16-A day for me

135 12 0
                                    

Kia's POV

Nabulabog ang tulog ko nang may kung sinong pusa ang kanina pa kumikiliti sa palad ng mga paa ko.

"Mingming, natutulog pa ako." paanas kong sabi habang nakabaluktot pa rin sa loob ng kumot pero labas naman ang mga paa.

Ginalaw galaw ko yung mga paa ko at tumitigil rin yung pusang kumikiliti nito.
Pero maya maya rin ay babalik na naman.
Nakakabanas kana mingming ha!?

Kaya tinanggal ko na yung kumot ko at marahan kung kinurap kurap yung mga mata ko. Naka half open pa ito kaya diko pa masyadong maaninag ang nasa paligid ko.
At may kung sinong pusa naman ang biglang pumingot ng marahan sa ilong ko.

"Aray! Ang sakit nun ha-

"Good morning ate Kia."

isang kyut na pusa ay este si Yasuda pala ang sumalubong agad sa pagkakagising ko. At marahan pa niyang ginulo yung buhok ko.
Akala ko talaga may pusang nakapasok sa kwarto ko.

"Hala! anong oras na Yasuda?!" natataranta kong tanong at agad napabalikwas sa higaan para hagilapin ang orasan. Habang si Yasuda nama'y parang kalmado pang umupo sa gilid ng kama ko.

"9:30 na ate." nangingiting sabi niya.
Ano ba nakain nito?!

Halos lumuwa naman ang mata ko ng matanaw yung orasan.
9:30 na nga!

"Hoyy ba't dimo ako ginising? san na si mama? kumain kana ba? nasa baba pa ba siya?" nagkakanda sunod sunod kong tanong habang nililigpit ko yung pinaghigaan ko at sinuot na yung isang pares ng tsiniles na nasa ilalim ng kama ko saka dali daling bumaba na sa sala. Sinundan niya naman ako.

"Kanina pa eh." kalmado niyang sagot habang pababa na kami ng hagdan

"Hah? Kanina pa? Bakit di niya ako hinintay? Anong oras pa ba siyang pumunta sa restaurant? Ginising mo ba ako? Anong oras mo ba akong ginising?  Bat diko siya naabutan?"
nagkakandarapa kong tanong sa kanya.

Bakit ngayon lang kasi ako nagising eh maaga pa naman pala kaming pupunta ni mama Aida sa restaurant dahil siguradong marami na naman kaming costumers.
First day ko pa naman rito sa bahay nila tas palpak pa yung simula ng araw ko.

"Ate Kia naman, dahan dahan nga lang. Mahina yung kalaban.."
tila nang aasar niyang sabi na kinainis ko naman ng kaunti.
Nasa sofa sya nakahilata habang ako nama'y gulong gulo na kong ano ang uunahin gawin.

"Oh sya dyan ka muna. Maghihilamos nalang muna ako at susunod ako kay mama." may pagkairita kung sabi at agad na akong tumalikod

"Wag na daw ate."

pumantig naman ang magkabila kong tenga sa narinig ko.
Anong wag na daw?

"Huh? Bakit naman?! Nagalit ba sa akin si mama?!" nagtataka kong tanong.
Panong magalit, may nagawa ba akong mali? Ha?

Mas lalo lamang akong nainis nang di niya ako sinagot at patuloy lang sa panonood ng tv.
Sumilip ako kung ano ba pinapanood nito na di man lang ako pinapansin.
Basketball pala..

Pumunta na ako sa lababo para maghilamos nalang muna. Kung tutuusin wala na akong planong maligo dahil late na talaga ako sa trabaho. Mamayang gabi nalang ako maliligo kung may oras pa.

Pagkatapos kung maghilamos ay agad ko na ring napagplanohang bumalik muna sa kwarto ko para makapagbihis nang sa gayon ay makasunod na ako kay mama sa restuarant.

"Ate wag ka na dawng pumunta sa restaurant. Samahan mo nalang daw ako sa practice game namin." sabi niya ng nasa tv parin ang atensyon kaya naudlot yung nais ko sanang pag akyat sa hagdan at napatingin sa gawi niya at napakunot na lamang ako noo.

Your Fictional WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon