Kia's POV
Napahawak ako ng mahigpit sa kumot na bumabalot sa katawan ko. Ramdam na ramdam ko pa kase ang mataas na temperatura ng aking katawan ngunit sa kabila nito'y giniginaw parin ako ng sobra.
Rinig na rinig ko na ang pagrereklamo ng tiyan ko. Ngayon lang pumasok sa utak kong kanina pa pala ako nagugutom.
Bahagya kong ibinuka ng naka half open ang dalawa kung mata at susubukan sanang bumangon pero hindi ko maigalaw ang kanang braso ko dahil sa bigat.
Parang may kung anong mabigat na bagay ang nakapatong rito.
Iniangat ko ng kaunti ang aking ulo at itunuon ang atensyon sa kinalalagyan ng kanang braso ko.
Para akong napako sa kinahihigaan ko nang makitang hindi man lang ordinaryong bagay ang nakapatong mula rito kundi itong matigas na ulo ng isang tao na naging dahilan kung bakit nakaramdam ako ng pangangalay at pamamahid sa kamay kong ito. Hindi na tuloy nakadaloy ng maayos ang dugo ko dahil naipit ng ulo niya.Kitang kita ko kung sino itong nasa tabi ng kama ko dahil maliwanag ang kabuuan ng kwarto. Nakabukas yung ilaw. Hindi ko man magawang makita ang mukha niya'y alam na alam ko na kung sino ito dahil sa buhok niya. Kabisadong kabisado ko na ang kanyang presensiya.
"T-teka lang!"
Ano tu? Si- si Rukawa.
Wa-wait, nasaan ba ako?
Hah, nasa bahay ako ni Rukawa?!
Ow sh*t!
Parang natigil ako sa paghinga. Sinusubukan kong angatin yung ulo ni Rukawa ng dahan dahan na nakapatong sa aking kanang braso.
Ano ba tu?
Ba't naman nasa tabi ko siya?
Ba't gantu tung posisyon niya?!Binabantayan niya ako?!
Wahh
"Agh."
Narinig ko ang kaunting pag ungol niya sa kanyang pagkakatulog. Napansin niya sigurong ginalaw ko siya kaya dahan dahan at dali dali kong ibinalik sa kama ang katawan ko. Bumalik ako sa pagkakahiga at ibinalik ko rin ang pagpikit ng dalawa kung mata na nag aanyong tulog na tulog pa.
Lagot na!
Binalot na naman ako ng kaba nang maramdaman kong iniangat na niya ang kanyang ulo na nakapatong sa braso ko. Ramdam na ramdam kong tumayo na siya sa gilid ng kama ko pero pinilit kong makahinga ng normal habang nag papanggap na natutulog parin.
"Magluluto lang ako." rinig ko pang sabi niya bago pa lumabas nitong kwarto.
Nakakapagtaka kung sino bang sinabihan niya dun, eh wala naman ibang tao rito liban sa aming dalawa.
Ang weirdo.Hindi ko alam kong nahalata niya bang nagtutulug tulugan lang ako o normal lang sa kanya ang makipag usap kahit natutulog yung tao. Naiisip ko tuloy na ito ang katangian ng totoong Rukawa, mas pinipiling makipag usap sa taong tulog kesa sa taong kausap niya ng harapan.
Nang makumpirma kong nakaalis na siya'y nakahinga ako ng maluwag.
Nanatiling nakahiga muna ako ng ilang minuto habang nakamulat naman yung mga mata. Nilibot at sinuri ng mariin ng mga mata ko ang kwarto kong saan ako narito. Ngayon lang nag sink in sa utak kong wala ako sa kabilang kwartong tinutuluyan ko noong una kundi nandito ako mismo sa kwarto ni Rukawa.
Kabisado ko na ang kinaroonan ko dahil ito ang pinaka unang bahay na nagpatuloy sa akin sa lugar na ito. Pero ang hindi ko lang alam kung bakit nandito ako. Kung bakit napunta ako sa bahay ni Rukawa eh ang tanging naaalala ko lang naman ay lumabas ako ng bahay nun para bumili ng gamot sana sa convinence store. Pero nung nagsimula na akong maglakad paalis ay biglang nagdilim ang paningin ko at doon ay hindi ko na naalala ang sumunod pang mga nangyari.
BINABASA MO ANG
Your Fictional World
FanfictionIsang masaklap na pangyayari ang syang maging dahilan nang pagpunta mo sa kakaibang mundo. Isang mundong matagal munang pinapangarap mapuntahan dahil dito nakatira ang lalaking gustong gusto mong makasama. Ngunit darating ang panahong kinakailangan...