40-Normal life

113 8 5
                                    

KIA

Kaagad akong napabalikwas sa higaan  nung tumunog ang alarm clock. Kinapa ko ito sa bedside table at saka pinatay. Nag unat ako at napansin yung phone ko sa tabi ng alarm clock. May nag pop up na dalawang message at galing iyon kay Yanna.

Mag jojogging kami ngayon at didiretso sa gym para mag ensayo. Kailangan naming mag handa sa papalapit na interhigh sa women's basketball sa school. Pero mukhang ako lang mag isa ngayon dahil hindi daw niya ako masasabayan dahil may aasikasuhin pa ito.

Isinilid ko nalamang yung phone ko sa loob ng bag at saka na bumaba sa kama.

Dumiretso muna ako sa kusina para mag almusal.

"Goodmorning ma." masayang bati ko kay mama pagkababa ko ng hagdan. Alas kwatro pa ng madaling araw, diko inexpect na maaga din pala si mama nagising.

Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit at saka dinampian ng halik sa aking noo.

Ang suwerte ko talaga kay mama.

"Goodmorning, sweetie. Kain kana?" pag aaya niya saken habang nagtitimpla siya ng gatas.

"Si kuya po?" pansin ko kaseng wala ng tao sa kwarto niya pagkababa ko kanina.

"Maaga din sila nag jogging kasama yung mga ka teammates niya. Mag jojogging ka dn dba anak? Huwag mo masyadong pagurin yung sarili mo ah." tugon ni mama na puno ng pag aalala.

Napangiti naman ako sa narinig at saka tumango.

"Oo naman po ma, wag po kayong mag aalala saken. Iingatan ko na po yung sarili ko."

Kaya pala maaga si mama'ng gumising ay para maipaghanda niya kami ng agahan ni kuya. Muntik ko nang makalimutan na magkasunod lang pala yung araw ng nationals namen sa basketball team kaya todo ensayo kami ngayong nabibilang na mga weeks.

Ilang minuto din ang lumipas matapos akong kumain, at kaagad naman akong naligo.

Dala dala yung isang bottled water ay nagpaalam na ako kay mama na umalis.

"Goodluck sa laro niyo anak. Pagbutihin niyo yung pag ensayo." sigaw niya saken pag kalabas ko ng gate at saka naman ito kumaway.

"Opo."

Mahigit 30 minutes akong nag jojogging lang pag kagaling ko sa bahay at nilibot ang aming lugar. Nang makaramdam ng pagod ay nagpahinga muna ako at naglalakad lakad hanggang sa may madaanan akong convienence store. Bumili ako ng panibagong bottled water at saka naglakad lakad para maghanap ng opened court o gym. Hindi pa kase kami pwedeng maka pasok sa gym ng paaralan dahil sa lunes pa yung open ng sched sa practice game namin. Ni ayaw ko naman mag sayang ng oras, kaya why not mag start ako mag ensayo ngayon.

Malayo pa lang ako sa gym ay rinig na rinig ko na yung sunod na sunod na talbog nang bola na nagmumula doon.

'Kay aga pa, may nauna na agad saken. Tss'

Diri diretso lang ako hanggang sa makapasok ako sa court. Bigla akong natigilan ng makita yung lalaking nag iisang nag lalaro.

Halatang hindi niya ako napansin dahil hindi man lang niya ako nilingon sa aking kinaroroonan.

Nag dribble ito saka tumakbo at naglay up sa kabilang ring.

Bumalik naman siya sa pwesto niya kanina, nag dribble tapos nag three points.

Bigla akong nanlamig. May kung ano sa kanya na hindi ko maintindihan. Sobrang lakas ng tibok nang puso ko at parang gusto ko siyang lapitan.

'Ghad, nababaliw na yata ako.'

Naikuyom ko ang aking mga kamay para pagbalikan ako ng lakas at saka na napagpasyahang umalis.

Familiar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your Fictional WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon