Third Person
Nasa kay Rukawa ang bola. Mag ja-jumble na silang dalawa.
Dahil hanggang dibdib lang si Kia ni Rukawa, di niya nagawang makuhang matapik ang bola, dagdag pa't mataas itong tumalon.
Nag fake si Rukawa.
"Muntik mo na akong maisahan dun." nakangiting sabi ni Kia.
Kahit babae sya'y di rin sya magpapatalo kaya kapwa sineryoso nila ang laro.Dumepensa na si Kia.
"Ang bilis."
Nalusutan siya ni Rukawa at tumakbo ito habang nag d-drible.
Nasa 2point line sya.
Nag jumpshot si Rukawa.
Na shoot.Kinuha ni Rukawa ang bola at hinarap si Kia.
"Talo ka." seryoso nitong sabi.
Tinignan siya ni Kia ng nakangiti.
"Aba aba, hahahha. Ikaw ang humawak ng bola kanina diba, kaya pwede sigurong ako naman ngayon." pagmamalaki nitong sagot.
"Cge na nga."Kia's POV
Nasa three point line ako ngayon.
Ipinasa na niya yung bola saken at ng
di pa sya naka depensa..
"Tignan mo yung paa ko,wag yung bola."
agad ko ng i -shinoot yung bola sa ring.Alam kong sa puntong yun ay may naalala sya.
Yung one on one nila Mitsui.
Sa totoo lang, ginaya ko lang naman yung eksena nilang dalawa nung pinapanood ko pa sila."Panalo ako." sabay ngiti ko sa kanya habang pinupulot ko yung bola sa pinagbaksakan nito.
Kung di lang talaga sya cold, natatawa na siguro ako sa reaksyon niya ngayon.
Pero ewan ko ba, di siguro uso yung emosyon sa kanya.
"Daya." walang kabuhay buhay nyang sabi.
"Malinis naman." pagmamayabang ko sa kanya.
Wala man lang itong imik.
"Ouh ano, tara na." aya ko sa kanya.
Pero sa inaasahan na nga. Wala itong isasagot.
"Hahahha joke lang. Cge mauna nalang ako. Ingat ka."Alam kong di naman talaga sya papayag na patutuluyin ako. Kung tutuusin, bago pa nga lang kami nag kakilala. I mean di pa nya ako masyadong kilala pero ako, kilalang kilala ko siya maliban siguro kung sa personal na buhay niya ang pag uusapan, tulad ng pamilya.
Kaya di ko na hinintay yung sagot niya at lalabas na sana ako ng gym."San ka tutuloy?"
natigilan naman ako sa tanong niya.
"Kahit san hanggang mahanap ko yung kapalaran ko sa lugar natu." ngumiti muna ako ng matipid sa kanya bago na ako tumalikod at nagpatuloy na sa paglalakad.Ilang metro na rin siguro ang nalakad ko pero wala akong tiyak na patutunguhan. Diko alintana ang lamig ng simoy ng hangin sa gabi at hinayaan lang yung mga paa ko kung san man nila ako dadalhin.
Sanay naman akong maglakad ng ganitong oras ngunit naramdaman kong may kakaibang presensya ang tila sumusunod saken mula pa kanina.
"Putik naman. Diko na nga alam san ako pupunta, susundan pa talaga ako."
Dinaman ako gaanong takot pero mas mabuti na sigurong mag ingat. Kaya mas binilisan ko pa yung paglalakad ko. Gusto ko sanang lingunin kung sino yung elementong nasa likod ko pero baka bigla akong mahimatay.
Oo na, binalot na talaga ako ng takot.
Kahit marunong ako ng tekwando pero walang silbi yun kung mahimatay na ako dito."Sinusundan ka."
Natigilan ako sa paglalakad.
Pamilyar ang boses na yun.Pagkarinig ko sa sinabi nya'y ramdam kung unti unting napawi ang kabang kanina ko pa dinadala.
Nilingon ko si Rukawa. Nakasakay siya sa bisikleta niya at tumigil sa gilid ng kalsada kung san ako naroon.
"Sino?" takang tanong ko sa kanya pero di niya ako tinignan. Nasa unahan yung tingin niya. Ang layo pa ng abot. Kung tutuusin parang di nga ako ang kinakausap nito. Pero dalawa lang naman kami, alangan namn siguro yung bisikleta yung kinakausap niya. Ang creepy naman kung ganun.
"Sakay."
Tila nabingi pa ako ng kaunti sa sinabi niya.
Di agad ito nag sink in sa utak ko pero agad na rin akong sumakay. Delikado na pag nagbago pa isip nito.
"S-salamat." tanging nasabi ko nalang."Hawak." utos niya. Ang labo nito kausap.
"Huh?" gulong tanong ko. Limitado ata laway nito. Kulang nalang kasi kunan na lang ng vowels yung bawat salita.
"Sa balikat."
Nakuha ko naman yung sinabi niya kahit putol putol at agaran na syang nag pedal.
Parang bumalik pa yung kaba ko kanina ng humawak ako sa balikat niya. Pero kailangan kung patahanin yung sarili ko.
"Kalma selp. Ligtas kana." nasabi ko nalang sa isip ko.Bigla ko naman tuloy naalala yung nasa train kami ng titigan ko yung mga kamay kung nakahawak sa balikat niya.
Muntik pa akong na stepneck dun.Tanging pagpepedal lang ng bisiklita ang naririnig ko. Wala akong planong basagin yung katahimikan. Di naman ito sasagot pag tinanong lalo pa't abala sya sa pagpepedal. Baka tuloy magmukha akong tangang kinakausap yung hangin.
"Nga pala, sinusundan daw ako. Oo, alam ko yun pero diko alam kung sino. Ngayon lang ata ako nagkaroon ng stalker sa buong buhay ko." daldal ng isip ko. Gusto ko sanang itanong sa kanya pero wag nalang ang importante ligtas ako.Kapwa walang gustong magsalita sa aming dalawa. Aantayin ko nalang kung kelan kami hihinto nito.
BINABASA MO ANG
Your Fictional World
FanfictionIsang masaklap na pangyayari ang syang maging dahilan nang pagpunta mo sa kakaibang mundo. Isang mundong matagal munang pinapangarap mapuntahan dahil dito nakatira ang lalaking gustong gusto mong makasama. Ngunit darating ang panahong kinakailangan...