na sila ng oras sa magkapatid. Nalungkot naman ako ng marinig yun.Pagkatapos ay ako naman ang nagkwento sa kanya. Kung ilan kaming magkapatid, panu ako natuto ng basketball at masali sa team ng basketball girls. Ikinuwento ko rin sa kanya yung pagkapanalo o pagkatalo namin minsan. Nasabi ko rin sa kanya na umabot na kami ng Nationals, pero ni isang pangalan na bumuo sa buhay ko ay wala akong binanggit. Dahil sa totoo lang, wala parin akong matandaan. Diko rin nabanggit sa kanya kung saan ako nakatira o anong pangalan ng team namin.
Pero salamat nalang at di nya rin tinanong."Ang daldal mo naman pala talaga." natatawa nyang sabi habang nakatingin sa akin ng nakapamulsa pa. Papunta na kami ng gym ngayon.
"Eh kinukulit mo rin naman kasi ako."
"Sabihin mo lang dimo talaga ako matiis." nginitian pa ako ng nakakaloko. tss mahangin rin.
"Tssk, pag ako nainis sayo. Di na talaga kita kakausapin kahit kelan." inirapan ko sya sabay tinalikuran kaagad nang sa ganoon ay di niya mapansin yung ngiting kanina ko pa pinipigilan.
Oo aaminin kong ang sarap nyang kasama. Nai enjoy ako sa tuwing kausap ko sya. Kahit mahangin rin ito minsan, di naman maipagkakailang ang gwapo nya rin.
Tssk..ano ba tung iniisip ko..
Siguro nga ganito lang talaga sya ka friendly sa isang tao. Ganun din naman ako makisama lalo na kapag malapit yung loob ko sa kanya."Hahaaha joke lang naman yun. Sorry nah."
napaigtad pa ako ng kaunti nang bigla nya akong inakbayan.
Fc talaga sobra tung si Mitsui."Akala ko kasi cold karin tulad ni Rukawa. Kasi nung kahapon, sinungitan moko. Ang ikli pa ng sinasagot."
lihim akong napangiti sa narinig ko mula sa kanya."Hahaha ang daldal mo naman kasi." natatawang sabi ko sa kanya
"Aba, bumabawi ah!!"
"Hahahha dapat lang!"
at nagpatuloy na kami sa paglalakad hahang nakaakbay parin sya sa balikat ko.Third Person
"Ryota, nakita mo ba si Mitsui." tanong ni Ayako kay Miyagi ng madaanan nya ito papuntang locker room.
"Ayako andito naman ako oh." malanding sabi ni Miyagi kaya agad itong nakatanggap ng batok mula kay Ayako.
"Mag ayos ka nga Ryota." at dumiritso na ito sa locker room.Kahit natapos na ang laro ng Shohoku team sa interhigh, nagpapractice parin sila kahit papaano bilang paghahanda na rin sa nalalapit na winter tournament.
Habang si Sakuragi naman ay hindi muna makakasali sa mga susunod na practice game nila dahil sa natamong back injury nito sa naging laro nila sa Hiroshima. Pinagpahinga pa ito ni couch Anzai at mga ilang linggo pa bago ito makabalik.
Kia's POV
Ilang distansya pa ang layo namin sa gym pero rinig na rinig ko na ang talbog ng bolang nagmumula doon. Nagpaalam muna si Mitsui saken, pupunta pa daw kasi sya sa locker room para magpalit kaya ako nalang ang dumiritso sa gym.
Tanging talbog lang ng bola ang naririnig ko. Sa tingin ko'y nag iisa lang talaga sya dahil wala naman akong ibang naririnig na may kausap siya o ano pa.
Pagkapasok ko'y sinalubong agad ako ng mga titig ni.
Ni..
Rukawa..Nakakalusaw yung mga titig nya. Parang galit na ewan.
Naiilang ako kaya ako na ang nag iwas ng tingin.
Umupo nalang ako sa bench habang pinapanood sya at inaantay yung iba.
"Ang aga nya naman siguro."
BINABASA MO ANG
Your Fictional World
FanfictionIsang masaklap na pangyayari ang syang maging dahilan nang pagpunta mo sa kakaibang mundo. Isang mundong matagal munang pinapangarap mapuntahan dahil dito nakatira ang lalaking gustong gusto mong makasama. Ngunit darating ang panahong kinakailangan...