33-Ang Buong Katotohanan

76 5 0
                                    

KIA

Ano ito?

Patay na ba talaga ako?

Bakit parang sobrang liwanag naman ata ng paligid?

Sunod sunod na tanong ng utak ko habang nanatiling naka half open ang aking mga mata.
Sadyang malabo pa para sa akin upang malaman ang kinaroroonan ko.

"Gising ka na pala."

Isang boses batang babae ang tuluyang nagpamulat sa mga mata ko.

Gulat na napaupo ako sa sahig nang bumungad sa aking harapan ang hindi lamang basta ordinaryong batang babae..

Kundi isa itong anime.
Literal na animeng nakikita mo sa mga anime movie.

Nakasuot siya nang puting bestida na lampas hanggang tuhod. Kulay dilaw ang kanyang kulot na buhok na hanggang balikat. At may kulay asul siyang mga mata.

At isa lang ang masasabi ko.
Isa siyang napaka gandang anime.

Ang inaakala ko'y nasa hospital ako ngayon.

Nilibot ko ang aking mga mata at ang nakapagtatakang nandito ako sa isang kulay puti at malawak na kwarto na wala ka man lamang makikitang ni isang bagay sa paligid. Wala rin akong nakikitang pinto.

Naguguluhang ibinaling ko ang tingin sa kanya.

"Nasaan ako? At s-sino ka?"

Seryoso niya lang ako tinignan bago nagsalita.

"Nasa ibang dimension ka nang mundo, Kia.
Ako si Anima at ako ang nagbabantay sa hangganan sa pagitan nang reyalidad na buhay at sa piksiyong mundo."

"Bakit? Patay na ba ako?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Walang dahilan para mamatay ka sa piksiyong mundo, Kia."

"Kung ganoon, bakit ako narito?"

Imbis na sagutin ako ni Anima ay bigla na lamang siyang naglaho sa harapan ko. At sa hindi malamang dahilan ay nakita ko ang unti unting pagbabago nang buong paligid.

"Ma, alis na po ako."

"Sige, mag iingat ka anak."

"Kuya, mauna na ako sayo."

"Sige, sige ingat ka bunso."

Teka- Nasa loob ako ng bahay?

Si mama?
Si kuya?

At a-ko?

Nakita ko ang aking sarili na nagpaalam kay mama at kuya bago lumabas ng bahay?

Ano bang nangyayari?

At bigla na namang nagbago ang paligid.
Nasa paaralan ito.

"Kia, sabay kana samin?"

Si Yanna ito ah?

Kinakausap niya ako?

"Mauna na muna kayo. Pupunta pa ako ng gym."

Boses ko yun.

Tingin sa likod.

Ako yun ah, naglakad na palabas ng gate.

Nakita ko ang sarili ko.
At sumunod ako dito.

"Oh ha. Oh ayun! 3 points! Sabi nang di nyo ko kaya eh!"

"Oui, ano ba naman yan?! nalamangan agad!"

Teka! Naalala ko na ito.
Ito yung nangyari sa akin bago ako na punta sa-

Nakita kong tatawid na ang sarili ko sa kalsada ngunit abala pa ito sa pagkakalikot ng phone niya.

Your Fictional WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon