23-Officially friends

89 11 2
                                    

Kia's POV

Bahagya akong nagulat sa tanong niya. Napayuko ako at napako ang tingin sa kamay niyang nakahawak sa kamay kong inabutan ko ng bola. Kinuha niya ang bola kaya agad na natanggal ang mga kamay niyang nakahawak saken.

Nagulat lang ako kung bakit niya ako hahamunin ng one on one eh in the first place wala ako sa kalingkingan ng galing niya. Kung babalikan noong una ako ang kusang humamon sa kanya, eh paraan ko lang naman yun at isa pa, nagbabakasakali lang akong pagbigyan ng tadhana.

Tatanggapin ko ba?

Pero wala namang masama kong tatanggapin ko yung alok niya. Maswerte nga ako't pangalawang beses kong makakalaro ang pinaka magaling na Ace Player ng buong distrito.

Nag angat ako nang tingin sa kanya at saka ngumiti.

"Sige ba. Walang problema." sagot ko.
Tumango naman siya at naglakad na sa gitna ng court kaya sinundan ko narin siya.

Kung noong una, may halong pandadaya yung ginawa ko pwes ngayon hindi na ako magdadalawang isip na seryosohin yung laro. Sa buong buhay ko'y matagal ko nang pinapangarap ang makaharap siya kahit imposible at nang masubukan ko rin ang kakayahan ko sa pagbabasketball kahit babae ako. Pero kung tutuusin parin, wala naman talaga akong laban sa kanya.

Magkaharap kaming dalawa ngayon sa court. Hawak niya yung bola.

"Seryosohin mo ang laro Rukawa. Hinding hindi ako magpapatalo sayo." panghahamon ko pa sa kanya.

"Tsk."

Abay inirapan lang ako ng lalaking tu!

"Oh ikaw mauna." sabay pasa niya ng bola saken, mabuti nalang at nasalo ko rin ito.

"Sige."

Nagsimula na ang laro namimg dalawa. Pinagbigyan naman ako ng Rukawang yun at ako ang naunang humawak ng bola. Siyempre nasa opensa ako habang nasa depensa naman siya. Nagdribble ako patakbo sa kabilang ring para sa three points shot. Mabilis niya akong nahabol sa kinaroonan ko at agaran na ring dumepensa. Mahigpit yung depensa niya kaya hindi ako makaporma para sa three points.

Kainis.

Gumamit ako ng fake. Hindi nalang ako mag ti three points.

Lay up nalang!

Tatalon na ako sa ere para mag lay up.
Nang biglang bumikag yung kanang paa ko.

Humina yung kanang tuhod ko. Hindi ko magagamit ang kanang paa ko para ipangtapak sa sahig matapos akong tumalon sa ere.

Hindi ko kaya.
Mag a out balance ako kung sakali.

Kaya..

Babagsak ako!

babagsak ako!

Tila nag slo slowmo na yung lahat. Kasabay ng pagpasok ng bola sa ring ay napapikit na ako sa sakit at hinintay na lang ang sarili kong bumagsak sa sahig.

Bumagsak na ba ako?

Pero bakit wala akong maramdamang sakit?

"Arayy." narinig kong reklamo ng isang pamilyar na boses.

Bakit kailangan pang ibang tao ang umaray para saken?

Ha?

Anong nangyari?

Nanatiling nakapikit ako at pinapakiramdaman kong may masakit ba sa aking katawan. At baka nabagok yung ulo ko sa sahig.

Feel ko'y hindi sahig itong nabagsakan ko.

Your Fictional WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon