25-Mga tanong

74 10 0
                                    

KIA

Tatlong buwan na ang nakalipas, isang linggo nalang bago ang winter tournament pero nananatiling isang malaking palaisipan pa rin sa akin ang dahilan kung bakit ako napunta sa lugar na ito. Mas mainam sigurong tanungin kung paano ako napunta sa mundong ito. Isang anime world ito, matagal ko nang alam yun. Pero ang tanong, bakit mga tao sila. Parang nasa reyalidad ako sa animeng Slam Dunk ngunit hindi ko alam ang dahilan. Mas tumatagal, mas dumadami ang mga tanong sa aking isipan. Dagdag pa't namimiss ko na sila kuya at mama. Kahit tinuring na akong pamilya nila Yasuda ay hindi pa rin maipagkakailang mangulila ako sa totoo kong pamilya.

Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa kong manatili rito sa loob ng ilang buwan.

Ibig sabihin ba, dahil nandito ako sa mundong ito, wala ako sa mundo ko?
Hindi ako kasama nila mama.

Kung kasama nila ako ngayon, hindi ako yun. Pero sino?

Kung wala nga ako dun, ano nang nangyayari kina mama? Humanap ba sila ng paraan para makita ako?

Kung hindi nila ako natagpuan, ibig sabihin bang namatay na ako sa reyalidad kong buhay kaya ako narito?

Kung hindi ako namatay, anong dahilan kung bakit nandito ako. Wala akong ibang naalala bago ako nagising na nandito na ako sa mundong ito, kundi yung panaginip ko lang na iyon.

Ilang beses rin akong binabagabag ng bangungot na yun na nasagasaan ako ng sasakyan. Napapaisip ako kung totoo ba ang mga iyon o sadyang panaginip lang. Pero bakit kinakailangang pang panaginipan ko yun ng paulit ulit.

Kung may ibang dahilan, maaari bang may koneksiyon iyon kung bakit ako narito.

Oo na't natagpuan ko rito ang animeng unang bumihag sa puso ko. Higit pa dun nakasama ko pa ang ibang mga karakter sa Slam dunk. Masaya ako dahil nakasama at nakakausap ko sila. Matagal ko nang hiniling ang ganitong imposibleng bagay sa buhay ko at hindi ako makapaniwalang nangyari nga sa hindi ko malamang dahilan.

Masaya ako. Sobrang saya dahil namuhay akong kasama sila at itinuring nila akong tunay na pamilya.

Pero ang problema, hindi ito ang mundo ko.
Hindi ang mundong ito ang kinabibilangan ko.

Paano ako makakabalik sa reyalidad?

May pag asa pa bang makakasama ko ulit ang pamilya ko?

Pero sino? Sino ang maaaring mapag sabihan ko sa lahat ng ito gayong imposible nga itong paniwalaan.

Maipagtatapat ko ba sa kanila ang totoo?

Nina Ayako, ni Mitsui, Sakuragi, Yasuda, Ryota at lalong lalo na ni Rukawa.

Matatanggap ba nilang nagsinungaling ako sa lahat?

Magawa kaya nila akong intindihin?

Your Fictional WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon