YASUDA
Mapait akong napangiti ng parang engot niyang tinampal yung sarili niyang noo.
Kahit hindi niya sabihin na may gusto siya kay Rukawa, ang kilos niya naman ang nagsasabi ng totoo. Hindi ko naman masisisi ang sarili kong magustuhan niya ang pinaka magaling na manlalaro sa Japan. Walang wala ako kay Rukawa kung ikukumpara.
Masakit mang aminin, mahal ko si Kia.
Hindi bilang kaibigan,hindi bilang kapatid at lalong hindi bilang ate.Ang hirap nang gantu, yung araw araw kayong magkakasama pero hindi man lang niya maramdamang may gusto ako sa kanya.
Sobrang bait niya saken, mapagmahal siyang kapatid at maalalahaning ate. Ang kaso nga lang, hindi hanggang diyan ang nararamdaman ko para sa kanya. Unang beses ko pa nga sanang magmahal,
sa isang tao pang kapatid lang ang turing saken.
Ang saklap.Palagi kong bukambibig sa kanya si Rukawa at suportado ako sa pagiging close nila sa isa't isa. Habang ako'y hindi ko kayang suportahan yung sarili ko sa kanya. Hindi ko kayang amining gusto ko siya.
Hanggang kelan ko ito itatago?
Alam kong nasa iisang bahay lang kami at tinuring na namin siya bilang kasapi ng pamilya. Pero sa kalagayan ko ngayon, habang humahaba ang panahong nakakasama ko siya. Mas lalong lumalalim yung nararamdaman ko para sa kanya.
"Yas, kumain muna tayo."
Napabaling ako kay Kia na nag abot sa akin ng isang cup noodles. Umupo siya sa tabi ko saka ko naman kinuha yung inabot niya.
"Salamat ate." ngiting tugon ko at kapwa itinuon ang atensiyon sa tv bago ko ito hinipan yung noodles ko.
Labag man sa kalooban kung banggitin ang katagang 'ate' para sa kanya, pero wala akong magawa. Si mama kasi.
Tahimik lang siyang kumakain habang hinihigop ang mainit na sabaw ng noodles habang nanonood. Hindi niya naman napansin na nakatingin ako ngayon sa gawi niya.
Kia, bakit ang manhid mo naman?!
Iisipin ko palang na aamin ako sa kanya ay parang nanghihina na itong tuhod ko. Sa basketball, kung mabilis ang pinapakitang laro ng kalaban, ako ang inaasahan ng team na pakalmahin ang daloy ng laro.
Pero sa gantung bagay, ang hirap. Mahirap pa sa larong basketball.
Wala pa nga akong sinasabi, parang na eestatwa na ako dito.
"Ate Kia." bulong kong banggit sa pangalan niya. Ewan ko kung narinig niya ba iyon pero hindi niya naman ako pinansin.
Napalunok nalang ako ng laway at ibinaling ang atensiyon sa tv.
Nakakainis.
Nag iisang kumikilos yung bibig ko."Ilagay mo muna yan Yas, ako na mag liligpit." biglang sabi niya at inilagay sa mesa yung wala nang laman na cup ng noodles. Hindi ko namalayang naubos na niya pala.
Kinuha niya naman yung unan sa sofa at saka nakangiting tumingin saken.
Nakakailang.
Wag mokong titigan ng ganyan.Kinunutan ko naman siya ng noo.
"Pahiga ha." sabi niya at kinindatan pa ako. Bakit wala man siyang pakialam sa mga ginagawa niya.
Inilagay niya yung isang malambot na unan sa mga hita ko at doon niya ipinatong yung ulo niya para humiga.
Parang natigil ako sa paghinga nang iniangat niya ang kanyang ulo habang nakahiga at saka matamis na ngumiti.Mababakla ako sa babaeng tuh!
Kainis.."Huwag kang ngumiti ng ganyan ate. Para kang tanga." iritable kong sabi.
"Aray, bawal bang ngumiti. Masaya ako eh."
Tsk. Sabihin mo lang kinilig ka lang kay Rukawa.
Hala nag seselos?
Putik. Hindi ako nagseselos.
Tsk.tsk."Ewan." sabay irap ko sa kanya. Wala akong ganang asarin siya ngayon. Para kaseng sa bawat asar ko sa kanya para kay Rukawa eh ako naman itong palihim lang na nasasaktan.
Bakit ba kase pinanganak akong torpe.
Natawa siya sa reaction ko. Napansin kong marahan niyang ipinikit ang dalawa niyang mga mata saka naghikab.
"Iidlip lang ako saglit Yas." tugon niya habang nakapikit.
Kahit habang buhay ka pang nakahiga lang diyan, walang problema.
Mahal kita eh,
Kia.
A/N
Remeber those moments nila Kia at Yasuda on chapter 16. 😊
Yieeh, keep reading. Salamat.
BINABASA MO ANG
Your Fictional World
FanfictionIsang masaklap na pangyayari ang syang maging dahilan nang pagpunta mo sa kakaibang mundo. Isang mundong matagal munang pinapangarap mapuntahan dahil dito nakatira ang lalaking gustong gusto mong makasama. Ngunit darating ang panahong kinakailangan...