Kia's POV
Pagkatapos naming mag jogging ay dumiretso na agad kami sa isang fastfood chain para doon nalamang mag agahan. Nanatiling tahimik lang naman si Rukawa pero kusang nag salita naman ito ng magpaalam siya sa amin ni Yasuda na mauna na daw siyang umuwi.
Sa pagkakataong tu'y napapaisip akong may kaunting pagbabago na nga sa Ace player namin pero hindi ko alam ang dahilan. Cold parin naman yung dating ng pagsasalita niya pero mas mabuti na rin itong marunong na siyang makisama at hindi na siya mag iisa pa.
Kasalukuyan na kaming naglalakad ni Yasuda ngayon papuntang gym. Naabutan namin na kumpleto na ang lahat at nandito na rin si Couch Anzai. Hindi ko alam kung paano ko ba ipaliliwanag kay couch na nasali ako sa team nila ng hindi ko man inaakala.
Dumiretso na si Yasuda kina Rukawa, Mitsui at Miyagi na kasalukuyang nag wawarm up para sa practice game. Tulad pa rin noong ibang araw, walang humpay parin sila sa pag eensayo para sa Winter cup.
Agaran na rin akong kinawayan ni Ayako kaya naglakad na ako paroon sa kanya. Nandoon rin si couch Anzai sa tabi niya kaya hindi ko maiwasang mahiya. Nasa leftside ako ni Ayako habang si Couch Anzai ay nasa rightside niya. Inabot naman agad saken ni Ayako yung recordbook.
"S- si Couch, baka magulat siya kung bakit nasali ako sa practice game ninyo?" nag aalalang sabi ko kay Ayako pero siniguradong hindi iyon maririnig ni Couch na nasa tabi lang niya na pinapanood ang mga players.
Bumulong naman si Ayako sa taenga ko.
"Hahaha wala nang problema. Noong una pa naman alam na niya eh." tugon nito na tumawa pa ng marahan. Umayos naman ito ng upo.
"Eh sigurado ka."
"Oo nga. Oh sige, kausapin mo pa." panghahamon pa sa akin ni Ayako at pinihit ang sarili ko na makita si couch Anzai para makausap.
Nanatiling nakaupo lang naman ako habang pinagigitnaan kami ni Ayako.
"Magandang tanghali po couch." pang aagaw ko pa ng pansin dahil parang hindi niya ata ako napansin kanina pa.
Napabaling rin naman ito ng tingin sa akin.
"Ohohoho, ikaw pala Kia. Ikinagagalak ka naming makasama sa team." sabi pa nito na nagpagaan naman ng aking pakiramdam.
"Ahm salamat po couch Anzai. Aasahan niyo pong pagbubutihin kong maging mabuting assistant manager nitong si Ayako." tugon ko pa sabay siko ko kay Ayako na nasa gilid ko lang. Kaya napatawa na lang ito.
Third Person
Nagsimula na ang practice game. Halos araw araw nang nag papractice ang mga players ng Shohoko para sa nalalapit na winter cup. Kasabay nang pag eensayo nila ay mas napapanatili nila ang kanilang kahusayan sa pag babasketball.
Pagkatapos ng ensayo nila ay nagpahinga na silang lahat. Sinabi ni Couch Anzai na magbabalik na daw si Sakuragi bukas dahil natapos na daw yung treatment nito sa kanyang injury pero pinayuhan parin ito ng doctor na manatiling mag iingat sa bawat laro.
Kia's POV
Iniabot ko kay Yasuda ang isang bottled water para sa kanya matapos ang ensayo. Binigyan ko na rin yung iba pang mga players ng tig iisang towel at tubig dahil halatang pagod na pagod na rin ang mga ito.
Tirik na tirik ang araw ngayong hapon, at sa tansiya ko'y alas tres na nga ngayon. Halos dalawang oras din silang nag ensayo at sapat na rin din iyon tugon ni Couch Anzai sa araw na ito nagpaalam na itong mauna na munang umuwi.
"Salamat." tugon ni Rukawa ng abutan ko siya ng tubig.
Nasa kabilang side siya ng bench kaya kami lang dalawa ang narito.
BINABASA MO ANG
Your Fictional World
FanfictionIsang masaklap na pangyayari ang syang maging dahilan nang pagpunta mo sa kakaibang mundo. Isang mundong matagal munang pinapangarap mapuntahan dahil dito nakatira ang lalaking gustong gusto mong makasama. Ngunit darating ang panahong kinakailangan...