KIA
"Ayos ka lang ba Kia?" isang malambing na boses at may halong pang aasar ang nagpabalik sa diwa ko. Si Rukawa.
Hinalikan niya ako.
Shit.
"Ahem.. Kia, kailangan mo pa ba ng isa?" natatawa nitong saad.
Sa pangalawang pagkakataon ay nagbalik ako sa aking sarili. Labis akong namula ng mapagtantong kanina ko pa pala kagat kagat yung pang ibaba kong labi. Nakakahiya.
Kaagad akong nag iwas ng tingin sa kanya. At umusog para makaalis na sana sa kama. Ngunit agad niya akong napigilan. Nahawakan niya ang kamay ko.
"Pasensya na. Nabigla ba kita?" tila nagbago ang ekspresyon nang pananalita nito. Nangibabaw nito ang pag aalala.
Tanging pagtango lamang ng ulo ang naisagot ko. Nakakahiya, sobra.
Ganito pala ang pakiramdam, kapag hinalikan ka ng isang Kaede Rukawa. Anak ng tipaklong naman!
That was my first kiss.
Mas lalo tuloy akong namula sa tinuran ng isip ko.
Napailing ako at pinilig ang ulo sa ibang direksiyon.
"First kiss ko rin yun." pag aamin nito na tila nababasa ang aking iniisip.
Sa peripheral vision ko'y nakikita ko ang pamumula niya at pag iiwas ng tingin.
I really find it cute with that gestures of him.
Narinig ko pa ang marahan niyang pagtawa.
Pati pagtawa niya'y tila nakakalusaw ng mundo.
Nagulat ako sa inamin niya. I didn't even expect na ako pa ang unang babaeng minahal ni Rukawa. Isang babaeng imposible niya namang makasama.
At siya rin ang unang lalaking minahal ko. Isang lalaking mula lamang sa imahinasyon.
Sobrang sakit nga pala ng katotohanan.
Katotohanang, kailangan kong tanggapin.
Naramdaman ko ang pagpisil ni Rukawa sa aking kamay. Namumulang ibinalik ko ang tingin sa kanya.
Kapwa nakaupo kami ngayo sa kama habang magkahawak ang dalawa naming kamay, at nakaharap sa bintana. Tumila na pala ang ulan. At mag gagabi na.
Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya habang siya'y matiwasay na nakatanaw sa labas ng bintana.
He caught me staring at him at kaagad sinalubong ang tingin ko ng matatamis niyang ngiti.
Yung ngiting tila papatayin ka na sa kilig.
Ghad. Kung pwedeng mamatay nalang ako, huwag na yung maglaho.
"Ayos lang kahit habang buhay mo akong tititigan, hinding hindi naman ako matutunaw." natatawa nitong saad at saka ko naramdaman ang pag usog niya sa pwesto ko. Naramdaman ko ang paglapat ng aming mga balat.
Biglang nag init ang dalawa kong pisnge.
I got speechless.
Tanging pagyuko ng ulo ko lamang ang aking nagawa at tahimik na napangiti.
I always feeled being comfortable in his side. Kung pwede lang sana ihinto ang oras.
Kahit sa ilang sandaling iyon ay nakaramdam ako ng saya.
Kakaibang saya na kinakailangan kong sulitin sa mga pagkakataong tu. Dahil nabibilang na lamang ang mga minuto na mananatili ako sa tabi niya.
Ngunit hindi.
BINABASA MO ANG
Your Fictional World
FanfictionIsang masaklap na pangyayari ang syang maging dahilan nang pagpunta mo sa kakaibang mundo. Isang mundong matagal munang pinapangarap mapuntahan dahil dito nakatira ang lalaking gustong gusto mong makasama. Ngunit darating ang panahong kinakailangan...