KIA
"Ate Kia, gusto ka daw makausap ni mama."
Nabalik ako sa huwisyo nang tawagin ako ni Yasuda. Hindi ko namalayang nakatulala lang ako ngayon habang nakaharap sa tv. Kung tutuusin ay hindi naman ako nanonood. Sobrang lalim lang kasi ng mga iniisip ko.
"Oo." tugon ko saka ako tumayo sa pag kakaupo rito sa sala para magtungo sa kinalalagyan ng telepono. Agad naman itong iniabot sa akin ni Yasuda.
"Hello ma, kamusta kana? Kelan po ba kayo uuwi rito? Miss na miss kana namin ni Yasuda." masayang bungad ko nang maitapat ko na yung telepono sa aking taenga.
"Ayos lang naman ako anak. Kayo diyan? Miss na miss ko na rin kayo. Hindi ko pa kase alam kung kelan ako makakauwi. Pasensya na Kia."
"Okey lang din naman kami rito ma."
"Tapos na yung practice ninyo?"
"Wala pa po muna kaming practice sa ngayon mama. Hinihintay pa po kasi namin yung listahan sa mga players nang bawat distritong bubuo sa Kanagawa team." pagpapaliwanag ko.
"Ah ganun ba. Mabuti naman nang sa gayun ay makapagpahinga muna kayo. Ilang buwan ata kayong araw araw nalang nag eensayo ng basketball."
"Oo nga po ma. Pinaghahandaan talaga kasi namin yung winter cup lalo na't alam naming babawi ang taga Shoyo sa naging laban nila sa eliminations noong nakaraang interhigh."
Mahaba rin ang naging pag uusap namin ni mama Aida at maya maya rin ay nag paalam na rin siya dahil marami pa daw siyang gagawin.
"Sige anak, tatawag nalang ako ulit."
"Sige ma. Babye, ingat ka diyan."
"Oo, kayo rin. Maglaan rin naman kayo ng oras mamasyal ni Yasuda kahit papaano. Para naman hindi kayo mabagot diyan sa bahay." tugon ni mama at marahan pa itong tumawa.
"Opo ma. Sasabihan ko si Yasuda."
"Oh siya, ba bye na."
"Sige po." at saka ko na inend yung call.
Bandang alas tres na ngayon ng hapon. Gaya nga nang sinabi ni mama, nakakabagot nga talaga rito sa bahay lalo pa't wala na kaming practice ngayon. Kung maaagahan naming matanggap yung mga list ng mga players, magkakaroon pa kami ng oras para makapag ensayo. Pero kung hindi naman ay maghihintay na lang kami sa sasabihin ni couch.
Naglakad ako pabalik sa sala at nadatnan ko naman si Yasuda na kumakain ng potatoe chips habang nanood ng tv.
"Yas, pahiram muna ng bola. Maglalaro lang ako sa labas." wika ko sabay kuha na rin sa kinakain niya.
nguya
nguya"Parang hindi ka napagod sa practice ate Kia ah. Halatang nahawaan kana ata ni Rukawa hahaha." hagalpak naman na tawa nito na halatang nang iinis. Napapansin na niya kasing tila malapit na kami ni Rukawa sa isa't isa. Inaasar niya pa akong may gusto daw ako kay Rukawa pero ini insist ko naman sa kanya na mag kaibigan lang naman kami. Sinabi ko lang naman sa kanya kung ano ang totoo.
"Tsk. Nababagot lang naman ako eh. Sige na, pahiram."
"Nasa ilalim ng kama ko. Kunin mo nalang."
"Hay ikaw nalang kaya. Pinapahirapan mo pa ako eh."
"Ay bahala ka."
"Tsk.tsk. Sige, ako nalang." sabi ko sabay pout. Tinawanan niya lang ako habang patuloy sa panonood ng basketball sa tv. Hindi ko nalang siya pinansin at umakyat nalang sa itaas para kunin yung bola.
BINABASA MO ANG
Your Fictional World
FanfictionIsang masaklap na pangyayari ang syang maging dahilan nang pagpunta mo sa kakaibang mundo. Isang mundong matagal munang pinapangarap mapuntahan dahil dito nakatira ang lalaking gustong gusto mong makasama. Ngunit darating ang panahong kinakailangan...