Kia's POV
Dahan dahan kong ibinuka yung dalawa kong mata at saka bumangon. Ramdam ko kasi ang pananakit ng puson ko, naiihi na ako.
Kaya dali dali na akong nagtungo sa cr ng kwarto ko.
Pagkatapos ay agad na rin akong bumalik sa kama.Dama ko pa ang pamimigat ng mga mata ko. Naka half open lang ang mga ito habang nakahiga ako sa kama at nilibot ko iyon sa paligid.
Tanging repleksiyon lang ng ilaw mula sa mga poste sa kalsada ang nagbibigay ng liwanang sa loob ng kwarto ko.
"Anong oras naba?"
diko makita kung sang direksyon nakasabit yung orasan kaya bumangon muna ako at kinapakapa ko yung switch saka ko pinindot.
Kinusot ko yung mga mata ko para maging klarado para saken ang buong paligid.At hinagilap ko ang kinaroroonan ng orasan.
"Mag a-alas onse na pala"
kulang pa yung tulog ko kaya bumalik ako sa pagkakasalampak sa kama.Sinimulan ko ng ipikit ng mariin yung mga mata ko ng maalala ko si Rukawa. aughh ano ba!
Bumabalik na naman yung eksena sa paghila niya sa pulupulsuhan ko para pigilan ako sa nais na paglagpas sa kanya.
Napako yung mata ko sa kanang kamay kong nahawakan ni Rukawa. Tila ramdam ko pa ang paghigpit ng pagkakahawak niya rito. Pero ngayon ko lang napagtantong wala man lang akong naging reaksyon nung gawin niya saken yun.
tssk. anu ba dapat Kia, kiligin?! ganun?
aughh!! takteng utak tu
killjoyNgayon ko lang rin naalala ang kamay kong naka bandage parin pala. Kanina pa tu.
Kaya tuluyan na akong napabalikwas sa kama at tinungo ang kinaroroonan ng first aid kit.Pagkuway umupo ako sa ibabaw ng kama at tinanggal yung bandage na nakabalot pa sa kaliwang kamay ko saka pinalitan ng band aid.
Matapos kong malagyan ng band aid yung sugat ko'y pinlano ko nang humiga na ulit sa kama.
Pero natigil ako ng marinig ang isang pamilyar na tunog na nagmumula yata sa labas.Talbog ng bola..
May naglalaro pa ba sa dis oras ng gabi?
Imposible namang sa gitna sila ng kalsada nag lalaro?
pero.. wala naman akong naririnig na mga nag uusap
tanging talbog lang ng bola..Diko na mapigilan ang ka kuryosidad ko kaya pinihit ko yung sarili ko sa tapat ng bintana at binuksan ito ng kaunti.
Makikita naman yung labas kahit diko bubuksan yung bintana dahil gawa naman ito sa glass. Pero pinili kong buksan na lamang ito upang mas makadungaw ako sa bintana at matanaw ang buong kalsada.Tanging tanglaw lamang ng mga ilaw na nagmumula sa poste ang nagbibigay liwanag sa buong kalsada.
Ramdam ko pa ang pagdampi ng malamig na hangin sa kabuuan ng mukha ko nang bumukas ito.
Napapikit nalang ako ng mariin habang nakadungaw.
Tahimik yung paligid.
Nakalimutan ko tuloy yung pakay ko kung bakit ako napadungaw sa bitana.Tumigil na pala yung pagtalbog ng bola.
Binuksan ko na yung mga mata ko at tinanaw ang buong kalsada.
Nagmamasid ako kung may mga tao pa ba pero nakapatay naman lahat ng ilaw ng mga kabahayan rito.
Tanging nakahanay lamang ng mga ilaw sa poste ang buhay na buhay pa.Napako yung tingin ko sa katapat nitong bahay.
At ang mas umagaw nito ng pansin ay ang kulay ng gate na lalong naging klarado dahil sa liwanag na nagmumula sa katabi nitong poste.
kulay blue?Tulad ng gate nila Rukawa..
aughh!! bat ba si Rukawa nalang palagi naiisip ko
Pinagmasdan ko yung kabuuan ng bahay.
Sobrang pamilyar..
pati yung lugar..Halos masamid pa ako sa bintana ng maagaw ng pansin ko ang isang taong nakayukong nakaupo sa gilid ng gate. At nagpapaikot ng
bola sa kanyang kamay?!
BINABASA MO ANG
Your Fictional World
FanfictionIsang masaklap na pangyayari ang syang maging dahilan nang pagpunta mo sa kakaibang mundo. Isang mundong matagal munang pinapangarap mapuntahan dahil dito nakatira ang lalaking gustong gusto mong makasama. Ngunit darating ang panahong kinakailangan...