KIA
"Okey team, assemble. Siguradong mananalo ang team natin sa darating na winter tournament sa pamumuno ng bagong captain ninyo, si Ryota Miyagi." masiglang sigaw ni kulot sa harapan ng kanyang mga ka teammates.
"Hoy kulot, anong sinabi mo? Ikaw? Ikaw na ang bagong captain?" gulat na gulat na tanong ni Sakuragi sa kanya.
Oo. Sa wakas, nakabalik na rin si Sakuragi tulad nung sinabi ni Couch Anzai kahapon. Mas magiging masigla na rin ang buong team kumpara noong dating wala siya. Ang posporong ito kasi ang nagbibigay saya at fighting spirit para sa team. Kahit dati nang mayabang itong si Sakuragi, pero hindi maitatangging may maipagmamayabang na nga siya sa ngayon. At nakakasiguro akong mas lalong lumakas at gumaling pa siya kumpara noong una.
Pagkabukas palang ng pintuan ng gym kanina ay agad na kaming tumakbo para salubungin siya. Kinamusta siya ng buong team at nabigla pa ito ng makita niya ako. Ipinaliwanag naman namin ni Ayako sa kanya ang dahilan para hindi na siya magtaka.
Ngayo'y nagdedebatehan na itong si Sakuragi at Miyagi kung sino ang dapat maging captain. Hahaha. Inaasahan na talaga namin ito.
"Hindi ako makakapayag niyan! Bakit? Hoy Gori, bakit si kulot ang naging bagong captain eh ang henyong ito ang nagpanalo sa team nung interhigh? Ang henyong ito ang dapat maging captain."
"Gunggong ka parin. Wala kanang pinagbago." sabay kutos ni Akagi kay Sakuragi.
"Aray. Bukol again." reklamo pa nito habang hipo hipo yung ulo niya.
"Hoy kulot, magnanakaw ka! Bakit ninakaw mo ang posisyon ng isang henyo?" sabay turo kay Miyagi.
Kahit papaano talaga itong si Sakuragi posporo pa din. Hahaha.
Natatawa na lamang kami ni Ayako na tinitignan ang dalawang nagbabangayan.
"Hoy Hanamichi. Hindi ako magnanakaw." giit rin ni kulot sa kanya.
"Eh bakit mo nga ninakaw ang posisyon ng isang henyo? Ang henyong ito ang dapat maging captain!"
"Hanamichi, first year ka palang. Second year na ako. Baka nakakalimutan mong mas matanda pa ako sayo?!"
"Ahhh hindi makakapayag ang henyong ito."
"Mas matanda nga ako sayo!"
"Ahhh magnanakaw ka talaga kulot!"
Hahaha. Sa wakas magiging masigla narin ulit kami rito.
"Maingay na naman ang gunggong."
Napabaling ang tingin ko kay Rukawa na may hawak hawak na bola at napabuntunghininga nalang sa pagbabangayan ng dalawa.
Hindi ko alam itong nararamdaman ko pero mas lalo akong naging masaya ngayon lalo pa't bumalik na ang karibal ng Ace Player namin. Siguradong hindi na mananatiling tahimik itong si Rukawa kagaya nung wala ang karibal niyang posporo.
Your really cameback Sakuragi!
Natapos na ang practice at halatang ganadong ganado na nga ang buong team dahil sa pagbabalik ni Sakuragi.
Kasalukuyan ko ngayong tinutulungan si Ayako na bigyan ang mga players ng tubig at towel. Sobrang napagod talaga ang lahat sa practice game pero sadyang masaya naman sila. Napansin rin ng buong team kanina na malaki na nga ang pagbabago ni Sakuragi mula noong laban nila sa taga Sannoh. Hindi na maipagkakailang magawa niyang malampasan ang galing ni Rukawa pag nagkataon.
"Salamat ate Kia." wika ni Yasuda nang abutan ko siya ng tubig.
"Huwag kang magpatuyo ng pawis Yas, magpalit ka agad." utos ko naman sa kanya dahil para na siyang naliligo dahil sa basa ng kanyang damit.
BINABASA MO ANG
Your Fictional World
FanfictionIsang masaklap na pangyayari ang syang maging dahilan nang pagpunta mo sa kakaibang mundo. Isang mundong matagal munang pinapangarap mapuntahan dahil dito nakatira ang lalaking gustong gusto mong makasama. Ngunit darating ang panahong kinakailangan...